Chapter 31

3 0 0
                                    

Papunta na kami ngayon sa bahay nila Dylan sa siyudad. Gusto sana ni Audrey na isama din namin si Mama kaya lang eh dumating kahapon si Tita Ivy at yung asawa nya para bumisita. Madalas kasi tuwing weekend din nagpupunta sila Tita sa bahay kaya naman napagpasyahan ni mama na wag nalang sumama. Binati nalang nya si Audrey through phone call.



Pinagsabay namin ni Dylan ang day-off namin ngayon para makapunta kami ng maaga sa bahay nila. Sabi din kasi ni Audrey na gusto nyang pumunta kami ng maaga dun. It's already 10am at kanina pa kami bumabyahe sabi ni Dylan eh mga dalawang oras lang naman daw ang byahe papunta sa kanila. Bandang 8am kami umalis sa amin kaya siguro eh malapit na kami sa kanilang bahay dito sa siyudad.



"Mamimeet mo na rin ang mommy namin sa wakas." sabi ni Dylan.



"Oo nga, sa tagal na nating magkakilala eh hindi ko pa rin nakikilala o nakita man lang ang mommy nyo ni Audrey."


"I'm sure excited na yun si Audrey na ipakilala ka kay Mommy kaya siguro gusto nyang pumunta tayo ng maaga."


"Ahh--- hindi ba strikta yung mommy nyo o ano?" tumawa naman si Dylan kaya nagtataka akong tumingin sa kanya, tiningnan din nya ako sandali at ngumiti tapos binaling ulit ang tingin sa kalsada.


"She's quite frank but she's nice. Hindi kami lalaki ng ganito kung masungit ang nanay namin."


"Hindi ko naman sinabing masungit eh, strict lang. Tsk." tumawa si Dylan at napansin ko naman na lumiko sya sa daan papasok sa isang subdivision.


Bumusina sya sa gate ng malaking bahay, binuksan naman nung guard yung gate. Teka--- bahay nila toh? Sobrang laki naman. Pagkapasok ng kotse sa loob ng bahay pinark nya lang yun sa harap ng pintuan ng bahay.
Promise sobrang lawak ng bahay nila, mansion na nga yata toh eh.



"Let's go." sabi nya at bumaba na ng sasakyan. Bumaba na rin lang ako at kinuha ang bag ko. Sumunod ako kay Dylan papasok sa bahay nila at sobrang namangha ako sa laki at ganda ng bahay.



"ATE KHALYYYYY!" napatingin ako sa tumawag sakin at nakita si Audrey na pababa ng hagdanan. Patakbo syang bumaba ng hagdan para salubungin ako.


"Audrey, wag kang tumakbo baka madulas ka." saway ni Dylan kay Audrey. Nung makalapit na si Audrey sakin eh niyakap nya agad ako.



"Happy birthday Audrey!" bati ko sa kanya, humiwalay naman sya sakin at nginitian ako.


"Thank you Ate. I'm glad you're here."


"So si Khaly lang ang may hug ganun?" sabi naman ni Dylan kaya lumapit si Audrey sa kanya at niyakap din sya.


"Syempre si Kuya din." sabi ni Audrey at humiwalay na sa yakap.



"Where's mom?" tanong ni Dylan.



"In the kitchen."



"She's cooking?" nagtatakang tanong ni Dylan.


"She said she'll make my favorite leche plan."



"Really? Di ba nagpacater na sya? Wala bang kasamang dessert yun?"



"I don't know Kuya-- pero mas gusto ko kasi yung gawa ni mommy eh." Tumango-tango naman si Dylan.



"Tara puntahan natin si Mommy dun kuya. Let's introduce ate Khaly to her." masayang sabi ni Audrey at hinawakan ang kamay ko. Nauna namang naglakad si Dylan kaya sumunod kami sa kanya sa kung saan. Baka sa kitchen kami pupunta kasi nga andun ang mommy nila.


If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now