[87] The Perfect Vessel

1.7K 99 26
                                    

Hi guys! Pasensya na sa late update. Maraming salamat sa mga comments at messages niyo last chapter, at kung may nga katanungan kayo, lagay niyo lang itatry kong sagutin. Video pang  soundtrack sa itaas, para mas lalong nakakatakot hahahahahahaha.,, Thanks ulit and hope tou enjoy!

EPISODE 87
The Perfect Vessel

Hindi naman silang makapagsalita ang lahat sa sinabi ni Syberria. Sa palibot ng throne room ay mahinang lumalagablab pa rin ang asul na apoy na siyang naghihiwalay sa inner room at sa pillars. Habang sa gitna naman ng bawat pillars ay nandoon ang mga cylindrical cells kung saan nakalagay ang ilan sa mga labindalawang Olympians.

Kahit hindi makita ni Verdandi ay alam niyang sa tigdadalawang pinto na nasa magkabilang gilid niya ay nandoon nakalagay ang mga cylindrical cells na pinaglalagyan din nina Enrico at ang iba pa--at ngayon ay pati na si Rummstein.

"Plinano mo ba lahat ng ito sa simula pa lang?" demanda naman ni Sebastien na bakas sa mukha ang gulat. "Pati na ang pagpunta naming lahat dito? Kaya mo ba kami itinira dahil alam mong kusa rin kaming pupunta dito?!

Sa tabi nito ay nagsisimula nang kumalma si Osiris ngunit nababalutan pa rin ng itim na ugat-ugat ang kamay nito kung saan tumatalsik ang mga maliliit na baga at sparks. Nakatingin pa rin ito sa kanya na parang gusto na nitong kunin siya mula roon, ngunit sinulyapan nito ng matalim si Syberria. Buti naman ay parang sinusubukan nito na 'wag lamunin ng matinding emosyon dahil sa oras na mangyari 'yon ay baka hindi na ito makapag-isip ng maayos.

Habang matamang natitig lang si Kai kay Syberria. "Anong ibig mong sabihin na siya ang perpektong vessel?"

"King-Croix, kung sana tinotoo mo lang ang pag-iimbestiga sa katauhan ng babaeng ito, eh di sana nakagawa kayo ng ibang paraan para hindi siya makapunta dito," sabi ni Syberria. Umupo ito muli sa trono nito, na wala man lang bahid ng takot sa tatlong lalaking handang sumugod sa kanya. "Ang babaeng ito ay hindi isang vascillux, ngunit hindi rin siya basta-basta isang ordinaryong morgor lang. Dahil may kakayahan siyang mag-ipon ng walang hanggang psychus energy sa katawan niya."

Ibinagsak ni Syberria ang staff nito sa sahig. Idiniin ng higanteng estatwa ang pagkakahawak nito kay Verdandi. Naramdaman naman niya na parang hinihigop ang lakas niya.

Sumigaw siya sa sobrang sakit.

"Itigil mo na 'yan!" sigaw ni Osiris na akmang susugod.

Muli namang binagsak ni Syberria ang staff sa sahig. Pakiramdam naman niya ay para siyang mawawalan ng malay ngunit sinubukan niyang hindi makatulog. Tumulo naman mula sa ilong ni Verdandi ang mainit na dugo, at napayuko na lang sa sobrang panghihina.

"Fernace," banta naman ni Kai.

"'Wag kayong mag-alala, hindi siya mamatay diyan dahil hindi pa 'yan ang limitasyon ng kakayahan niya. Isa pa, babalik lang sa dati ang lakas niya," sabi naman ni Fernace.

Maya-maya pa'y muli ulit siyang nabalot ng liwanag. Nagsilutangan naman ang maliliit na bola ng liwanag at enerhiya mula sa paligid at lumipad papunta kay Verdandi na para bang na-aatraka ang mga ito sa kanya. Hindi nagtagal ay nakaramdam siya ng kaunting pagbabalik ng lakas niya.

Itinaas niya ng konti ang ulo. Kahit nanlalabo ang paningin ay kita niya ang mukha ng tatlo niyang kasama na hindi makapaniwala sa nakikita.

Tiningala siya nito, saka natawa ng konti. "See? Kahit na sipsipin mo pa sa kanya ang napakaraming psychus energy, kaya pa ring mag-ipon ng enerhiya ang katawan niya," sabi ni Syberria. Binalingan ulit nito ang mga lalaki. "Nagmula lang naman siya sa angkan ng mga taong tinuturing na pinaka-ideal na maging vascilluxes dahil sa kakayahan nitong magregenerate ng psychus energy. Sa mundo natin na kung saan mas mahalaga pa sa ginto ang psychus energy, ang babaeng ito ay parang isang malaking minahan ng napakahalagang bagay na 'yon. Kaya lang sa kasamaang palad, hindi siya pinanganak na may psychus ability.  Ngunit magandang balita 'yon para sa amin, dahil sa ganoong paraan, siya ang pinaka-angkop na taong maging vessel ng ating Ama. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng babaeng ito, makakamit muli ni Ama ang pagiging isang ganap na diyos."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz