Chapter 26

7 0 0
                                    


Alam na ng mga kasama namin sa ospital na kami na nga ni Doc Connor. Nung malaman nga nila eh napuno kami ng pang-aasar galing sa kanila. Nasabi ko na rin kay mama yung tungkol samin, bumibisita din kasi si Connor sa bahay. Simula nung naging kami eh araw-araw sinusundo at hinahatid nya ako sa bahay at sa trabaho. Tuwing nasa trabaho naman eh kinukulit nya ako kapag breaktime or wala akong ginagawa or wala syang ginagawa. Sabay din kaming naglalunch. Masaya naman ako dahil nakakasama ko sya lagi. Madalas pa rin naming pinagsasabay ang day-off namin. Minsan eh sa bahay kami tumatambay or sa bahay niya. Tulad nalang ngayon, nasa bahay nya kami at nagluluto ako ng dinner namin. Nagulat naman ako nung may biglang yumakap sakin mula sa likod at hinalikan ako bigla sa cheeks.

"Connor.." saway ko sa kanya kasi nga nagluluto ako.

"You want me to help?" tanong nya.

"Hindi na, kaya ko na toh pero lubayan mo muna ako para matapos ko na toh pwede ba?" narinig ko namang tumawa sya at tinanggal na ang pagkakayakap sakin. Humarap naman ako sa kanya.

"Dun ka na. Umupo ka na dun, patapos na rin toh." bahagya ko syang tinulak sa dibdib.

"Alright Khaly." sabi nya at pumwesto na nga dun sa dining table.

Nung matapos ako eh nilapag ko na yung niluto ko sa mesa. Hinintay ko naman na matikman nya yung niluto ko para makita ang reaksyon nya. Nakatingin lang ako sa kanya, matapos nyang tikman eh tumingin sya sakin at ngumiti.


"How was it?" tanong ko.


"Pasado na."


"Tsk. Hindi ba masarap?"


"Pasado ka na talagang asawa ko." Tumawa sya kaya pinigilan ko ang sarili ko na ngumiti.


"Ewan ko sayo, kumain na nga lang tayo."



***



Nasa quarters kami ngayon kasama ko si Caesar at Mia. Pareho kaming tatlo na nagbabasa ng libro para sa review namin. Napakamot naman ako sa ulo ko dahil may hindi na naman ako naintindihan, wala pa naman ang mga doctor dito dahil busy sila sa mga pasyente nila.

Tinanong ko naman si Caesar at Mia pero hindi pa daw sila nakakaabot sa parteng yun kaya di rin nila pwedeng maexplain sakin. Nagtake note nalang ako para mabalikan ko yun mamaya.

"Doc Connor! May hindi na naman maintindihan yang girlfriend mo sa binabasa nya, kelangan daw nya ng tulong." sabi bigla ni Caesar. Lumapit naman si Connor sakin, kumuha sya ng chair at tumabi sakin. Napatingin naman ako sa kanya. Mukha syang pagod.


"Ayos ka lang?" tanong ko, ngumiti naman sya.


"I'm fine. Medjo napagod lang, alin pala dito ang di mo maintindihan?" sinarado ko yung libro at tinabi yun.


"Mamaya nalang, magpahinga ka nalang muna."


"Ayos lang naman ako eh."


"Kahit na. You need to rest, makakapaghintay naman yun eh." sabi ko nalang, lumapit pa sya sakin at ipinatong ang chin nya sa balikat ko. Yung mukha nya eh nakaharap sa leeg ko. Niyakap nya naman ako mula sa gilid.


"Fine. Magrerecharge nalang muna ako." hinawakan ko naman ang buhok nya at hinaplos yun sandali.


"Mia! Andaming langgam dito! Grabe--bakit sobrang tamis?" narinig naming sabi ni Caesar, natawa nalang kami.


"Labas na nga muna tayo. Bigyan natin sila ng privacy." sabi naman ni Mia at lumabas nga yung dalawa.


Nilayo naman ni Connor ang mukha nya sakin pero nakayakap pa rin sya. Humarap ako sa kanya at nagulat ako kasi bigla nya akong hinalikan sa labi. Mabilis lang naman yun tapos niyakap nya ulit ako.


"Sa tingin ko bumabalik na yung energy ko, ikaw yata yung powerbank ko eh." Tumawa naman kami dahil sa kacornyhan nya.


"Talaga lang ha?"



***



Madalas kaming pumunta ni Connor dito sa burol kapag may pagkakataon. Andito kami ngayon para magpicnic. Naglatag kami ng tela sa may damuhan, at umupo dun.


Naglalaro kami ngayon nung game na dapat mahulaan kung aling daliri yung ginamit pangpoke sa ulo namin. Ang consequence eh kapag di ko nahulaan eh hahalikan nya ako sa cheeks, tapos kapag turn nya naman eh kapag nahulaan nya hahalikan nya pa rin ako. Oh di ba? Hindi naman sya adik sa kiss noh? Tsk.


"Andaya mo naman eh!" sabi ko at hinalikan nya ako sa cheeks, hindi ko na naman kasi nahulaan kung aling daliri yung ginamit nya.


"What? Kasalanan ko bang hindi mo mahulaan?"


"Ako naman! Tsk." sabi ko at ako naman yung pumoke sa likod ng ulo nya kaya lang tama na naman yung hula nya.


"Ayoko na nga! Dinadaya mo naman yata ako eh." tumawa sya kaya sinamaan ko sya ng tingin. Humiga nalang ako dahil sumasakit na rin yung likod ko kakaupo. Humiga din sya sa tabi ko at pinaunan ako sa braso nya.


"Khaly?"


"Hmm?" napatingin ako sa kanya. Nakatingin din sya sakin. Unti-unti nyang nilapit ang mukha nya sakin at hinalikan ako. Matagal yung naging halik namin, sa tingin ko ito yung pinakamatagal naming halik simula nung naging kami. Humiwalay kami para habulin yung hininga namin, pero ilang segundo palang eh hinalikan nya ulit ako. Sa gitna ng halik eh natawa kaming dalawa at napahiwalay.


"Tama na, baka may mangyari pang hindi dapat dito." Tumawa sya kaya hinampas ko naman sya. Pero tama nga naman sya, hindi na kami mga bata--alam na namin kung anong pwedeng mangyari kapag pinagpatuloy pa namin yun.

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now