Chapter 38

3 0 0
                                    

Kelangan mag-undergo ng bone marrow transplant ni Audrey. Nagpatest na si Tita Hariet at Dylan para malaman kung sino sa kanila ang compatible maging donor ni Audrey.


Hinihintay nalang namin ngayon ang resulta para maipashedule na ang operasyon. Andito kami sa kwarto ni Audrey. Si Tita eh nakaupo sa may kama ni Audrey. Kami naman ni Dylan eh nandito sa sofa nakaupo. Hinawakan ko ang kamay nya dahil nakikita kong di sya mapakali. Napatayo kami nung pumasok yung doctor ni Audrey, lumapit kaming tatlo sa kanya.



"Doc? Ano pong resulta?" tanong ni tita.


"Compatible po si Doc Cortez na maging donor. But we are having a problem dahil sa kalagayan ngayon ni Audrey. Her immune system has weakened, we can't proceed with the operation for the mean time. Kelangan munang mag-undergo sya ng immunotherapy before we proceed with the transplant. And we have detected na nirereject na ng katawan nya ang mga gamot, so we need to stop giving her oral intakes and just continue with the chemotherapy. Her cancer went up to Stage 3, I'm sorry."



Napaupo naman si Tita sa sofa na parang nawalan ng lakas sa sinabi ng doctor. Maski ako hindi makapaniwala na umakyat ng ganun-ganun lang sa stage 3 ang sakit ni Audrey. This is unbelievable! She's been doing well for the past weeks, tapos sasabihin nilang stage 3 na ang leukemia nya? The hell!



"What do you mean? Ibig sabihin hindi nakatulong yung mga gamot na binigay nyo sa kanya? Naglolokohan ba tayo dito?" halos pasigaw na sabi ni Dylan kaya naman hinawakan ko ang braso nya para pakalmahin sya.



"Dylan.." baka magising si Audrey dahil sa lakas ng boses nya.



"Doc Cortez, we are the doing the best we could to treat your sister. Alam ko doctor ka rin, you should know na hindi ganun kadaling gamutin ang ganitong sakit. Audrey's fighting and on the first stages of treatment she's been doing well--- pero nasanay na ang katawan nya sa mga gamot kaya naman wala nang naging epekto ito. Her body is rejecting the effects of the medicines kaya naman kelangan nang itigil ang pagbibigay sa kanya nun. I'm sorry Doc, we're just doing what we have to do. Please calm down."



"Doc? May chance pa bang gumaling ang anak ko?" sabi ni Tita habang umiiyak.



"To be honest Mrs. Cortez, the treatments are only there to extend the life of your child and to lessen the pain she's feeling from the disease. Ang mga ganitong sakit ay maliit ang chance na gumaling, you should prepare yourself for the worst. I'm really sorry, maiwan ko muna kayo." sabi ng doctor at lumabas na nga ng kwarto ni Audrey. Lumapit naman si Dylan sa mommy nya at niyakap ito. Nakatingin lang ako sa kanila habang tumutulo na rin ang luha ko. Bakit kelangang mangyari ang ganito?



"Mom.." sabi ni Dylan habang yakap ang mommy nya.



"Pano na si Audrey? Pano na ang kapatid mo? Ambata-bata nya pa Dylan. She's still a kid, she needs to live her life."

I felt a sting inside my heart dahil sa sinabi ni Tita, napatingin ako kay Audrey na natutulog sa kama. She looks so innocent yet she's in pain. We love you Audrey, please be strong.



***



Nung naging maayos na ang pakiramdam ni Audrey ay nagpasya na ang doctor nya to proceed with the transplant. Naging maayos naman daw ang operasyon sabi ng doctor nya, pero kelangan pa ring obserbahan kung tatanggapin ba ng katawan ni Audrey ang bagong bone marrow o irereject lang ito at kakainin din ng cancer cells.



Isang linggo na simula nung operasyon ni Audrey. Naconfine din si Dylan dahil nga kinuhanan sya ng bone marrow but he's recovering now. Magkaiba sila ng kwarto ni Audrey kaya naman palipat-lipat kami ni Tita sa pagbabantay pero madalas nandito kami sa kwarto ni Audrey, ayaw kasi ni Dylan na binabantayan namin sya dahil wala naman daw syang sakit. Sabi ng doctor 2 to 3 weeks daw eh magiging maayos na rin daw ang pakiramdam ni Dylan.



Binabantayan ko si Audrey ngayon dahil lumabas muna si Tita para bumili ng makakain. Nasa upuan ako sa gilid ng kama nya, hinawakan ko ang kamay nya habang pinagmamasdan syang natutulog. Napansin ko naman na unti-unting dumidilat ang mata nya.




"Ate Khaly..." sabi nya sakin.




"Yes Audrey? You need anything?" Lumingo-lingo naman sya, kaya nginitian ko nalang sya at hinaplos ang mukha nya. Nalalagas na yung buhok nya dahil sa chemotherapy, masyado ng manipis iyon at makikita mo na ang balat sa ulo nya.



"Ate Khaly? Is kuya Dylan okay?" Tumango naman ako.



"Yes audrey, he's fine. Nasa kabilang kwarto lang sya, kelangan nya lang munang magpahinga."



"Please take care of my Kuya Dylan, ate. I know he's scared. I don't wanna see him scared and sad."



"Oo audrey.." sabi ko habang pinipigilan ang sarili ko na umiyak sa harap ni Audrey.



"Mommy too-- kapag namatay ako, malulungkot sila. Please look after them for me ate Khaly."



"Wag kang magsasalita ng ganyan Audrey, hindi ka mamamatay. You're a strong girl right? And we'll do anything just to save you."



"I will die ate, the doctor said the medications and treatments are just there to make me feel better but not to completely cure my disease." narinig nya yung sinabi ng doctor. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Poor Audrey.



"Audrey..." hinawakan ni Audrey ang pisngi ko at pinahiran ang luhang pumapatak galing sa mga mata ko.



"Don't cry ate khaly. Please be happy for me, I will see my dad soon."



"I-iiwan mo na kami? Hindi ba marami pa tayong gagawin? Magbobonding pa tayo di ba? Hindi mo kami pwedeng iwan Audrey." sabi ko habang umiiyak at hawak ang kamay ni audrey na nasa pisngi ko.



"I'm really glad I've met you Ate Khaly, dahil sayo naramdaman ko ang feeling na may ate. I've always wanted a sister, and God gave you to me. And He gave you to my Kuya Dylan. Please stay together no matter what happens ate. Sana kahit wala na ako magkasama pa rin kayo ni Kuya. I love you both." sabi ni Audrey.



"I love you too Audrey." sabi ko at hinalikan si Audrey sa noo nya. She's already saying goodbye, handa na syang iwan kami. Ansakit marinig yun mula sa kanya, I can't believe this is happening.



***



Birthday ni Dylan ngayon. Naisip namin ni Audrey na isurprise ang kuya nya, nakaconfine pa rin hanggang ngayon si Dylan. He's fine now, nakakapunta na nga sya sa kwarto ni Audrey para bisitahin sya eh. Binibisita din sya ni Audrey sa kwarto nya. Papunta kami ni Tita at Audrey sa kwarto ni Dylan ngayon. Nakasakay si Audrey sa wheelchair habang tinutulak yun ni Tita. May hawak si Audrey na balloons, ako naman eh hawak yung cake. Unang pumasok si Tita at Audrey sa kwarto ni Dylan at kumanta ng birthday song. Pumasok din naman ako agad at sinabayan silang kumanta.




"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday dear kuya happy birthday to you!" napangiti naman si Dylan nung makita kami. Lumapit sya samin.




"Happy birthday! Make a wish kuya!" masayang sabi ni Audrey. Pumikit naman sandali si Dylan bago hipan yung kandila sa cake.



"YEEEY!" masayang sabi namin. Nilapag ko naman yung cake sa table. Niyakap at kiniss sa cheeks ni Dylan si Tita at Audrey.



"Happy birthday anak." narinig kong sabi ni tita.


"Thanks mom."



Lumapit din si Dylan sakin at mabilis na hinalikan ako sa lips tapos niyakap. Masyado na talaga syang nasasanay sa ganito, parang nagiging totohanan na talaga tong ginagawa namin. Hay ewan, hindi naman kasi ito yung tamang panahon para iconfront namin ang feelings namin sa isa't isa. Masyado kaming occupied sa kalagayan ni Audrey kaya dapat isantabi na muna namin yun.



"Aayiiieee~" tukso ni Tita at Audrey samin. Natawa nalang kami ni Dylan.


Nagcelebrate kami ng birthday ni Dylan dito sa ospital. Dumating din sina Connor, Ate Darcy, at si Darren para samahan kami. May dala silang mga pagkain kaya pinagsaluhan naman namin yun. Naging masaya naman ang araw na toh, iniisip ko nga na sana ganito nalang lage. Yung wala kaming pinoproblema, yung hindi inaatake si Audrey ng sakit nya at masigla sya.

If We Could Be (F4-inspired)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon