TULA #1: Nasa Isip Ka

2.8K 37 3
                                    

Alam mo, nasa isip kita.
Naiisip kita sa umaga. Iniisip ko kung nag-almusal ka na o kung maganda ang gising mo kanina.
Hinihiling din na sana'y ligtas kag makarating sa opisina.

Nasa isip din kita sa tanghali. Mabilis ang mundo ngunit hindi mo kailangang magmadali.
Kaya magpahinga ka muna sandali.
Kailangan lang banayad ang bawat galaw dahil sigurado, lahat ng sakripisyo'y may sukli.

Nasa isip din kita sa hapon. Alam kong sa ganitong oras ay marami pang trabaho ang nakabunton.
Pero sana'y 'wag kang magpapalipas ng gutom.
Magmeryenda ka ng tinapay o pancit canton dahil ang trabaho, nandyan lang yan buong maghapon.

At sa gabi, nasa isip pa rin kita.
Tinatanong kung maghapon mo'y kumusta.
Kung masakit ba ang binti o paa.

At ngayong gabi, iniisip ko kung pwede ba tayong magkita.
Masundo o makasama kita dahil alam mo nakakapagod na rin...
ang palaging nasa isip lang kita.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon