Chapter 42

2 0 0
                                    


Nasabi ni Tita Hariet sakin na lumipat na daw sa isang condo si Dylan sa siyudad. Binigay sakin ni Tita ang address nung condo ni Dylan. Balik trabaho na si Tita at sya na rin daw ang nag-aasikaso ng business nila. Matatag na babae si Tita, magkatulad sila ng mama ko and admire them a lot. Kahit anong problema ang hinarap nila eh nagagawa pa rin nilang makabangon.

Ang sabi ni Tita sakin balak ni Dylan na magtayo ng sarili nyang clinic. Tumigil na rin daw si Dylan sa pag-aatupag sa business nila dahil nakabalik na si tita. Hinayaan nalang daw muna ni Tita si Dylan sa buhay nito.

Papunta ako ngayon sa condo ni Dylan. Nilakasan ko ang loob ko dahil gusto ko syang makausap, para malinawan na ako sa lahat. Gusto kong malaman ang tunay na nararamdaman nya, pipilitin ko syang sabihin sakin kahit pa masaktan ako sa mga sasabihin nya.

Nung makarating ako sa building ng condo nya eh sumakay agad ako ng elevator papunta sa floor ng unit nya.

Nahanap ko naman agad ang unit nya. Huminga ako ng malalim bago nagdoorbell. Nakailang doorbell ako pero walang nagbubukas ng pinto, hindi pa siguro sya nakakauwi. Hinintay ko nalang sya sa labas.

Ilang minuto o baka oras na nga ata akong naghihintay dito pero wala pa ring Dylan na dumadating. Naglakad-lakad muna ako, para tingnan ang mga pintuan ng ibang unit dito para naman malibang ako sandali. Pabalik palang ako papunta sa unit ni Dylan eh naaninag ko na sya, may kasama syang babaeng naka-off shoulders at miniskirt. Parang dinudurog ang puso ko nung makita kong maghalikan sila sa labas ng unit ni Dylan. Hindi nila ako napansin dahil medjo malayo ang kinaroroonan ko sa kanila, patuloy lang sila sa paghahalikan hanggang sa makapasok sila sa unit ni Dylan.

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Nanlalamig ako at tumutulo ang mga luha ko dahil sa nakita ko. Bwisit ka talaga kahit kelan Dylan!

Wala na talagang pag-asa. Antanga mo Khaly. Hindi ka na dapat umasa sa kanya. Tinapos na nga nya lahat ng namamagitan sa inyo di ba? Sinampal ka na ng katotohanan na wala talaga syang nararamdaman sayo. Mabuti pa turuan mo nalang ang sarili mo na kalimutan sya.

***


Sa mga nakalipas na araw eh pinilit kong tanggalin sa isipan ko si Dylan. I made myself occupied by a lot of things, nagpakabusy ako sa trabaho para wala akong oras na isipin pa sya. I hang out with my college friends kapag day-off ko or nakikipagbonding ako kay Mama at kina Tita Ivy kasama ang pinsan kong si Castiel.

Nasa ospital ako ngayon, kakatapos ko lang sa rounds sa mga pasyente ko. Naisipan ko munang magpahinga sandali dito sa quarters.

"Mukhang napagod ka yata Doc Khaly?" tanong naman ni Samuel umupo sya sa upuan sa harap ng table ko.

"Medjo lang naman. I just need to rest for a while."

"Heto Doc oh." Inabutan naman ako ni Samuel ng bottled drink. Kinuha ko naman yun sa kanya.

"Salamat Sammy." nginitian ko sya bago binuksan yung drink at ininom. Nakatingin lang sya sakin.

"Si Doc talaga oh. Para naman akong bata sa Sammy eh."

"Ayaw mo nun? Magmumukha kang bata." pabiro kong sabi. Ngumiti naman sya sakin, kaya nginitian ko rin sya.


"Break na ba kayo ni Doc Dylan?" tanong naman nya.

"Ba't mo naman biglang naitanong?"

"Eh kasi di na kasi sya pumupunta dito para sunduin ka eh." Tumango-tango naman ako. Oo nga naman, dati kasi parati akong pinupuntahan ni Dylan dito. Naalala ko na naman sya, aish! Toh naman kasing si Samuel eh.

"Oo break na kami kaya naman wag na natin syang pag-usapan." ngumiti naman sya ulit. Parang ansaya naman ata nya?

"Okay Doc. Sya nga pala doc, pwede ba akong sumama sa mga rounds mo sa pasyente mo?"

"Oo naman, sige bukas isasama kita."

"Ayos! Sige doc, salamat. Magpahinga ka muna, baka nakakaistorbo na ako eh. Jan lang ako sa table ko, magbabasa nalang muna ako ng libro para makapagpahinga ka na."

"Okay Sammy." sabi ko naman at umalis na nga sya sa harap ko.

***

Matatapos na yung internship nina Samuel dito sa ospital bukas. May pafarewell party na naman kami para sa kanila.

"Doc Khaly---mamimiss kita." sabi naman ni Samuel.

"Talaga lang ha? --wag kang OA, pwede naman kayong bumisita dito kung gusto nyo eh."

"Eh doc, pwede ba kitang yayain lumabas minsan kapag free ka?"

"Oo naman."

"Talaga doc? Seryoso?"

"Oo nga, isama din natin tong sina Gab at Cheska pati si Doc Connor." napasimangot naman sya.

"Gusto yata ni Samuel na kayong dalawa lang Khaly. Wag nyo na kaming isama." Tumawa naman si Connor.

"Alam mong hindi ako pumapatol sa mas bata sakin Connor." pabiro kong sabi.

"Pano ba yan Sammy?--- basted ka na." tukso ni Connor sa kanya.

"Si doc naman oh." sabi ni Samuel habang napapakamot nalang sa ulo nya.

"Mahirap pa namang mapasagot tong si Khaly, been there done that." Inakbayan naman ako ni Connor. Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin Doc?"

"She's my ex-girlfriend, I'm her ex-boyfriend. Technically we are exes."

"Teka--- seryoso?--" gulat na sabi ni Samuel.

"Di nga doc?" sabi naman ni Gab, nakikinig lang si Cheska sa amin.

"Yeah, it's true. We're each other's ex." sabi ko nalang.

"Hindi ako makapaniwala--- pano mo napasagot tong si Doc Khaly, Doc Connor?" sabi ulit ni Gab, dahil mukhang tong si Samuel eh wala ng masabi dahil sa nalaman nya. Nakakatawa din naman talaga ang batang toh.

"Secret lang namin yun. Di ba Khaly?" ngumiti naman ako at tumango. Tinanggal na ni Connor ang pagkakaakbay sakin. Natatawa ako sa usapan naming ganto.

"Kelan naging kayo?" sa wakas at nagsalita na si Samuel.

"Well obviously naging kami before I got married to my wife, and before naging sila ni Dylan. Nung intern pa lang sya dito."

"Ilang taon naging kayo?" tanong ulit ni Samuel. Bakit yata sobrang curious nya sa past relationship namin ni Connor?

"Months lang kami. 3 months ata-- di ba Khaly?"

"Yeah, I guess it's 3 months."

"Tatlong buwan lang naging kayo? Ba't kayo naghiwalay agad?" sabi ulit ni Samuel.

"She broke up with me because I was inlove with my wife."

"Di nya kasi narealize agad na mahal nya pala ang bestfriend nya, ako pa nga nagpamukha sa kanya ng katotohanan eh. Ang slow masyado."

"Grabe ka naman Khaly.." sabi ni Connor kaya tinawanan ko nalang sya. It's a good feeling trying to reminisce the times when we were together, dahil magkasundo kami ngayon ni Connor eh nagiging masaya lahat ng mga alaala namin noon. Kelan kaya magiging ganito ang alaala namin ni Dylan, magiging tulad pa kaya ng ganito? O baka habambuhay akong masasaktan sa tuwing naalala lahat yun?

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now