[49] A Baby In The Woods

3.6K 174 28
                                    

EPISODE 49
A Baby In The Woods

Makalipas ang ilang araw ay hindi pa rin sumusuko si Verdandi na hanapin at hulihin muli si Caramel, kahit ano pa mang naging kahinatnan ng mga gamit niya. Hindi siya basta-basta sumuko. Kahit nawala sa kanya ang karamihan sa kanyang mga gamit, hindi pa rin siya basta-basta bibigay na lang dahil nakasalalay pa rin sa training niya ang magiging marka niya sa buong taon.

Minsan na lang din niyang makita si Azrielle. Kahit nga sa pagkain ay halos di na ito sumasabay sa kanila. Minsan ay absent na rin ito sa klase. Kapag tinatanong naman ni Hapi sila Emi kung nasaan ito, wala namang maisagot ang mga kaibigan niya. Hanggang sa si Azrielle na mismo ang nagsabi kay Hapi na may ginagawa lang itong trabaho sa Administration's Building.

Minsan namang may narinig si Verdandi habang nag-uusap-usapan ang mga kaklase niya.  Na isa daw si Azrielle Morrigan sa gumagawa ng mga maruruming trabaho ng High Council. Kung ano man ang tinutukoy ng mga ito ay di rin niya talaga alam, kahit may kutob na siya kung ano iyon.

Isang araw ay nagsabay silang mananghalian ni Osiris dahil palagi nang abala ang ibang mga kaibigan niya dahil sa paghahabol sa Trimester exams. Maraming hinahabol na requirements si Hapi dahil gusto nitong maibalik ang status nito bilang isang First Class student. Habang si Emi naman ay panay din ang training para maipasa ang physical exam ma-validate na ang pagiging panibagong status nito. Sina Sean at Dardy naman, nang dahil sa ilang beses nahuli ang mga itong pumupunta sa Bordering Woods, pagpuslit sa Perean Town ng walang paalam at pagka-cutting classes ay marami silang ginagawang detention.

Samantalang siya, ay pinagsisikapan pa ring maipasa kahit papaano ang Combat and Defense Arts niyang subject.

"Osiris," untag niya dito habang kumakain sila. Mula sa kinakain nito ay sumulyap naman ito sa kanya na para bang inaanyaya siya nitong magpatuloy lang sa sasabihin. "S-si Azrielle kasi eh."

"Bakit, anong meron sa kanya?" tanong naman nito.

"Sa tingin mo--may S-soul Splitting Curse din siya?" aniya kapagkuwan. "Hindi naman sa--kasi, kasi--napansin ko nag-iba kasi ang ugali niya lately. Parang naging mas cold na siya. Para kasing may dalawang Azrielle dito sa Academy. H-hindi na siya masayahin tulad ng dati. De, naisip ko lang...naman eh. Tsaka inis pa rin ako sa kanya dahil sinunog niya ang mga gamit ko."

Tiningnan naman siya ng seryoso ni Osiris. "Bakit, masayahin ba si Azrielle Morrigan?"

"Huh? Bakit? Sa tingin mo ba hindi?" Umiling lang ito. Napatingin naman siya dito na parang nagulat. "Diba magkaklase kayo mula elementary? Ano ba siya dati?"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko masyadong alam. Trasnferee lang din siya noong mga walong taong gulang pa lang kami. Ang alam ko lang medyo madaldal siya noong bata pa siya, pero mahilig siyang mapag-isa--hanggang sa naging magkaibigan sila ni Sebastien."

"Ganoon ba talaga si Azrielle?" aniya naman maya-maya. Di talaga mapanatag ang isipan niya patungkol dito. "Minsan kasi iniisip ko masyado siyang--argh!"

Nasabunot ni Verdandi ang buhok ng kaunti. Sinulyapan lang siya ni Osiris ngunit bakas sa mga mata nito ang pag-alala. Napabuntong-hininga ang lalaki.

"Para kasing," pagpapatuloy ni Verdandi. "Para kasing tingin niya kaya ko din ang ginagawa niya. Parang gusto niya na makahabol ako sa mataas na--na standards niya, parang ganoon. Dapat ko ba siyang tanungin anong problema niya?"

Tinignan naman siya ng buo ni Osiris. "Kung iyan ang makakapanatag sa loob mo, gawin mo. Saka magkaibigan naman kayo, diba?"

Kahit di siya sigurado sa sagot, ay dahan-dahan siyang napatango. Natahimik silang pareho. Pagkatapos niyon ay inaya niya si Osiris na samahan siya sa paghahanap kay Caramel. Noong una ay mukha naman itong nainis ay di katagalan napapayag naman niya ito nang banggitin niyang pupunta siyang Bordering Woods.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now