Chapter 11

5 1 0
                                    

Friday na ngayon at kinailangan kong magkunwaring hindi okay at pagod para kapanipaniwala ang pag-aabsent ko bukas. Wala nang atrasan toh. Ayoko lang kasi talagang makipagdate kay Doc Connor eh. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, mabait naman si doc, disente, stable na sa buhay tsaka hindi maipagkakailang may itsura sya kaya lang talagang hindi ko maimagine ang sarili ko having a romantic relationship with him. Parang napakaawkard nun, though magkaedad lang naman sila ni Dylan pero hindi talaga eh. Iba pa rin talaga, kahit pa sabihin na mas matagal ko nang kilala si Doc Connor kesa kay Dylan eh masasabi ko rin namang mas marami kaming pinagsamahan ni Dylan kesa kay Doc Connor. Pero teka nga---ba't ba kinokumpara ko si Dylan sa kanya? Ay ewan. Siguro kasi mas kumportable akong kasama si Dylan keysa kay Doc Connor kahit pa mas matagal na kaming magkakilala ni Doc Connor.

"Okay ka lang Khaly?" Tanong ni Dylan sakin. Nandito kami sa quarters lahat, si Doc Ian eh nasa loob ng office nya.
Sinasadya ni Dylan na tanungin ako kung okay ako, plano namin toh. Pwede na kaming best actor & actress. Pinipigilan namin ang sarili namin na matawa para maisakatuparan ng maayos ang plano namin. Sorry Doc Connor.

"Okay lang ako."

"You don't look okay. You look pale." at para mas makatotohanan eh nilagyan ko ng pale lipbalm yung bibig ko kanina. Tsaka sinadya kong magmukhang haggard, para mas convincing.

Napansin ko naman na napatingin na silang lahat sakin. Tumayo si Doc Connor para lapitan ako.

"You sure you're okay?" Tanong ni Doc Connor. Tumango ako.

"Medjo masakit lang ang ulo ko. Uminom na ako ng gamot. Magpapahinga lang muna ako sandali. Wag na kayong masyadong mag-alala. Okay lang talaga ako."

"Hayaan mo nalang muna sya Doc Connor." sabi ni Dylan to the rescue! Baka kasi icheck up pa ako ni Doc Connor, kunan ng temperature at blood pressure nakuu! That's a no no. Haha.

Nung matapos na yung shift namin eh sabay na kaming pumunta ni Dylan sa parking lot. Sinadya ko talagang pagurin ang sarili ko kanina kaya naman feeling ko talaga eh sasama ang pakiramdam ko dahil sa pagod.

"Okay ka lang? Baka totohanan na yang pagkakasakit mo ah?" tanong ni Dylan nung nasa tapat na kami ng kotse nya.

"Napagod lang ako sa pinaggagawa ko kanina. Pero baka nga karmahin ako nito dahil sa pagsisinungaling ko. Nakokonsensya na tuloy ako."

"Eh kung sinabihan mo nalang kasi si Doc Connor na ayaw mong makipagdate eh di sana hindi mo na kelangang magsinungaling. Tsk."

"Hindi ko nga kaya eh di ba? Tsk. Tara na nga!" lumapit na ako sa scooter ko at sinuot ang helmet ko. Sumakay na ako sa scooter ko at pinaandar na yun para makauwi na. Habang nasa daan eh nakasunod lang sakin yung kotse ni Dylan. Iginala ko yung tingin ko sa gilid ng daan, masyado na kasing tahimik kapag ganitong oras. Laging ganito kapag umuuwi ako. May napansin naman akong dalawang lalake sa may gilid ng puno, nakatambay lang sila dun. Ano naman kayang trip ng mga yun at anjan pa sila ng gantong oras? Tsk.

Nung malapit na kami sa bahay nina Dylan eh narinig kong tinawag nya ako mula sa kotse nya.

"Khaly! Huminto ka muna jan sa bahay!" Kaya naman nung nasa tapat na ako ng bahay nila eh huminto ako at bumaba ng scooter. Pinark naman nya yung kotse nya sa garahe nila.

Narinig ko naman ang tahol ng aso nilang si Riri na papalapit sakin at sumunod ko namang nakita si Audrey na patakbo palabas ng bahay nila.

"Ate Khalyyy!!!!" sabi niya at niyakap ako agad.

"Audrey! Andito ka na pala?"

"Yes ate, sabi kasi ni kuya umuwi daw ako ngayon after school and I'm so excited kasi he said you'll spend time with me tomorrow!"

If We Could Be (F4-inspired)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum