Chapter 20

4 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon ako at tiningnan ang paligid. Akala ko panaginip lang ang lahat ng nangyari pero totoo pala dahil andito talaga ako sa bahay ni Connor. Inayos ko ang sarili ko, naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto para hanapin si Connor. Wala sya sa living room kaya hinanap ko yung kusina at dun ko nga sya nakita.

"Connor." napatingin naman sya sakin at ngumiti.

"Gutom ka na?"

"Hindi ka pumasok sa trabaho?"

"Hindi. Ikaw rin naman eh. Kumain na tayo." sabi nya at nilapag na sa mesa ang pagkaing niluto nya. Umupo na rin lang ako at kumain na nga kami.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" napatingin naman ako sa kanya.

"Maayos naman, medjo masakit lang yung katawan ko dahil siguro sa mga pasa at sugat."

"Papasok ka ba bukas? Baka dapat magpahinga ka nalang muna."

"Papasok ako. Kaya ko naman eh, tsaka di naman nila mapapansin ang mga sugat ko. Itatago ko nalang. Kaya sana, pwede bang wag mo nalang ipaalam sa iba ang nangyari kagabi?"

"Pano ang mama mo?"

"Ayokong malaman nya, mag-aalala lang yun. Please Connor?"

"Kung yan ang gusto mo Khaly."

"Salamat."

"Uuwi ka ngayon sa inyo?"

"Hindi, ayoko pa sanang umuwi."

"Kung ganun, dito ka na muna. Samahan mo nalang ako, tutal pareho naman tayong absent eh." Ngumiti sya sakin.

"Wala ka bang kasama dito?"

"I live alone. Pumupunta lang ang parents & relatives ko dito tuwing may okasyon or holidays."

"Hindi ka ba nabobored dito sa bahay mo?"

"Minsan, kaya nga naghahanap na ako ng makakasama dito eh. Gusto mo ba?" Tumawa sya.

"Tch. Tigilan mo ko doc Connor ah."

"Ayan ka na naman eh, Connor lang sabi---tayong dalawa lang naman ang nandito eh."

"Oo na Connor."

"Anong oo na?--- payag ka nang makasama ko dito sa bahay?" tumawa ulit sya.

"Wag mo nga akong pinagtitripan. Tch."

"Just kidding Khaly, I just want you to feel at ease." Tinapos na namin ang pagkain.

"Ako na ang magliligpit nito." sabi ko sa kanya at niligpit yung pinagkainan namin.

"Sigurado ka?" Tumango naman ako.

Habang naghuhugas ako ng pinggan eh pansin ko na nakatitig lang sya sakin. Kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"What?" sabi ko sa kanya. Nginitian nya ako.

"Pasado ka nang asawa ko."

"Hindi po ako nag-auaudition para maging asawa nyo. Tch." Binanlawan ko na yung pinggan. Narinig ko naman na natawa sya.

"Hindi ba? Pero pasado ka talaga eh. Ayaw mo ba talaga?"
Sinamaan ko ulit sya ng tingin sya naman eh nagpipigil tumawa.

"Enjoy na enjoy ka sa pangtitrip sakin ah."

"I enjoy being this close with you Khaly." Inirapan ko nalang sya, di ko mapigilang mapangiti sa mga hirit nya. Bwisit na Connor toh.

"Nakita ko yun! Ngumiti ka. Napangiti kita!"

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now