Chapter 30

4 0 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Naging maayos naman kami ni Connor, no hard feelings kumbaga. Nakapag-usap na rin kami nung araw na bumalik sya galing sa leave nya matapos naming maghiwalay. Sabi nya nag-usap na sila ni Doc Darcy, matagal din bago nya nakumbinsi si Doc Darcy tungkol sa nararamdaman nya at nagkaproblema din sila dahil nga ikakasal na nung mga panahong yun si Doc Darcy. Kinailangan nilang harapin lahat ng yun bago tuluyang naging maayos ang lahat. Nasa ibang ospital na ngayon nagtatrabaho si Doc Darcy kaya minsan lang kung magkita kami.

Tungkol naman kay Darren, maayos naman sila dun ng girlfriend nya. Binabalitaan ko rin sya lagi sa nangyayari sa buhay ko dito dahil baka magalit na naman sya sakin. Nakakapagtaka lang dahil madalas kasama nya ang girlfriend nya sa tuwing navivideo call kami pero hindi ako nakakaramdam ng sakit sa puso. Hindi na ako nasasaktan, masaya pa nga akong makita silang masaya eh. Siguro nga naisantabi ko na ang nararamdaman ko para kay Darren. Nakakagaan lang ng loob parang nawalan ako ng bagaheng matagal ng dinadala sa puso ko.


Natigil ang pag-iisip ko nung may pumitik sa noo ko.

"Aish! Nakakainis ka talaga kahit kelan!" sigaw ko kay Dylan dahil pinitik naman nya ang noo ko.

"Tulala ka na naman kasi. Ano namang iniisip mo?"

"Wala ka na dun." sabi ko at kinuha nalang yung charts na nasa table ko. Lumabas ako ng quarters para masimulan na yung rounds ko ngayong araw.

Malapit na nga pala kaming matapos sa internship namin dito sa ospital at nalalapit na rin yung board exam kaya naman double time na ako sa pagrereview. Kelangan ko pa ngang kausapin si Audrey eh na baka tuwing sabado nalang ako makakapagbonding sa kanya dahil nga kelangan kong magreview.
Pagkatapos din ng internship namin eh dalawang buwan akong magrereview sa isang review center sa siyudad bago ang board exam. Last 2 weeks nalang namin dito sa ospital kaya naman susulitin ko na ang natitirang araw ko dito para matutunan pa ang kelangan kong matutunan.

Nang matapos ako sa rounds ko eh pumunta ako sa consultation room ng ospital para mag-assist dun. Si Doc Ian ang nandito kaya naman mas okay, hindi kasi ako pumupunta dito kapag si Connor o si Dylan ang nandito. Di ko lang feel kaya ganun.

Napagpasyahan ko namang pumunta nalang sa canteen pagkatapos ko sa consultation room. Nagpaalam ako kay Doc Ian at pumunta na nga sa canteen para kumain mag-isa. Umorder ako ng pagkain ko at naghanap ng vacant table.

Nangangalahati na ako sa kinakain ko eh may naglapag bigla ng tray sa harap ko kaya napatingin ako kung sino yun.

"So trip mong magsolo flight ngayon?" sabi nya at umupo dun sa chair sa harap ko. Sinamaan ko nalang sya ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain.


"Bakit ang sungit mo ata ngayon? Are you having your period or something?" napatingin ako sa kanya ulit at padabog na nilapag yung kutsara ko.

"Trip mo rin talagang asarin ako noh? Tch."

"Hindi naman, slight lang." Inirapan ko nalang sya at tinuloy ang pagkain.

"Birthday nga pala ni Audrey this sunday. May celebration sa bahay namin sa siyudad. She wants me to bring you there. Hindi sya makakapunta sa bahay this weekend dahil hindi sya pinayagan ni Mommy. Balak nya sanang sa sabado ka nalang sabihan pero yun nga di sya makakapunta kaya she told me na sabihan ka. Tatawagan ka rin naman daw nya."

"Pinapapunta nya ako sa bahay nyo dun?" tumango naman si Dylan.

"Nagpahanda kasi ng party si Mommy para sa kanya, she wants you to be there."
Napaisip naman ako, birthday ni Audrey kaya kelangan ko syang bilhan ng gift.

"Sige, pupunta ako."

***


Nagrereview ako ngayon dito sa kwarto ko. Nakasandal ako sa headboard ng kama ko habang nakaupo. Maagang natapos ang shift ko ngayon kaya naman pag-uwi ko sa bahay eh nagreview na agad ako, dapat sulitin ko yung mga vacant time ko para makapagreview kahit papano.

Napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ko dahil may kumakatok. Nagtaka naman ako dahil hindi naman kumakatok si mama kapag may kelangan sya eh. Nakatitig lang ako sa pinto hanggang sa bumukas yun at nakita ko na si Dylan pala yung kumakatok.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko sa kanya, pumasok naman sya at umupo sa kama ko.

"Nabobored kasi ako sa bahay, kaya nagpunta ako dito tsaka nafeel ko rin na kelangan mo ang brilliant mind ko sa pagrereview." Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Pwede ba? Kita mong busy ako di ba? Wala akong panahon sa mga kalokohan mo Dylan, kaya umuwi ka na. Maghanap ka ng mapagkakaabalahan para di ka mabored, wag yung nang-iistorbo ka ng iba."
Humiga sya bigla sa kama ko.

"Haayy...Andami mong sinabi. I just want to help you, ako na nga tong lumalapit para tulungan ka eh tinatanggihan mo pa. Tsk." sabi nya habang nakatingin sa kisame.

"Alis nga jan! Ba't ka ba humihiga sa kama ko, umuwi ka na."

"Ayoko nga." Napipikon na naman ako sa kakulitan nya kaya tumayo ako at hinila sya patayo. Hinawakan ko yung dalawang kamay nya at sinubukan ko syang hilahin pero di ko magawa kasi napakabigat nya.

"Ano ba! Tayo na sabi Dylan!" sinubukan ko ulit syang hilahin kaya lang ako yung nahila nya. Bumagsak ako sa ibabaw nya, nakapatong ako sa kanya at yung mukha ko eh nakaharap sa mukha nya. Yung kamay ko nasa may dibdib nya. Sobrang lapit ng mukha namin, muntik ko na syang mahalikan buti nalang humarang yung kamay ko sa dibdib nya. Nagkatitigan kami-- napakaawkward nito.

Bumalik naman ako sa katinuan ko at agad-agad na umalis sa pagkakadagan sa kanya. Umupo naman sya nung makaalis na ako sa ibabaw nya.

"Awkward." tumawa naman sya ng bahagya.

"U-umuwi ka na nga!" pasigaw kong sabi sa kanya. Tumayo naman sya bigla kaya nagulat ako at napaatras ng bahagya.

Nagsmirk sya. Ano yun? Nang-aasar ba sya? Tsk.

"Oh sige na. Uuwi na ako. Wag ka masyadong magpupuyat may trabaho pa bukas." sabi nya bago lumabas ng kwarto ko.

Napaupo naman ako sa kama ko at napahawak sa dibdib ko dahil kinakabahan ako. Leche. Bakit mo ba kasi sya hinila Khaly? Sana hinayaan mo nalang syang nakahiga, di sana nangyari yun! Aish! Naisabunot ko nalang yung kamay ko sa buhok ko.


Bwisit talaga kahit kelan ang Dylan na yun! Ewan ko ba kung ba't naging kaibigan ko sya! Aish!

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now