Chapter 9

6 1 0
                                    

Mabuti nalang at pagkatapos nung araw na narinig namin yung pag-uusap ni Doc Connor at Doc Darcy eh nag-uusap pa rin sila tulad ng dati. Siguro tama si Dylan, wala ngang gusto sakin si Doc Connor. Nagpapasalamat ako kung ganun nga, kinakausap din ako ni Doc Darcy tulad lang ng dati. Walang nagbago, kaya lang may napansin na naman ako kay Doc Connor. Parang iniiwasan nya ako, bakit kaya? Anong meron? Pero pansin ko rin naman na gusto nya akong kausapin minsan kaya lang di nya ginagawa. Kaya naman ako na ang lumapit sa kanya para makausap sya.

"Ah--Doc?" napalingon naman sya sakin. Wala dito si Doc Darcy. Kami lang tatlo ni Dylan at Doc Connor ang nandito. Naramdaman ko naman yung mga tingin ni Dylan samin.

"M-may kelangan ka?" sagot ni Doc Connor.

"Ahh---ano---kasi---pwede ba akong sumama mamaya sa rounds mo doc?" wala na akong ibang maisip na sasabihin. Bahala na nga! Eh kasi naman, hindi nya ako kinakausap eh. Baka naman may kasalanan ako o ano? Di ba? Di ba?

Napakunot ang noo ni Doc Connor at nginitian ako. Ayun! Gumana---yan yung ngiti nya lagi sakin eh.

"Sigurado ka? Wala ka bang gagawin? O wala bang pinapagawa sayo si Doc Dylan?" pang-uusisa nya. Bakit parang feeling ko eh may pinapahiwatig sya sa tanong nya? Aish.

"Ahh---wala naman, wala doc."

"O sige. Tatawagin nalang kita mamaya kapag magrarounds na ako." sabi nya at ngumiti ulit. Ngumiti din ako sa kanya.

"Sige doc, salamat." sabi ko at bumalik na sa table ko. Tumayo naman bigla si Doc Connor.

"Punta lang muna ako sandali sa nurse station." Pagpapaalam nya at lumabas ng quarters kaya naiwan kaming dalawa ni Dylan dito ngayon.

"Ano yun? Anong ginagawa mo? Nababaliw ka na ba?" sabi bigla ni Dylan kaya tiningnan ko sya ng masama.

"Ano?! Anong gusto mong gawin ko? Eh hindi nya ako kinakausap eh---kaya kinausap ko na."

Binato ako ni Dylan ng nakalukot na papel, tumama naman yun sa ulo ko. Bwisit na lalake! Aish!

"Ba't mo ko binato ha?! Tch." napatayo ako para sigawan sya.

"Eh ba't ang slow mo?! Hay ewan ko sayo, di talaga kita maintindihan."

"Bakit ba? Eh di ba sabi mo pagpinansin nila ang isa't isa ibig sabihin walang gusto si Doc sakin? Eh balik naman sila sa dati ah? Nag-uusap naman sila, so ibig sabihin lang nun hindi na ako involve sa issue nila."

"Tigilan na nga natin toh. Ba't ba tayo nagsisigawan?"

"Ikaw kasi eh! Tch."

"Bahala ka na nga sa buhay mo." sabi nya at naglakad palabas ng quarters.

"Huy Dylan!---Dylan!" tinaas nya lang ang isang kamay nya at tuluyan na nga akong iniwan dito sa quarters.

Ano ba kasi? Mali ba yung ginawa ko? Mali bang kinausap ko si Doc Connor? Ay ewan!

***

Nasa canteen kami ngayon ni Doc Connor, sabi nya kumain daw muna kami bago namin simulan yung rounds sa mga pasyente. Habang kumakain eh tahimik lang kami, medjo naiilang nga ako kasi pansin kong panay ang sulyap nya sakin habang kumakain kaya naman napatingin nalang ako sa kanya. Nginitian nya lang ako.

"Bakit doc?" tanong ko sa kanya, kasi pansin kong aliw na aliw sya sa panonood sakin habang kumakain. Baka naman may dumi ako sa mukha ah?

"Wala naman, the last time na inaya kitang sabay maglunch pinagpalit mo ko kay Doc Dylan. I'm just glad you're here with me." Muntik na akong mabulunan sa kinakain ko kaya uminom agad ako ng tubig.

If We Could Be (F4-inspired)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang