[68] The Hidden Reason Why

3.5K 126 72
                                    

EPISODE 68
The Hidden Reason Why

Akala niya ay matitinag ito sa biglaang pagtaas ng boses niya, but Azrielle's expression was frozen. "Oo. Bakit, may masama ba doon? Syempre kay Enrico 'yung gamit na 'yon kaya natural lang na ibigay ko kina Kai."

"Pero Azrielle! 'Yong--'yong bagay na 'yon--'yon ang ebidensyang iniwan ni Enrico kung sino ang kumuha sa kanya! At nandoon sa recording na 'yon sinabi mismo ni Enrico ang pangalan ng taong huli niyang katagpo noong gabing kinuha siya at siyang nagdala sa kanya sa palasyo ni Herakles Kastamerr. At si Kai ang taong 'yon!"

Matapos niyang maibulalas 'yon ay napangiti si Azrielle. "So, that's it. Sinabi mo rin."

Nakagat naman ni Verdandi ang labi. Naloko na.

"Pero Azrielle, dapat nating kunin ang bracelet na 'yon bago pa masira!" ani Verdandi. "'Yon ang pinakamalakas nating ebidensya laban kay Kai! At posibleng 'yon din ang makakatulong sa atin papunta sa pinagdadalhan niya ng mga vascillux--"

"Hindi niyo tinupad ang pangako niyo," malamig na sabi ni Azrielle. "Pinagpapatuloy niyo pa rin ang kahangalang ito. Sino pang susunod kina Sean at Emi, kayo?"

Para namang huminto ang puso ni Verdandi. Nahigit niya ang kanyang hininga. 'Yon na ang kumpirmasyon na kinakatakot niya kanina pa.

"Si Emi na sinanay mula pagkabata na makipaglaban, nahuli nga. Tapos nagsasasama ka sa isang taong hindi ka rin naman mapoprotektahan. Si Rummstein ang tinutukoy ko, alam mo 'yon," walang gatol na sabi nito. "At talagang pinagsasama niyo pa si Hapi. Olympian Vascillux si Hapi. At pati na si Rummstein. Kayong tatlo--oo, pati ikaw--ang ilan sa top targets ng taong ito. Let's see--"

Tinaas ni Azrielle ang kamay at kunwa'y nagbilang ito sa kamay, saka naman nito winasiwas sa ere iyon. "Labindalawang Olympians ang kinakailangan niya. Ang labindalawang deities na naghari sa Olympus. At ikaw. Para masagawa ang plano niya."

"A-anong plano? Ano ba talagang alam mo, Azrielle?" ani Verdandi.

Ngunit inignora ni Azrielle ang tanong niya. "Talagang binibigyan niyo ng maraming pagkakataon ang taong 'yon na makuha din kayo." Tumigil ito sa harap niya. "Ganyan ba kalaki ang tiwala mo kay Rummstein? Hindi mo ba naiisip na baka minamanipula ka lang niya para ikaw na mismo ang kusang pumunta sa patibong niya?"

Natigilan siya sa sinabi nito. Pero imbes na mabahala siya ay mas lalo siyang nainis. "Kung totoo yan, di sana matagal na niya akong kinuha at si Hapi! Pati si Osiris! Sa dami ng pagkakataon na magkasama kami, maraming pagkakataon na ang meron siya para madala kami sa kastilyo ni Herakles Kastamerr," argumento niya. Tumalim ang tingin ni Azrielle. "Oo, alam namin na sa palasyo ni Kastamerr dinadala ang mga dinudukot na Vascillux. At oo, ilang beses na kaming bumalik sa Forbidden Tower habang nag-iimbestiga kami. Pero walang ginawa si Rummstein kundi protektahan kami. Hinihingi lang niya ang tulong namin para mahanap si Lissa--at ngayong wala na rin pati si Sean--at si Emi!--" impit niyang naisigaw ang huling salita, lalo na't tumatak na rin sa realisasyon niya na wala na rin si Emi. "Mas lalong may dahilan kami para gawin lahat ng ito!"

"May ginagawa na ang Administration's Office," mariing pagkakasabi ni Azrielle.

"Ginagawa? Nasa kanila lahat ng resources para ma-locate ang kastilyo ni Herakles Kastamerr na nasa paligid lang ng Academy! May access sila sa mga sinaunag files, may sapat silang mga tauhan, may otoridad sila--sapat na mga rason, para maresolba itong lahat! Pero hanggang ngayon, ilang buwan na rin ang nakakaraan, wala pa ring nangyayari?" ani Verdandi.

Halos manggalaiti na siya sa pagkainis. Matagal na niyang pinaghihinalaan ang kahinahinalang pakikitungo ng Administration's Office sa kasong ito. At ngayong kaharap na niya ang taong maaaring makakasagot ng mga katanungan niya, lulubusin na niya, kahit ano pang mangyari.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon