[6] RMS Atlantis

7.6K 309 105
                                    

EPISODE 6
RMS Atlantis

"Tara, maghanap na tayo ng cabin." Untag sa kanya ni Azrielle maya-maya.

Naalala naman niya ang mga kaibigan. "Pero may hahanapin pa kasi sana ako eh. Mga--kaibigan ko din. Kapwa scholars ko."

Napakunot-noo naman ito sa sinabi niya. "Ah, ganun ba? Pero paano mo naman sila mahahanap kung ganito karami ang mga tao?"

Tumingin naman siya sa paligid niya. Maraming tao nga: kadalasan mga estudyante, pero may mga adults at mga bata rin. Unti-unti na din silang nagsisipasok sa looban ng barko.

Medyo nalungkot siya. Pero wag kang susuko Verdandi, sabi niya sa sarili na biglang nabuhayan ng loob, syempre magkikita din naman kayo mamaya eh!

Pasalamat na rin siya at andito si Azrielle para may kasama siya.

"Siguro mamaya ko na lang sila hahanapin." Sabi naman niya na napangiti. "Sige, maghanap na muna tayo ng maii-stay-han. Tara."

Tumango naman ito at pumasok na sila sa loob. Nakipagsiksikan pa sila sa mga tao habang paakyat sila sa paliko-likong hagdan.

"May tatlong decks kasi ang barkong ito. Yung lowest deck, para sa mga common passengers. Alam mo na, mga civilians. Yung middle deck ay ang deck naman ang para sa mga estudyante. Although maraming division ang second deck: may para sa mga regular students, VIP students at mga teachers. Pero ito yung bahagi ng deck kung saan ang lahat ng mga tao eh taga-AAGG. Yes, may exclusive deck talaga dito para sa academy. Ang may-ari naman kasi ng liner na 'to eh siya ding isa sa mga governor ng school." Paliwanag ni Azrielle nang makita ang amazement sa mukha niya. "Sa uppermost deck naman, nandun ang mga VIP o first-class passengers. Mostly--hindi lumalampas sa bente katao ang nandun sa taas. Excluding ang kapitan at mga crew, syempre."

"VIP deck?" Tanong niya. "Pero diba doon ang pupuntahan no'ng dalawang kasama mo kanina--?"

"Mind you, bawal silang pumunta doon. Kahit ikaw, o ako--unless na lang kung anak ka ng isang School Governor o miyembro ng council?" Umiling naman siya. "Pero kina Sean at Dardy walang makakapigil sa kanila. Tsk, tsk."

"Sean at Dardy pala ang mga pangalan nila. Ganun ba talaga sila ka--kakatok?"

Tumawa ito sa sinabi niya. Na para bang amused na amused.

May nakakatawa ba dun sa sinabi ko?

"Wag kang mag-alala sa mga yun. Sanay na 'yong tumakas mula sa  detention." Anito naman na may ngisi sa labi. "Palagi nga akong nadadamay sa dalawang 'yon eh. Pero mabait naman sila--maloko nga lang."

Umaakyat sila papuntang second deck. Doon sa may entrance may nakabantay na gwardya at attendant na mukhang nakakatakot ang aura.

"Tickets, please." Binigay naman nila ni Azrielle ang ticket nila, at pinasok 'yon sa isang parang ATM machine. Pinapasok naman sila ng guwardya sa loob.

"Pwede ka pa lang makikabit lang dito sa barko kahit wala kang ticket?" Manghang tanong niya. Napansin niya kasi na ngayon lang nila binigay ang ticket nila kung kelan nasa barko na sila.

"Hahahaha subukan mo yun at ihuhulog ka nila sa dagat." Anito. "Hindi pwedeng tumambay diyan sa baba. Sa oras na mahuli ka nila na nandoon sa baba at walang pamasahe sa barko,  ipapatapon ka nila sa dagat. At seryosong patakaran 'yon."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now