[STE] Atlantis Academy: Tale of the Three Maidens

5.1K 170 213
                                    

SEQUEL TEASER EPISODE
Atlantis Academy: Tale of the Three Maidens

I.

"Azrielle Morrigan, inaaresto ka ng High Council sa salang pagdala ng morgor dito sa Atlantis. Maaari kang manatiling manahimik dahil anumang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa'yo sa kataas-taasang hukuman ng Socratia. Kung mapapatunayan na ikaw ay nagkasala sa batas at lumabag sa kasunduang pangkapayapaan ng kontinente ay maaari kang makulong, at patawan ng parusang kamatayan."

Isang hindi inaasahang balita ang bumulabog sa ordinaryong araw at klase ng second years, class II-731. Napatingin silang lahat kay Azrielle, habang isang pulutong ng mga gwardya mula sa Arcarthena City ang pumasok sa classroom nila at nilapitan ito. Hindi sila agad makapagsalita. Kunot-noo silang nagkatinginan. Habang si Verdandi au napatayo sa kinauupuan. Nagsunuran naman sina Sean at Dardy nang nagsimulang magmartsa ang ng tatlong sundalo para posasan si Azrielle.

Bago pa man mapigilan ng ibang mga kaklase ay tumayo rin si Verdandi para humarang sa mga gwardya.

"Diyan lang kayo," seryosong babala ni Verdandi sa mga ito.

Tatabigin sana siya ng mga ito pero pumagitna si Professor Ravisolli.

"Mawalang galang na ngunit nasa kalagitnaan kami ng klase. Dinidistorbo niyo ang pag-aaral ng mga nandito. Kabastusan ang tawag doon," sabi ni Professor Ravisolli na nagkakaklase noong araw na iyon. Humarang ito sa mga gwardya. "Anong ibig sabihin nito?"

Lumapit naman ang lalaking mukhang nagsisilbing komandante ng mga ito. Pamilyar ito kay Verdandi. At nang sabihin nito ang pangalan ay doon niya naalala kung sino ito.

"Sir Benedict Kreims, Knight Commander, Grand Order of Minoria," pakilala nito na inilahad pa ang kamay. Pero hindi 'yon tinanggap ni Ravisolli. "Nandito kami para arestuhin ang isang estudyanteng nagngangalang Azrielle Morrigan para sa salang sedition."

Hindi naman agad nakasagot si Ravisolli. "Sedition? Pagtatraydor sa bayan?"

"Kalokohan 'yan," sigaw naman ni Emi. "Basta-basta na lang kayo nag-aaresto ng mga tao sa maling akusasyon!"

Sinulyapan ni Verdandi si Azrielle. Nakayuko lang ito at hindi umiimik. Bagama't halata na nanginginig ito sa kinauupuan nito.

"Hindi isang basta-bastang akusasyon lamang ang dahilan kung bakit kami nandito, Binibini. Mag-ingat ka sa sinasabi mo dahil baka pati ikaw ay madamay rito," banta ni Kreims. "Isa siyang traydor sa High Council. Kaya malamang isa rin siyang traydor sa Atlantis. At ang ebidensya na hinahanap niyo ay nandito rin mismo sa silid na ito."

Ibinaling naman nito ang malalamig nitong mga mata kay Verdandi. Nagkatitigan sila nito. Habang ang iba naman ay napatingin na rin sa kanya, gulat.

Namutla si Verdandi nang mapagtanto kung anong ibig sabihin niyon.

"Dakpin ang morgor."

Ang sikretong matagal na nilang tinatago, ay nabunyag na rin sa wakas. Sa utos na 'yon nang komandante ay sumiklab ang gulo. Biglang nagsikilos ang mga kaibigan nila: sina Sean, Dardy, Hapi, Sebastien, Emi at Ghost Girl. Lumapit naman ang karagdagang mga gwardya at hinila ng mga ito si Verdandi. Subalit bago pa ng mga ito magawa 'yon ay agad na humarang sa harapan niya sina Kai at Osiris. Pagkatapos ay nagmamadaling itinago ni Osiris si Verdandi sa likuran habang pumunta naman si Kai sa harap para lapitan ang komandante. Nagkaroon ng maikling kaguluhan at labanan. Sinisikap naman ni Ravisolli na hindi sila malapitan o masaktan ng mga gwardya. Tinulak naman ni Ravisolli si Kai paatras upang hindi ito mapahamak. Ngunit binaril lang ang guro ng isa sa mga gwardya gamit ang psychus-charged rifle ng mga ito. Hindi man siya nagawang kunin ng mg sundalo, hindi naman ganoon kaswerte si Azrielle.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Onde histórias criam vida. Descubra agora