Chapter 34

5 0 0
                                    


Galing ako sa school namin para isubmit yung portfolio ko. Papunta na ako ngayon sa ospital, malapit ng magtanghalian kaya baka doon na ako kumain. Hindi ko dala yung scooter ko ngayon dahil nagpresinta na naman kasi si Dylan na ihahatid ako pauwi, kukunin ko kasi yung mga gamit ko dun sa ospital. Sumakay lang ako ng bus papunta sa school at pabalik dito.

Nung papasok na ako sa ospital eh biglang tumunog ang phone ko.

Tumatawag si Darren.

"Hello? Darren?"


"Khalyyyyy! Kumusta?"


"Ayos lang. Toh naman oh, parang nung isang araw lang nga tayo huling nagkausap eh."

"Namiss kita eh. Sya nga pala, may sasabihin ako."

"Ano yun?"

"I'm getting married!" excited na sabi ni Darren. Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya.

"Ay sa wakas! Nakapagpropose ka rin!" tukso ko sa kanya at tumawa ako.

"Khaly talaga oh. Pero salamat sa mga tips mo ah? Malaking tulong yun sakin."


"Wala yun, para sa'n pa't naging magkaibigan tayo di ba? Congratulations nga pala!"


"Salamat. May isa pa akong sasabihin."

"Ano na naman yun?"

"Uuwi na kami ng jan ni Jennie."

"Talaga? Kelan naman?"

"Hindi ko pa sigurado. Paplanuhin pa namin ang kasal eh. Ikaw ba Khaly? Kumusta kayo ni Doc Dylan?"


"Ha? Maayos naman kami, ganun pa din."

"Wala man lang bang improvement sa relationship nyo? O baka--naglalagay ka na naman ng pader sa relasyon nyo? Hindi ka tumatalo ng kaibigan di ba? So ganun pa rin hanggang ngayon?"

"Darren, alam mo namang mahirap ang ganyang sitwasyon eh."

"Khaly, ang sinasabi ko lang naman eh kung may posibilidad na pwedeng maging kayo ni Doc Dylan eh wag mo sanang babalewalain lang. Sa tingin ko kasi may pag-asa talaga kayong dalawa eh. Kalimutan mo na yang motto mo sa buhay na wag pumatol sa kaibigan. Mas mabuti na nga yung magkaibigan kayo eh kasi kilala nyo na ang isa't isa."
Napaisip naman ako sa sinabi ni Darren. Eh pano? Mukhang wala naman talagang pag-asang maging kami ni Dylan eh. Nilinaw na namin yun sa isa't isa. Tsaka yung nangyari nung birthday ni Audrey? Dala lang yun ng alak na ininom nya kaya nya ginawa yun, wala ng iba.


"Andami mong sinabi Darren. Sinesermonan mo na naman ako ah. Tsk."


"Hindi naman, payong-kaibigan lang yun Khaly. Sya sige na, baka may gagawin ka pa. Asan ka nga pala ngayon?"


"Nasa ospital ako ngayon, kukunin ko na kasi yung mga gamit ko dito."


"Sige Khaly, tatawagan nalang kita ulit. Babye."



"Bye Darren. Ingat kayo jan."


"Ikaw rin."


At natapos na yung tawag. Malapit na rin ako sa quarters. Nilagay ko na sa bag ko yung phone ko at naglakad na papunta sa quarters.


Nandito si Connor at Dylan kasama ang mga bagong interns. Yung babaeng intern eh nasa gilid ng table ni Dylan, mukhang may pinapaliwanag si Dylan sa kanya. Napairap naman ako, ewan ko ba pero naiinis talaga ako sa kanya.



If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now