[28] Dancing With Death

4.4K 223 25
                                    

Hello...! Hahahahaha maraming salamat ulit sa pagbabasa hanggang sa ngayon! Siya nga pala, track mula sa Suicide Squad diyaan sa taas, themesong para sa episode na ito hehe...! Sana naman nagawan ko ng justice ang mga fight scenes, haha... At, ahem, magpopromote nga pala po ako hehe... Kung interesado po kayo sa historical fantasy, panahon ng mga Espanyol, mga dakilang Indios, dangerous pirates, swordfights, adventure at...time travel, please read my newest story, Ang Babae Sa Galyon. Medyo engot ang title pasensya na, lolz. Teka, ang daldal ko na yata. Votes and comments are highly appreciated pa rin po hehe...! Salamat ulit at enjoy...!

EPISODE 28
Dancing With Death

Nagpatuloy pa rin ang lumalakas na usapan sa paligid. Higit sa lahat, si Azrielle si Athena. Nahirapan yata siyang ma-digest iyon at di niya namalayang napatayo na pala si
ya habang nakaturo pa rin kay Azrielle.

Binaba naman niya ang kamay nang marinig ang mga tawanan sa likod niya. Nilingon niya ang tatlong lalaki.

Sumimangot siya. Pakiramdam niya'y nagdilim ang paningin niya habang tinititigan ang di pa rin maawat sa katatawang sina Sean, Dardy at pati na si Rilley.

Inis niyang binatukan ang tatlo ng malakas.

"Ow!/Aray--!/Ano ba?!" halos sabay-sabay na daing ng mga ito.

"Ha. Buti nga sa inyo," ani Emi. "Kanina ko pa gustong ipagtapat, binining Verdandi. Maaari kitang bigyan ng palaso ngayon din para sa kanilang kalapastanganan."

"'Wag na, Emi. Salamat na lang. Kayo! Bakit hindi niyo sinabi sa akin?" aniya na nakatayo pa rin sa harap nila. "Nagmukha akong tanga, alam niyo 'yun?"

"Verdandi, relax lang!" ani Sean at hinila pa siya paupo. "Ganito kasi 'yan. Ang sabi kasi ni Azri, sabihin lang daw namin sa'yo kung sakaling magtanong ka tungkol sa psychus niya. Technically, ngayon lang talaga nabrought-up ang tungkol sa psychus ni Azri kaya ngayon lang din namin sinabi. Pasensya na."

Di naman tuminag si Verdandi. "Pinagtripan niyo ako," pagtatampo niya daw.

"Sorry na, Dandi-chan," pagsusumamo ni Dardy. "Lilibre kita mamaya ng Soda Grunch pag-uwi. Sige na, ha?"

Nanlabi naman siya. Hmp. Kahit pinakabago niyang paboritong inumin ang Soda Gunch (isang uri ng masarap beverage 'yon kung saan pwede mong gawing colourful bubbles ang iniinom mong soda) ay ibabribe talaga ng mga ito.

"Bakit ba kasi ayaw niyang pinag-uusapan ang psychus niya?" tanong niya maya-maya. "Hindi ba talaga magsasalita si Azrielle kung hindi siya tinatanong? Or kung hindi siya magbibigay ng sarcastic remark?"

Mas lalo namang natawa ang dalawa niyang kaibigan doon. Mas lalo namang humaba ang mukha niya. Ano ba kasi talagang nakakatawa? May sinagot naman si Sean na tungkol sa pagiging tamad ni Azrielle na magkwento tungkol sa sarili at iba pang di na niya masyadong narinig dahil sa ingay ng mga estudyante.

Dumunghal silang magkakaibigan para mapanood na lumaban si Azrielle. Lumapit na pala ito sa pulang box at sinilid na ang kamay sa butas roon. Matagal-tagal pa bago nito binunot ulit ang kamay, at iniisip ni Verdandi na mukhang namimili ng maayos si Azrielle ng gagamiting object.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon