[30.2] Bridge Between Two Worlds Part 2

5.4K 242 38
                                    

EPISODE 30.2
Bridge Between Two Worlds [Part 2]

Hindi na maalala ni Verdandi maalala kung paano siya nakaalis mula roon, ngunit ang alam niya ay di na niya nakayanan ang mga narinig niya. Tumalon na siya sa mula sa puno at bumagsak sa lupa. Pagkatapos ay naglakad ng mabilis. Tinawag siya ni Hapi pero di na siya lumingon. Tuloy tuloy siyang umalis roon, hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas mula sa gardens.

Pakiramdam ni Verdandi ay lumulutang siya o wala sa sarili. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Hindi niya pa rin tuluyang maiproseso lahat ng impormasyong nalaman niya tungkol sa sarili niya. Totoo ba lahat ng iyon?

Kung ganoon, aniya sa sarili, kilala ko pa ba talaga ang sarili ko?

Naglakad lang siya ng naglakad na hindi alam kung saan talaga pupunta. Naka-hospital gown lang siya, at naglalakad sa mga kalyehon at damuhan ng Academy. Kapag may nakakasalubong siyang ibang mga mag-aaral ay ramdam niya ang mga titig ng mga ito sa kanya. Takot, ilag at nanunuring mga tingin. Na para bang may dala siyang nakakahawang sakit.

Ikaw ba naman kasi magsuot lang ng hospital gown at walang tsinelas, biro niya sa sarili kahit mabigat na ang kalooban niya. Naalala niya bigla si Osiris Grimmcaster. Ganito ba ang pakiramdam ng maging isang kagaya nito?

Pabilis ng pabilis ang lakad niya. Naisipan niyang bumalik na muna sa dormitory room niya. Ayaw na niyang bumalik roon sa infirmary. Pakiramdam niya ay nakakulong siya roon. Pupunta siya kahit saan 'wag lang muna doon...

Nang may makabangga siya, at nahulog pa ang mga dala nitong libro nang dahil sa kanya.

"S-sorry, hindi ko sinasadya--" aniya at mabilis na pinagpupulot ang mga libro at binigay 'yon sa nakabangga niya. Nagulat naman siya nang makita kung sino 'yon.

"Miss Fiametta?" ani Professor de Aulish na nakakunot-noo. "Diba dapat nasa infirmary ka pa? Magaling ka na ba?"

Di naman siya makapagsalita. Doon lang niya napansing tumigil din pala ang mga estudyanteng naglalakad paroo't-parito sa maliit na kalasadang 'yon. Nakatingin ang mga ito sa kanya. Nagtataka. Ang iba pa nga'y nagbubulungan.

Sa malayo ay nakita din niya si Osiris Grimmcaster na naroon din pala at malamig na nakatingin sa kanya.

Hindi, aniya sa sarili na biglang kinabahan. Alam na ba ng mga ito ang tungkol sa kanya? Wala sa sarili, ay tumakbo siya papaalis roon.

"Fiametta!" tawag sa kanya ni Professor de Aulish ngunit di na siya lumingon ulit.

Tumakbo siya ng tumakbo. Ngunit imbes na dumiretso siya sa dormitories ay umikot siya sa likod niyon at sumuong papunta sa mga kakahuyan. Kahit nagkasugat-sugat na ang mga paa niya dahil sa mga bato't maliit na kahoy na natatapakan niya. Pagkatapos nang mapagod na siya sa kakatakbo ay dahan-dahan na lang siyang naglakad.

Naglakad ng naglakad hanggang sa makarating siya sa tabi ng isang maliit na sapa, na may bukal sa malapit. Umupo siya sa malaking bato gilid niyon, at sumandal sa kahoy.

Pagkatapos ay hinayaan na ang sarili na umiyak.

Ang tagal na niyang gustong ilabas ang lahat ng nararamdaman niya. Pinilit niya namang magpakatatag. Isa siyang estranghero sa lugar na kailanman ay di niya inaakalang totoo pala. Oo, minsan sa buhay niya, noong buhay pa ang kanyang Lolo ay hiniling niya na sana marating din niya ang lugar na mga napuntahan nito.

Di kaya, sa kabila ng mga sinabi ng nanay niya, ay totoo talaga ang mga kwento ng lolo niya? Pero bakit ibang-iba ang Atlantis na nilarawan nito sa napuntahan niya? Di kaya...gaya ng iba ay isa lang din ang lolo niya sa mga taong inasam at inakala na makakapunta siya sa lugar na gaya nito ngunit--wala naman talaga?

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon