[4] Terminal 13

6.9K 359 179
                                    

Magaan ang pakiramdam ni Verdandi habang sakay sila ng tricycle, at nililipad pa ng hangin ang mga hibla ng buhok niya. Nalungkot siya kanina sa paghihiwalay niya sa pamilya niya, ngunit ngayon, excited na siya.  Malapad ang ngiti niya at di niya namalayang kanina pa pala patingin-tingin ang nakatatanda niyang kapatid na si Budong.

"Mukha kang baliw, Dandeng." Naiiling na basag nito sa katahimikan nila.

"Hmp. KJ ka din eh, no?" Sagot naman niya.

"Mas mabuti na lang yun no, kesa mapagkamalang baliw." Ganting banat naman nito. "Hoy. Magpapagasolina na muna ako. Ambigat mo kasi eh, kaya ambilis tuloy kumain ng krudo tong tricycle. Malayu-layo pa naman 'yong piyer."

"Grabe 'to o!" Maktol niya. "Ampayat ko kaya!"

Tumigil naman ang sasakyan nila sa isang gasolinahan, at napansin niyang iyon pala yung gasoline station na malapit sa eskwelahan nila. Bumaba siya ng tricycle at pinarada naman ng Kuya niya ang sasakyan sa isang stall do'n.

Sinuyod niya ng tingin ang skwelahan nila na nasa tapat lang. Huling beses na pala yata niya itong makikita. Mamimiss din niya ito. Andami naman kasi niyang ala-ala dito eh.

Naisip niya tuloy ang mga kaibigan. Ano na kayang ginagawa ngayon nila Patrick at Yona? Nasa piyer na kaya sila? O nag-iiyakan pa kasama ang pamilya nila? Nabahala naman siya nang maalalang hindi pa pala alam ng mga ito na tutuloy siya. Pero okay lang, nakangiting sabi niya, magkikita-kita din naman kami mamaya eh! Excited na siyang masorpresa ang dalawang iyon.

Eh si Niccolo kaya? Bulong naman niya sa sarili, sumama kaya siya?

Umiling naman siya. Teka. Ano bang pakelam ko kung sumama siya o hindi? Kastigo niya sa sarili. Pero inaamin niya mas masaya talaga kung apat silang nandoon.

Nasa ganito siyang isipin nang may mapansin niya sa wakas ang isa pang building sa tapat ng gasolinahan. Sa dilim ng madaling araw na 'yon ay nakita niya na sunog ang building na ito--pero dahil sementado ito ay di naman natupok lahat. Pero sira na talaga. Nanlaki naman ang mga mata niya nang maalalang ito yung karenderya na kinakainan nila ni Yona noong nag-aaral pa sila.

At ito rin 'yong karenderya kung saan may matandang nanghula sa amin ni Yona...sabi naman ng isip niya.

"Hoy, nagsesenti-senti ka na naman ba diyan?" Untag sa kaniya ng kapatid. Tapos na pala itong magpafill. "In fairness di bagay sa'yo."

"Kuya," Kalabit niya dito na hindi na lang ginantihan ang banat nito. "Diba, karenderya 'yan dati? A-anong nangyari dyan?"

"Malamang nasunog."

"Pilosopo neto. Bakit nga?"

"Di mo ba talaga alam? Ganito kasi 'yan, Miss Doris Brigornia. Noong isang linggo, nagpakasal 'yung matabang may-ari niyan sa isang chicks. Maganda at bata yung chicks, pero parang may sayad. Pagkatapos, noong gabing ikinasal sila--honeymoon ba--nilunod niya 'yong lalaki sa bath tub. Ewan din kung paano niya nakaya yun eh bakulaw pa naman yung may-ari. Tapos, hayun. Bigla na lang nagkasunog. Ansabi ng mga pulis, pinasabog daw nito ang LPG." Kwento nito.

Nanlamig naman ang buong kalamnan ni Verdandi sa narinig.

Parang dinig na dinig niya pa rin hanggang ngayon ang boses ng lalaking 'yon:

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon