Chapter 13

5 1 0
                                    

Tinawagan na naman ulit ako ni Doc Connor kanina, para icheck kung okay na ako. Sinabi ko naman na medjo okay na ang pakiramdam ko at siguro eh makakapasok na ako bukas.

Andito pa rin si Audrey sa bahay. Naaliw kasi kami sa paglalaro kasama si Baby Castiel at ngayong tulog na si baby eh naglaro nalang kami ni Audrey ng snake & ladder dito sa kwarto ko. Ang ingay nya nga eh sa tuwing hinagis nya yung dice, nakailang ulit na rin kami sa paglalaro at kung sino yung matalo eh guguhitan ng kung ano sa mukha gamit yung temporary marker. Sobrang natatawa ako sa mga mukha namin.

"Ate Khaly! Let's take a picture--I'll send this to Kuya Dylan." sabi nya at kinuha ang phone nya at nagselfie kami. Tawa kami ng tawa habang tinitingnan sa screen ng phone nya yung mga mukha namin. Pareho kaming may bigote, tsaka may parang luha drawing sa mukha at kung anu-ano pa.

Nung napagod na kami sa paglalaro ni Audrey eh humilata kami sa kama ko. Kinuha ko naman ang phone ko para tingnan yung oras.
It's passed 9pm, malamang pauwi na yung si Dylan.

"Pinapunta ko nga pala si Kuya Dylan dito ate, is that okay? His on his way na."

"Ayaw mo pang umuwi?"

"I wanna sleep here, can I?"

"Eh pano ang kuya mo? Pauuwiin mo sya after?"

"Dito din sya matutulog."

"Ano? Sa'n naman natin sya patutulugin dito?" napabangon ako para tingnan si Audrey.

"Nagpaalam ako kanina kay Tita Eve na sa kwarto nya ako matutulog, she said yes so--- dito kayo ni Kuya Dylan." nginitian naman nya ako.

"You're kidding right?--- hindi pwede Audrey."

"Why??? Please ate--- just let kuya dylan sleep here...please.." bumangon sya at niyakap ako para kumbinsihin. Nakuu! Talaga naman tong batang toh oo.


"Audrey! Khaly! Andito si Dylan!" narinig kong sigaw ni mama sa labas. Dali-dali namang tumayo si Audrey at lumabas ng kwarto ko. Sumunod na rin lang ako sa kanya.

Nakaupo na sa sofa sa sala si Dylan, tumabi naman sa kanya si Audrey.

"Kumain ka na?" tanong ko kay Dylan.

"Yeah, I did." sagot naman nya. Kaya tumango nalang ako at umupo sa kaharap na upuan nila.

"Dito tayo matutulog kuya ah? I already told Tita Eve and Ate Khaly."

"Audrey---pwede namang sa bahay nalang tayo, nakakahiya kay Tita Eve at Khaly."

"Please kuya? Just this once, please?" pagmamakaawa ni Audrey sa Kuya nya.
Mukhang nafufrustrate na si Dylan sa kapatid nya at mukhang pagod din sya. Sinalo nya pa naman ang trabaho ko ngayong araw. Tsk. Baka masyado syang naging busy dahil dun. Nagiguilty tuloy ako, dinamay ko pa sya sa issues ko sa buhay.

"Okay lang ba talaga Khaly?" baling ni Dylan sakin, kaya napatingin din si Audrey sakin. Ngumiti nalang ako.

"Oo naman. Welcome naman kayo lagi dito eh." sabi ko. Pero ang problema ko lang talaga eh saan ko papatulugin si Dylan? Buti sana kung hindi dumating si Tita Ivy ngayon pwede siya dun sa kabilang kwarto. Tatlo lang kasi ang kwarto namin dito sa bahay eh.

"See kuya, pumayag ka na."

"Hay, fine audrey." sumuko na nga si Dylan sa kapatid nya.

"Yey! Thanks kuya!" masayang sabi ni Audrey at tumayo sya para pumunta sa kwarto ni Mama.

"Dito na ako sa sofa matutulog." sabi ni Dylan at akmang hihiga na sa sofa. Pano ba toh? Kainis naman oh.

"Khaly? ---nakakahiya naman kay Dylan kung jan mo sya papatulugin sa sofa. Dun nalang sya sa kwarto mo tutal pandalawang tao naman yung kama mo eh." sabi ni mama na nasa may pintuan lang ng kwarto nya habang nasa gilid nya si Audrey. Ano na naman kaya ang sinabi nitong si Audrey sa mama ko? Aish.

"It's okay tita, I could just sleep here."

"Hindi pwede, pinapatulog nyo nga tong si Khaly dun sa kwarto sa bahay nyo eh. Kaya dun ka na sa kwarto nya, wag lang kayong gagawa ng kalokohan. Maliwanag ba?"

"Mama naman eh!" saway ko kay mama. Kasi naman bakit iba yung iniisip nya? Tsk. Narinig ko namang natawa si Dylan.

"Sige po Tita, wag kayong mag-alala. Wala kaming gagawing kalokohan."

"Mabuti naman. Sya sige na, pagod na rin ako. Mauna na ako sa kwarto, dito na matutulog si Audrey sa kwarto ko."

"Good night po Tita." bati ni Dylan.
Ngumiti lang si mama.

"Good night Ate Khaly & Kuya Dylan, sweetdreams."

"Good night Audrey."

Pumasok na nga si Mama at Audrey sa kwarto kaya naman naiwan na kami ni Dylan dito sa sala.

"Tara na." sabi ko sa kanya para pumasok na kami sa kwarto.

"Hindi, dito nalang ako." tiningnan ko sya ng masama.

"Gusto mo bang mapagalitan ako ni Mama? Dun ka na sa kwarto. Tayo na jan." sabi ko at nauna ng maglakad papunta sa kwarto ko. Hinintay ko naman syang makalapit bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko.

"Ano pang hinihintay mo jan? Gusto mo kaladkarin pa kita papasok ganun?"

"You sure about this?"

"Oo, matutulog lang naman tayo ah. Tch. Bilis na, ano ba!"

"Okay fine fine." Pumasok na nga sya sa kwarto ko at umupo sa kama ko.

"Humiga ka na jan, alam kong pagod ka. Pasensya na nga pala kung sinalo mo lahat ng trabaho ko ngayong araw." sabi ko sa kanya at umupo na rin sa kama ko. Naramdaman ko naman ang paggalaw nya sa kama ko kaya napatingin ako sa kanya. Humiga na nga sya sa kabilang side ng kama.

"Wala yun. Hindi lang naman ako lahat sumalo ng trabaho mo eh. Doc Ian temporarily assigned your jobs to all of us, hindi nya hinayaang ako ang gumawa lahat."

"Nadamay pa kayo sa gusot ko. Mukhang di naman effective eh."

"Bakit naman? Hindi naman natuloy ang date nyo ah?"

"Oo nga, kaya lang sinabi nyang ipagpaliban nalang daw muna so ibig sabihin pwede syang magyaya sa ibang araw. Tsk."

"Tanggihan mo nalang kasi sya. Maghanap ka ng reason. Pag-inaya ka ulit nya bukas, sabihin mo may iba kang gagawin ganun. Reason out Khaly."

"Sige susubukan ko."

"Wag mo lang subukan, gawin mo talaga." Hay ewan! Humiga nalang din ako sa kabilang side ng kama at tiningnan ko lang ang kisame.

"Khaly?" Napalingon naman ako kay Dylan, nakita ko namang nakatingin sya sakin.

"Bakit?"

"Wala ka bang balak maglinis ng mukha?" parang automatic yung kamay kong napahawak sa mukha ko. Oo nga pala! Ba't ngayon nya lang sinabi? Aish! Naglaro nga pala kami ni Audrey kanina kaya puno ng sulat yung mukha ko ngayon. Napabangon naman agad ako. Narinig ko yung tawa ni Dylan kaya tiningnan ko sya ng masama.

"Wag mo nga akong pagtawanan. Tch."

"Mas nakakatuwa pala kasi sa personal yung mukha mo kesa dun sa picture na sinend sakin ni Audrey."

"Tigilan mo ko, bwisit. Eh sa nakalimutan kong tanggalin eh, tsaka---bakit ngayon mo lang sinabi ah?! Tch. Kainis!" Sabi ko at tumayo na para pumunta sa banyo at makapaglinis ng mukha.

"Wag kang mag-alala, ang cute mong tingnan. Bukas mo nalang tanggalin! hahaha." narinig ko pang sabi ni Dylan bago ako makalabas ng kwarto. Nakakainis talaga sya minsan, binubwisit nya ako kapag trip nya. Ewan ko ba sa kanya!

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now