Chapter 37

2 0 0
                                    

It's been months since madiagnose si Audrey with Stage 2 Leukemia and she's doing okay now. Nakalabas na sya ng ospital at bumabalik na rin yung sigla nya. I think she's recovering well, simula nung sinabi namin sa kanya na kami na ni Dylan eh naging mas masigla at masayahin sya. She really like the thought of me being with his Kuya. And I'm happy na natutulungan namin na makarecover si Audrey through this.

Si Dylan naman eh nagresign na sa ospital para saluhin yung pagpapatakbo ng business nila dahil si Tita Hariet eh naging mas tutok sa kalagayan ni Audrey. She needed to give up her work and their business para maalagaan ng mabuti ni Audrey. Kaya naman kelangan din igive up ni Dylan ang profession nya para mapatakbo ang business nila.

Pinanindigan na talaga namin yung pagiging magkasintahan sa harap ni Audrey pati ni Tita Hariet. Naging maayos naman ang lahat, nasanay na rin ako na ganun kami ni Dylan kapag anjan sila. Normal lang naman kasi ang pakikitungo namin sa isa't isa kapag kaming dalawa lang, kagaya lang ng dati.

Ngayon na pala lalabas yung resulta ng board exam. Andito ako ngayon sa bahay ni Dylan kasama sya. Nasa sala kami habang nakapatong sa mini table sa harap namin yung laptop nya para matingnan na namin yung resulta sa website. Sya yung gumagamit sa laptop dahil kinakabahan na talaga ako.
Nung magload na yung list eh napapikit naman ako.

Pinitik naman ni Dylan ang noo ko kaya napamulat ako.


"Tingnan mo kaya." sabi nya, dahan-dahan naman akong tumingin dun sa screen ng laptop at nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang pangalan ko sa listahan ng mga nakapasa.



"AAAAAHHHHH!" napasigaw ako sa saya at napayakap kay Dylan.

"OMG! PASADO AKO!!!" sabi ko habang yakap sya. Narinig ko namang tumawa sya kaya napahiwalay agad ako sa pagkakayakap sa kanya at inayos ang sarili ko. Nahiya naman ako bigla dahil sa biglaang pagyakap ko sa kanya.


Ginulo nya ang buhok ko kaya napatingin ako sa kanya.


"Congratulations Doc Khaly.." sabi nya habang nakangiti, pero nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Hinalikan nya ako bigla sa lips. Smack kiss lang naman pero napatulala ako. Ngumiti sya at humarap na sa laptop.
Bumalik naman ako sa katinuan ko at pinili kong balewalain nalang ang ginawa nya tulad ng dati.

Inakbayan naman nya ako at nagplay ng movie sa laptop nya. Sumandal kami sa sofa at nanood nalang. Pero parang hindi pa rin ako mapakali, sobrang kinakabahan ako. Ewan ko ba, hindi naman kasi kelangang ganito si Dylan dahil kaming dalawa lang naman ang nandito. Hindi ko tuloy alam kung hahayaan ko ba sya o sasawayin sa ginagawa nya.


"Iinom lang ako ng tubig sandali." sabi ko at tumayo para pumunta sa kusina.

Kumuha ako ng lalagyan ng tubig sa ref at pumunta sa may sink para kumuha ng baso. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko bago nagsalin ng tubig sa baso.

Ininum ko naman agad yung tubig sa baso. Nagulat nalang ako nung may biglang yumakap sakin mula sa likod ko. Yung mga kamay nya eh nakapulupot sa beywang ko, pinatong nya yung ulo nya sa balikat ko.

"Dylan? Ano bang ginagawa mo? Bitaw nga, wala si Audrey dito." saway ko sa kanya.

"Nasasanay na yata ako sa ginagawa natin Khaly." kinabahan naman ako bigla sa sinabi nya, pero pinilit kong isantabi yun.


"Tigilan mo ko Dylan ah. Bitaw na nga." sabi ko at pilit na kinalas yung braso nya sa pagkapulupot sa beywang ko.


"Hindi ba pwedeng ganito tayo kahit wala si Audrey?-- masarap sa pakiramdam eh." Hindi naman ako nakasagot dahil sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin dun?

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now