Chapter 14

5 1 0
                                    

Paggising ko eh mukha agad ni Dylan ang bumungad sakin. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, tapos nakaunan pa ako sa braso nya. Teka nga--ba't ganito ang pwesto namin? Dahil sa gulat eh napaatras ako bigla sa pagkakahiga kaya lang eh nasa may edge na pala ako ng kama kaya nahulog ako. Shit lang!

Halos mapamura ako buti nalang eh napigilan ko yung sarili ko. Napabangon naman bigla si Dylan dahil sa lakas ng kalabog ng pagkakahulog ko. Nagulat siguro sya sa ingay na narinig nya. Nakaupo pa rin ako sa sahig dahil sobrang sakit ng pagkakahulog ko kanina, napatingin naman sakin si Dylan at kumunot ang noo nya.

"Anong ginagawa mo jan?" sabi nya habang kinukusot ang mata nya. Inirapan ko nalang sya at humawak ako sa kama para dahan-dahan tumayo at makaupo dun.

"Wala!" sagot ko kay Dylan. Nakaupo na ako ngayon sa kama at nakatalikod sa kanya.

"Wait---nahulog ka ba?"

"Hindi, sa sahig ako natulog. Tch." sarkastiko kong sabi. Nakakainis kasi sya eh. Narinig nya nga yung ingay ng pagkakahulog ko kanina tinatanong nya pa.
Narinig ko namang tumawa sya kaya lumingon ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin.
Napatigil naman sya sa pagtawa, pero mukha pa ring gusto nya pang tumawa pinipigilan lang nya kaya naman di ko na napigilan ang sarili ko at hinampas ko sya sa braso nya.

"Bwisit ka alam mo yun?!"

"Masakit yun ah!"

"Mas masakit yung pagkakahulog ko kanina! Tsk."

"Kasalanan ko ba yun?"

"Oo! ---bakit kasi sobrang dikit na dikit ka sakin kanina? Inoccupy mo yung space samantalang ang luwag naman dun sa kabilang side!"

"Ganun ba?--- edi sorry." sabi nya habang kinakamot ang batok nya. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at tumayo na para lumabas ng kwarto. Narinig ko naman na sumunod din sya sakin.

Naghikab ako nung nasa may sala na ako, konting hakbang lang kasi ang sala namin mula sa kwarto ko tsaka kita rin sa sala ang pinto ng kwarto ko.

Halos malaglag ang panga ko nung makita ko yung taong nakaupo sa sofa sa sala. Nakaharap sya sakin at nakangiti. Bakit andito si Doc Connor?
Nakarinig naman ako ng mga yapak galing sa likuran ko. Napatayo si Doc at napakunot ang noo habang nakatingin sa taong nasa likod ko. Shit lang! Lamunin na sana ako ng lupa! Ano ba kasing ginagawa nya ng ganito kaaga dito? Hindi ko alam ang gagawin ko.


"D-doc Connor?" gulat din na sabi ni Dylan. Shit lang. Napatingin ako kay Dylan, hindi ko talaga alam ang sasabihin. Parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nakita nya kaming dalawa ni Dylan na galing sa iisang kwarto, baka kung ano na ang isipin nya! Tsaka----teka nga, bakit ko ba inaalala ang iisipin nya? Mabuti na nga siguro tong nangyari.

Nakita kong nagtiim ang bagang ni Doc Connor.

"Doc Dylan.." yun lang ang nasabi nya. Hindi pa rin kami makaalis ni Dylan sa kinatatayuan namin. Maging sya ay gulat din na nandito si Doc Connor.

"Oh! Mabuti at gising na kayong dalawa. Kadarating lang nitong si Doc Connor, pinapasok at pinaupo ko nalang sya agad dahil may ginagawa pa ako sa kusina. Mabuti pa maghanda na kayo, papasok pa kayo sa trabaho di ba? Doc Connor, sumabay ka na samin sa almusal." sabi ni Mama na lumabas galing sa kusina.

Napabaling naman ang tingin ni Doc kay mama.

"Hindi na po tita, aalis na rin po ako. Chineck ko lang kung okay na si Khaly."

"Bakit? May nangyari ba sa kanya?" nagtatakang tanong ni Mama kaya napatingin si Doc Connor sa akin. Bakit feeling ko galit sya? Ano ba naman toh! Mabubuking pa yata ako. Aish!

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now