Chapter 7

6 1 0
                                    

Every weekend eh pumupunta ako sa bahay nila Audrey pag nandoon sya. Minsan naman eh sya ang pumunta sa bahay, minsan din eh kasama nya si Dylan kapag maagang natatapos ang shift nya. May mga pagkakataon kasi na una akong natatapos sa shift, at may mga times din na kinabukasan pa nakakauwi si Dylan pero tuwing weekdays yun nangyayari minsan. Kasi nga resident doctor sya eh kelangan may overtime sila, hindi kagaya saming mga interns pa lang eh nakakauwi ng maaga.

Kilala na sila ni mama, sa daldal ba naman ni Audrey eh naging close na sila ng mama ko. Sa dalas ko nga ring pumupunta sa bahay nila Audrey eh minsan doon na ako nakakatulog dahil madalas din kasi kaming manood ng movie ni Audrey. Hindi nga ako nakakapagreview tuwing weekends dahil binibigay ko kay audrey ang natitirang oras ko pagkauwi sa trabaho. Pero ayos lng naman yun dahil masaya naman akong kasama sya. Napakabait talagang bata, minsan nga eh sa sofa sa sala nila kami nakakatulog pero paggising namin eh nasa kwarto na nya kami. Nagtataka nga rin ako eh pero mukhang may hinala na ako kung bakit kami napapadpad sa kwarto nya gayong sa sofa naman kami nakakatulog.

Nanonood na naman kami ng movie ni Audrey ngayon sa sala ng bahay nila. Kasama namin ngayon si Dylan dahil maaga syang nakauwi. Nakaupo lang kami sa couch, nasa pagitan namin ni Dylan si Audrey habang hawak ang bowl ng popcorn.

"Kuya? How's work?" magsisimula na naman si Audrey sa kadaldalan nya. Hay naku.

"Fine."

"I wanna visit your workplace kuya, can I do that?" sabi nya habang sinisubo yung popcorn.

"Maybe next time audrey."

"Alright. Ate Khaly?"

"Hmm?"

"Remember when you told me about Kuya Darren?"

"Oo, bakit?"

"You said he's nice. Well, I wanna meet him too. You two are close friends right? I wanna be friends with your friends too ate."

"Okay, next time nalang siguro Audrey."

"You two said exactly the same thing! Ugh! This is so frustrating!" pagcocomplain ni Audrey dahil pareho nga naman kami ng sinabi ni Dylan. Natawa nalang kami sa reaksyon nya.

"Stop it Audrey. You're being too loud again, we'll have some time for that okay?"

"Okay.. but kuya---I was just wondering, have you met someone already? Yung pasadong maging girlfriend mo? I mean sa workplace nyo? You're already 27 kuya, you should have a girlfriend. Palaging sinasabi sayo yan ni Mommy di ba?"

"Haven't found the right one Audrey." sagot ni Dylan habang nakatingin sa TV. Kumain na rin lang ako ng popcorn. Ang showbiz naman pala nitong si Dylan eh. Maypa 'haven't found the right one' pang nalalaman. Eh baka naman choosy lang talaga sya--- o baka naman--- omg! bakla sya?!

Muntik ko ng maibuga yung popcorn na kinakain ko buti nalang napigilan ko. Myghad! Khaly--ano ba yang iniisip mo?!

"Ikaw ate? I noticed something when you were telling me about Kuya Darren, do you have feelings for him ate? You two seemed really close sa mga kwento mo sakin." Kinuha ko yung baso ng juice ko at ininom yun. Napatingin naman ako kay Audrey, tsaka nahagip din ng paningin ko si Dylan na nakatingin din pala sakin kaya napaiwas ako ng tingin at binalik ang atensyon ko sa pinapanood namin.

"We're just friends Audrey, close friends." sagot ko nalang. Oo, magkaibigan lang naman talaga kami ni Darren eh.

"Yes, I know you're friends. What I'm asking is if may feelings ka for him? It's different right ate?"

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now