Chapter 28

3 0 0
                                    

Nung makaalis na si Connor eh nag-iiyak pa rin ako dito sa duyan. Hindi ko alam pero ansakit ng nararamdaman ko. Naglakad ako sa kung saan at dinala ako ng mga paa ko sa harap ng pintuan ng bahay nila Dylan. Nagdoorbell naman ako, mayamaya pa eh bumukas na yung pinto ng bahay at bumungad sakin si Dylan. Agad naman akong napayakap sa kanya.

"Khaly??? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" humagulgol lang ako sa kanya.

"Hiwalay na kami." sabi ko sa gitna ng pag-iyak ko. Naramdaman kong hinaplos nya ang likuran ko. Iyak pa rin ako ng iyak sa kanya. Gusto kong magmura, gusto kong murahin si Connor pero hindi ko magawa kasi ako naman ang nakipaghiwalay sa kanya eh. Ansakit pala noh? Unang beses kong maranasan ang ganitong heartbreak. Kahit pa sabihing hindi ko naman talaga minahal ng husto si Connor eh mahalaga sya sakin kaya siguro nasasaktan ako ng ganito dahil napalapit na ng husto ang loob ko sa kanya at nasanay ako na lagi syang nandyan para sakin.

Pumasok kami ni Dylan sa bahay nila at pinaupo nya ako sa sofa sa living room. Kumuha sya ng tubig sa kusina at pinainom ako para pakalmahin. Nilapag ko yung baso sa mini table sa gitna. Tumabi naman sakin si Dylan.

"Anong nangyari? Ba't bigla kayong naghiwalay? Magtatatlong buwan pa nga lang  kayo eh hiwalay na agad?"
Huminga ako ng malalim.

"Hiniwalayan ko sya.. Nag-usap kami kanina. Mahal nya si doc darcy, kaya ganun nalang sya magalit nung malaman nyang ikakasal na si doc. Ayokong makagulo pa sa nararamdaman nya kaya naman hiniwalayan ko nalang sya."

"Ikaw ang nakipaghiwalay tapos iiyak ka ng ganun? Iba ka rin talaga ah?" binato ko sya ng unan.

"Bwisit! Wala ka talagang konsiderasyon noh? Anong klaseng kaibigan ka? Tch. Kita na ngang nasasaktan ako sa nangyari eh."

"Wag kang mag-alala, makakamove-on ka rin. Di mo naman sya mahal eh, gusto mo lang sya kaya madali kang makakamove-on. Gusto mo pa nga lang yung tao eh ganyan ka na kung makaiyak---pano nalang kaya kung mahal mo na talaga, baka naman magpakalunod ka na sa sakit ah?"

"Tch. Thank you ah? Gumagaan talaga yung pakiramdam ko dahil sa mga sinasabi mo." sarkastiko kong sabi.

Ginulo naman nya ang buhok ko at inakbayan ako na para nang sinasakal.

"Ginusto mo yan pagdusahan mo. Bakit kasi di ka nalang gumaya sakin? Walang girlfriend, walang problema."

"Tch. Ayokong tumandang dalaga noh!"

"Mangyayari yan dahil nawala na sayo ang nag-iisang pag-asa mong makapag-asawa sa edad na 27. Byebye Doc Connor." Tumawa naman si Dylan kaya hinampas ko yung braso nya.

"Bwisit ka talaga kahit kelan."

"Panigurado matutuwa yun si Audrey kapag nalaman nyang wala ka ng boyfriend. Mabubuhay na naman ang pag-asa nyang magkakatuluyan tayo. Baka gusto mong pagbigyan nalang sya?" Tumawa si Dylan ng napakalakas kaya inalis ko ng marahas yung pagkakaakbay nya sakin.

"Mag-isa ka! Nasisiraan ka na yata ng bait Doc Dylan, baka gusto mong ikaw na ang gamutin? Tatawag na talaga ako ngayon sa mental hospital." Tawa lang sya ng tawa.

"Sige tumawag ka na, para maipadala na kita dun. Sasabihin ko sa kanila, pumunta ka dito sa bahay ko ng des-oras ng gabi at nag-iiyak sa labas." Napipikon na talaga ako sa kanya kaya naman hinawakan ko yung buhok nya at sinabunutan ko sya, buti nalang medjo mahaba yung buhok nya enough lang para mahawakan.

"Araay! Khaly! Ano ba! Stop it!" Inaabot nya rin yung buhok ko at dahil nga mas mahaba ang kamay nya kesa sakin eh abot na abot nya yung buhok ko. Ginulo nya yun ng husto kaya naman napabitaw ako sa buhok nya. Mukha na akong bruha dahil sa gulo ng buhok ko, unti-unti ko namang inayos yun.
Pinagtawanan naman ako ni Dylan.

"Bagay pala sayo ang ganyang hairstyle? Ba't di mo subukang pumasok sa ospital ng nakaganyan? Siguradong ipapasok ka nila sa mental." tawa ng tawa si Dylan. Kahit kelan talaga sya---aish! Trip nya na namang asarin ako ah? Tsk. Pero okay na rin kasi nakalimutan ko na may problema nga pala ako dahil sa kakulitan nya.

***


"Audrey?"

"Yes ate?" sabi ni Audrey habang sinusubo ang pagkain nya. Nagdidinner kami ngayon sa bahay nila dahil weekend ngayon at maaga kaming nakauwi ni Dylan galing sa trabaho. Tatlong araw palang simula nung maghiwalay kami ni Connor. Nagleave sya bigla sa trabaho pagkatapos nung nangyari kaya naman hindi ko pa sya nakikita o nakakausap simula nun.

"May sasabihin ako."

"What is it?" sabi ni audrey na mukhang inaabangan talaga yung sasabihin ko. Napasulyap naman ako kay Dylan at bumaling ulit kay Audrey.

"Ahh---kasi---"

"Hiwalay na sila ng boyfriend nya." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko eh dinugtungan na yun ni Dylan kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.

Natahimik naman si Audrey at nakatitig lang sakin. Nagulat kami nung bigla syang tumayo at lumapit sakin. Niyakap nya ako bigla, hindi ko inaasahan na gagawin nya toh.


"You must be sad ate khaly, did he hurt you?" Tumingin naman si Audrey sakin habang yakap pa rin ako. Hinawi ko yung buhok nya at nginitian ko sya. Pinisil ko ng bahagya ang pisngi nya.

"I'm fine now Audrey. Wag kang mag-alala."

"Are you sure ate?"

"Yes Audrey. Sige na, tapusin mo na yung pagkain mo. Gusto ko lang namang ipaalam sayo yung nangyari eh." Humiwalay na si Audrey sa pagkakayakap sakin.

"I guess he's not the right man for you ate. I'm sure you'll find someone better." sabi nya bago bumalik sa upuan nya.



"Sana nga Audrey."

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now