Chapter 43

9 0 1
                                    


"Castiel! Halika na kakain na tayo!" Tawag ko sa pinsan ko dahil nasa labas sya ng bahay naglalaro ng basketball. Pinalagyan nya kasi ng ring sa papa nya yung puno dun sa may duyan namin.

Andito sila ni Tita Ivy para magbakasyon dahil bakasyon din ni Castiel sa school. He's already 8 years old. Ambilis lang ng panahon, mag-iisang taon na rin simula nung mawala si Audrey. Mag-iisang taon na rin simula nung huli kong makita si Dylan sa condo nya na may kahalikang iba. Tsk.

And I'm not getting any younger, lumagpas na ang edad ko sa kalendaryo at hindi ko talaga natupad yung ideal age ko na makapag-asawa ng dahil kay Dylan. Siguro dapat na talaga akong humanap ng mapapangasawa, pero parang nawalan na kasi ako ng gana. Wala na siguro akong mahahanap na katulad ni Dylan. Ay ewan, bakit ko ba sya biglang naiisip?

"Ate--- kanino bang bahay yun? Matagal ko na kasing napapansin na parang wala yatang nakatira dun eh."

"Ewan. Di ko kilala ang may-ari nun. Halika na nga, kakain na tayo." Pumunta na kami ni Castiel sa kusina para makakain na.

***

"Ate Khaly? magbabike lang ako jan sa labas ah?" pagpapaalam ni Castiel sakin dahil kaming dalawa lang ang naiwan dito sa bahay. Naggrocery kasi sina Mama at Tita Ivy. Dahil day-off ko naman ngayon eh iniwan nila si Castiel sakin.

"O sige, basta wag kang masyadong lalayo ah? Tsaka mag-iingat ka sa pagbabike. Balik ka kaagad." sabi ko kay Castiel habang busy ako sa laptop ko. Nandito lang ako sa sala ng bahay namin.

"Okay ate. Babalik ako agad kapag napagod na ako." tumawa naman si Castiel. Napakapilyo naman talaga ng batang toh, tsk.


Mga 30 minutes ang nakalipas eh hindi pa rin bumabalik si castiel kaya napagpasyahan kong lumabas ng bahay para tingnan kung asan na sya. Kaya lang di ko sya nakitang nagbabike.

Asan na ba ang batang yun? Umupo nalang ako sa duyan at doon na hinintay si Castiel. Inabala ko nalang ang sarili ko sa phone ko.

"Ate Khaly.." napalingon naman ako sa likuran ko dahil narinig ko ang boses ni Castiel. Napatayo ako agad nung makita ko sya at ang kasama nya. Buhat-buhat nya si Castiel, may bandage yung tuhod nung bata kaya nag-alala naman ako bigla. Isinantabi ko muna ang pagkagulat ko nung makita ko si Dylan. Binaba naman nya si Castiel sa duyan at pinaupo dun. Nilapitan ko si Castiel para icheck sya.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot, mukha pa ngang iiyak sya eh. Hinawakan ko naman ang mukha ni Castiel.

"Natumba sya sa harap ng bahay ko habang nagbabike, nakita kong nasugatan sya kaya ginamot ko na muna." napatingin naman ako kay Dylan at bumaling din agad kay Castiel.

"May iba bang masakit sayo? Sinabi ko naman kasi sayo mag-iingat ka eh. Mapapagalitan tayo ng mama mo nito."

"Sorry Ate Khaly..." tumulo naman ang luha ni Castiel.

"Ssshh. Wag ka nang umiyak, big boy ka na di ba? Stop crying." Niyakap ko si Castiel, tumigil naman sya sa pag-iyak at pinahiran ang luha nya.

"Kaya mong maglakad? Tara, pasok na muna tayo sa loob." Tumango naman si Castiel at tumayo, inalalayan ko naman syang maglakad. Tiningnan ko si Dylan.

"Salamat sa paggamot at paghatid sa kanya dito. Sige, pasok na kami." sabi ko nalang at iniwan na namin si Dylan dun sa labas.
Sobrang kinabahan ako nung makita sya kanina. Buti nalang naibaling ko kaagad kay Castiel ang atensyon ko. Sinilip ko naman si Dylan sa labas at nakitang pabalik na sya sa bahay nya.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Sep 20, 2020 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

If We Could Be (F4-inspired)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora