Chapter 4

6 1 0
                                    


Naglakad na ako papunta sa bahay nila Dylan. Kelangan ko pang magpaliwanag kay mama kanina dahil nga hindi nya nakita yung scooter ko sa labas ng bahay. Buti nalang at naintindihan naman nya agad. Sabi pa nga nya gusto nya daw makilala yung bagong kapitbahay namin, sabi ko saka na kapag bumalik na si Audrey.

Nakita ko naman si Dylan na nakasandal dun sa kotse nya. Kanina pa ba sya naghihintay?

"Let's go." sabi nya at umikot na para sumakay sa driverseat, di na nya ako pinagbuksan ng pinto kaya naman binuksan ko nalang yun at pumasok na.

"Pasensya na, kanina ka pa ba naghihintay?"

"Medjo." sagot nya at pinaandar na ang makina ng kotse.

"Sorry." sabi ko nalang.

"Here." May inabot sya saking paperbag kinuha ko naman yun at tiningnan ang laman. Lunchpack, kagaya nung binigay ni Audrey kahapon.

Napatingin naman ako kay Dylan.

"I promised Audrey I'd make lunchpacks for you while she's not around." Nagmaneho na sya papunta sa highway. Tumango nalang ako. Nahihiya na talaga ako sa kanya, hindi naman kasi nya kelangang gawin toh eh. I mean, hindi naman sya yung may kasalanan sakin---tsaka nakabawi na naman sila sa nangyari eh. Okay na sakin yun. Haist.

Kinapa ko nalang ang phone ko sa bag para naman may mapagkaabalahan ako. Pero shit. Nakalimutan ko yata yung phone ko dahil hindi ko nakapa dun sa pinaglalagyan ko sa bag.
Nilapag ko yung paperbag sa harap ng kotse para icheck yung bag ko. Sana lang di ko naiwan yung phone ko.

"Anong hinahanap mo?"

"Yung phone ko----" hinagilap ko yung phone ko sa bag, pero wala talaga. Nakakainis naman talaga oh! Sumuko na ako sa paghahanap at sinirado nalang yung bag ko.

"Naiwan mo? Balikan nalang natin."

"Wag na--- hayaan mo na yun. Malapit na tayo sa ospital." sabi ko nalang.

"May paggagamitan ka ba ng phone?"

"Ah. Kukuhanan ko sana ng pictures yung mga pasyente ko, for documentation para sa portfolio ko. Pero pwede pa namang ipagpabukas yun." Kaya lang kasi ididischarge ngayon yung dalawa kong pasyente. Haist.

"You can use mine." Inabot nya sakin yung phone nya.

"Wag na, nakakahiya na sayo."

"It's okay. Take it." sabi nya at nilagay sa kamay ko yung phone nya.

"S-salamat."

"You don't need to say thank you. I'm doing a favor for my sister." sabi nya sa malamig na tono. Oo nga pala, ginagawa nya toh dahil kay Audrey. I wonder kung hindi nangyari yun, kakausapin nya kaya ako? I doubt.

Nakarating na kami sa ospital. Nauna na akong lumabas ng kotse, nagpaalam ako sa kanya at pumasok na sa ospital.

Pagkarating sa quarters eh binati ko ang nandun tas nilapag ko na ang bag ko at sinuot ang labgown ko. Umupo muna ako sa chair sa tapat ng table ko at tiningnan yung charts ng mga pasyente ko.

"Good morning Doc Dylan." narinig kong bati nila pero hindi ako lumingon para bumati. Nagulat nalang ako nung may naglapag ng paperbag sa harap ko kaya napatingin ako sa kanya. Cold parin ang expression ng mukha nya.

"Naiwan mo." sabi nya at umalis na sa harapan ko para pumunta sa table nya. Napatitig naman ako dun sa paperbag tapos tiningnan ko yung mga kasama namin dito. Nakatingin sila sakin na para bang takang-taka sa nangyari. Halos silang lahat eh nakakunot ang noo. Tinago ko nalang yung paperbag at tumayo na para magpunta sa nurse station at mapuntahan na rin ang mga pasyente ko. Nilagay ko sa bulsa ng labgown ko yung phone ni Dylan at hawak ang chart eh lumabas na ako ng quarters.

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now