Chapter 16

5 1 0
                                    

Napagkasunduan namin ni Connor na tawagin ko sya sa pangalan nya kapag kaming dalawa lang o sa labas ng trabaho. Baka kasi biglang magtaka yung mga kasama namin sa bigla-biglang pagtawag ko sa kanya sa pangalan nya. Mas mabuti na rin siguro tong ganito para naman di na nya ako kulitin pa sa pagtawag ko sa pangalan nya.

Naging maayos naman ang lahat sa mga nakaraang linggo. Pumupunta pa rin si Audrey tuwing weekends sa bahay nila at andun din ako sa kanila tuwing weekends. The usual things lang naman, away-bati pa rin kami ni Dylan. Dahil nga sinabi ko sa kanya na okay na kami totally ni Connor eh ayun andami na namang sinabi. Ewan ko ba dun, crush nya yata si Connor eh. Tsk.

Si Darren? Ayun---nagkikita pa rin naman kami. Minsan nga eh sya ang kasabay kong kumain ng lunch tuwing busy yung mga doctor. Minsan naman eh sumasabay sya sa amin. Hindi na namin napag-usapan pa ulit yung tungkol sa pagpunta nya ng canada. Nasasaktan pa rin ako pag-iniisip yun, ewan ko nga eh kung kaya ko syang ihatid sa airport kapag umalis na sya. Di ko yata kayang makita syang umaalis at alam kong makakasama na nya ang girlfriend nya at magiging masaya na sila. Tangina.

Napatigil naman ako sa pag-iisip ko ng may pumitik sa noo ko. Sino pa ba? Edi yung isa pang bwisit. Tsk.

"Ano ba!" sinamaan ko sya ng tingin. Andito kami sa quarters. Andito din si Caesar at Mia. Busy si Doc Darcy at Connor eh, actually busy dapat ang mga doctor ngayon ewan ko ba kung ba't andito tong Dylan na toh.

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo?"

"Ano bang pake mo?"

"Ba't ang sungit mo?"

"Ewan ko sayo. Tch." Inirapan ko nalang sya at nagbasa ng libro.

"LQ kayo doc?" sabi naman ni Caesar na tumatawa pa.

"Hindi, FQ. Friendly Quarrel." sagot naman ni Dylan. Aba! At sa'n naman nya napulot yun?
Umupo sya sa chair sa tapat ng table ko.

"Hahaha. Iba ka talaga doc." sabi ni Caesar.

Hindi na tulad si Dylan nung bago palang sya dito na mukhang walang gana sa buhay lagi. Ngayon nakikipagbiruan na rin sya sa mga kasama namin kapag trip nya, pero nabibilang mo lang naman ang mga pagkakataong yun. Madalas wala pa rin syang pakialam pero atleast nakikihalubilo pa rin sya. Inate na siguro talaga sa kanya ang pagiging ganyan.

Hindi tumawa si Dylan kaya naman tumigil na si Caesar sa pagtawa. Yan ang sinasabi ko, nakikisabay pero KJ pa rin. Tsk.

"Di ka ba busy? Ba't andito ka?"

"Kakatapos ko lang, pwede naman siguro akong magpahinga muna di ba? Napapagod din naman ako."

"Dun ka nga sa upuan mo magpahinga, ba't ka ba anjan? Tsk."

"Because I want to." may naalala naman ako bigla sa linyang sinabi nya. At nagflashback sa utak ko ang mukha ni Connor nung nasa may corridor kami, nung time na hinalikan nya ako sa cheeks. Shit!

Bigla ko nalang tinapon sa mukha ni Dylan yung librong hawak ko kaya naman sobrang nagulat sya.

"Alis nga jan!" sabi ko sa kanya. Inilapag naman nya yung libro sa table ko kaya umiwas ako ng tingin. Ba't ko ba biglang naalala yun? Aish.

"Doc? Dumudugo ang labi mo." narinig kong sabi ni Mia kaya naman napatingin ako kay Dylan. May dugo nga yung gilid ng labi nya, siguro dahil sa pagkakahagis ko ng libro sa mukha nya. Matigas pa naman yung cover ng libro na yun. Hinawakan ni Dylan ang gilid ng labi nyang may sugat. Mukha tuloy syang nasapak sa labi. Aish.

"O-okay ka lang?"


"Anong klaseng tanong yan? Kasalanan mo toh. Tsk." sabi nya. Kinuha ko naman ang first aide kit sa drawer ko. Kumuha ako ng cotton buds at nilagyan yun ng konting betadine. Inalis ko yung kamay nya sa pagkakahawak nya sa sugat nya. Maliit lang naman yung sugat eh pero nakakaguilty pa rin kasi kasalanan ko.
Nilagay ko yung bulak sa may sugat nya, dinampi ko lang naman yun. Ramdam kong nakatingin lang sya sakin.

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now