Chapter 22

4 0 0
                                    

Nag-excuse kaming tatlo ni Mia at Caesar sa ospital ngayon dahil kelangan naming magreport sa school. Pinatawag kasi kami ng professor namin dahil may seminar na gagawin at the same time eh kelangan naming ireport yung ginagawa namin sa ospital.

Nasa school na kami ngayon. Actually kanina pa kami dito. Malapit na ngang matapos yung seminar namin eh. Nagvibrate naman yung phone na hawak ko kaya chineck ko yun.

Message from Connor.

'Anong oras kayo matatapos?'

Nireplyan ko naman sya.

'Patapos na kami ngayon.'

Nagreply din naman sya agad.

'Okay. I'll be waiting outside.'

Outside? Teka---anong pinagsasasabi nya?

'Ha? Bakit?'
reply ko sa kanya. Nag-antay ako ng reply nya pero walang dumating hanggang sa matapos yung seminar namin at nagsilabasan na nga kami sa auditorium ng school. Sabay na kaming lumabas nina Caesar at Mia dahil babalik pa kami sa ospital mamaya. Mag-oovertime kasi kami mamaya para makabawi sa excuse namin ngayon.


"Si Doc Connor ba yun?" sabi ni Mia at may tinuro dun sa may parking lot ng auditorium. Napatingin naman kami ni Caesar sa tinuro nya at nakita ko nga dun si Connor na nakasandal sa gilid ng kotse nya. Napalingon sya samin at ngumiti. Hinila naman ako ni Mia at Caesar para lumapit kay Connor.

"Uy Doc! Anong ginagawa mo dito? Hindi ba busy sa ospital?" Tanong ni Caesar nung makalapit kami.

"Hindi masyado kaya nagpaalam muna ako na lalabas sandali." sagot naman ni Connor.

"Sinusundo mo ba si Khaly Doc?" tanong ni Mia kaya naman napatingin si Connor sa kanya at tsaka sakin tapos eh ngumiti.

"Parang ganun nga."

"Sus! Kaya naman pala eh. Iba na yan doc ah. Tsaka haba ng hair mo Khaly.. Sya sige, mauna na kami ni Caesar para di na kami makaistorbo sa inyo. Kita nalang tayo sa ospital Doc Connor & Khaly." sabi ni Mia at hinila na si Caesar paalis.

"Bye doc connor at khaly!" kaway pa ni Caesar bago sila tuluyang umalis.

Lumapit naman si Connor sakin at hinawakan ang kamay ko. Nakaharap kami sa isa't isa. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Hindi mo naman ako kelangang sunduin dito eh." sabi ko.

"But I want to Khaly. And besides, namiss ko rin tong alma mater ko." Nginitian nya ako. Inirapan ko nalang sya.

"Connor?---Doc Connor! Ikaw nga!" narinig kong may nagsalita sa likuran ko. Pamilyar ang boses ng nagsalita. Napatingin ako kay Connor at nakakunot ang noo nya pero napangiti din agad sya kaya napalingon naman ako sa likod ko.

"Doctor Lim!" sabi ni Connor at lumapit para makapagshakehands sila ni Doctor Lim sabay tapik sa balikat ng isa't isa. Nakatingin lang ako sa kanila. Isa sa mga professors namin si Doc Lim. Siguro naging prof. din sya ni Connor noon, dito din kasi nag-aral sa school namin si Connor.

"Kumusta? Binata pa rin?" Sabi ni Doc Lim na bahagya pang tumawa.

"Unfortunately Doc." tumawa din si Connor.

"Ayos lang yan, makakahanap ka din.. Napadalaw ka yata dito?"

"Ah. M-may sinundo lang ako Doc." sabi ni Connor at napakamot sya sa batok nya.
Napatingin si Doc Lim sakin, kaya di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

If We Could Be (F4-inspired)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon