[10] The Fast and The Furious

6.1K 298 92
                                    

EPISODE 10
The Fast and the Furious

"N-niccolo?"

Bakas naman sa mukha ng lalaking kaharap niya ang pagkagulat at pagtataka. Nakababa na rin ang espadang hawak nito.

Tumayo siya at pinagmasdan ito ng mabuti.

"I-ikaw nga." Dahan-dahan siyang lumapit dito. May nagbago sa itsura nito, ngunit hindi sya maaaring magkamali. At bago pa niya mapigilan ang sarili, bigla niya itong niyakap ng mahigpit.

"Niccolo! OMYGASH! NICCOLO!" Tili niya at masayang tiningnan itong muli. Samantalang ito ay takang nakatitig pa din sa kaniya, with matching open mouth. "Niccolo! Sabi ko na eh! Sabi ko na talaga eh! Andito kaaa! Nasaan na sina Yona at Patrick?! Alam mo ba akala ko nawawala na ako, ha? Akala ko talaga maling barko ang sinakyan ko! Buti na lang talaga nahulog ako at nakita kita dito, hahahaha--!"

Tumawa pa siya na parang baliw ngunit ang sinagot lang nito sa kanya ay: "Sino ka?"

Tatawa-tawa niya pa itong hinampas sa dibdib at hinawakan sa braso. FC. Sa tangkad kasi nito ay hanggang dun lang ang naabot niya. "Naman, Niccolo! Clasamate kaya tayo mula first year highschool, ano ka ba? Don't me Niccolo, ha! Kahit di tayo close kasi emo kang tao kaasar ka, matagal na din tayong magkakilala no! Niccolo naman--wag mo nga akong tingnan ng ganyan na para'kong nababaliw--ayan ka na naman, salubong na naman yang kilay mo--Niccolo! Kagrupo pa nga tayo sa thesis, remember? Don't me, Niccolo!"

He only glared at her.

"Oy, walang ganyanan! Alam ko di tayo super close noon pero masaya lang talaga ako nakita kita dito. Hoy--" Tatawa-tawa niya pang pinitik ang daliri niya sa harap ng mukha nito. "Grabe ka Niccolo. Nagpablonde ka lang--platinum blonde ba 'to?--tapos humaba lang ng konti 'yang buhok mo, tapos nagsuot ka lang ng pulang contact lens, nakalimot ka na sa long time classmate mo? Juiceko, Niccolo. Alam mo di ka na nakakatawa--"

Marahas naman nitong hinuli ang braso niya. "I said I don't know you. Ano bang problema mo?"

Kunot-noo naman niya itong tinitigan. "Nicco--"

Doon lang bumalik si Verdandi sa realidad na hindi lang pala sila ang taong naroon. Sa sobrang saya niya nang makita ito, panandalian niyang nakalimutan ang lahat ng mga tao sa paligid niya. At nahulog din pala siya sa Great Hall mula sa--kisame.

Sa isang iglap naman ay napalitan ng bulung-bulongan ang paligid.

"OMG. Who's that scandalous girl?"

"Don' tell me nagpahulog lang siya mula sa kisame para mapalapit kina Lord Kai at Lord Grimmcaster--? The nerve!"

"How rude. Kapal ng mukha."

"Sino ba 'yan? Lakas ng loob niyang yakapin ang isang Highborn!"

"Can we just kill her for interrupting the fight? Tch. Lowborn."

"That is, if those two won't finish her off first. Stupid woman."

Sa isang iglap, hindi na alam ni Verdandi ang gagawin. Gusto niyang matunaw sa kinatatayuan niya. She suddenly felt out of place again.

"Hey, if it ain't the Gormless Girl." Isang nanunuyang boses naman ang nagsalita. Hinatak pa siya nito paharap. The guy with the lip ring smiled devillishly. "You again, huh?"

Kahit sa sitawayson niya nakuha pa ring iwaksi ni Dandi ang kamay. "Problema mo, Metalhead?"

Kumunot naman ang noo ni Kai. "Metal--"

"Tch. Seems you know each other, King-Croix." The drawling voice behind her sneered. "Is this one of your tricks para maisahan ako? How low. Using a woman."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now