[17] Reunion At Malupit Na Resbak

5.2K 233 104
                                    

EPISODE 17
Reunion at Malupit Na Resbak

Manlalaban sana siya nang bigla siyang isinayaw at pinaikot gamit ang isang kamay nito. Nang makaharap niya ito ay tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Sean.

"Sean!" Naiinis man ay masaya siyang makita itong muli. Ang gwapo nito sa suot nito at may panyo pa itong nakatali sa ulo. Imbes na magmukha itong albularyo, instead he looks like a dashing Caribbean pirate. Wala sa isip na mapayakap siya dito.

"Hello, milady. You missed me? Oooh--na miss mo nga ako," anito at ginantihan siya ng yakap. Nang ma-realize ni Verdandi ang nagawa ay kumawala siya dito.

"S-sorry," aniya naman.

Tumawa naman ito. "Ano ka ba? You should not be sorry. Gusto mo ng isa pang hug?"

Bago pa niya ito masagot ay may isa na namang humila sa kanya. Kung inakala niyang si Dardy iyon, ay nakita niya si Emi--at may hawak itong palaso sa kamay. Tinutukan nito si Sean.

"Kahit kailan ay mapagsamantala ka talaga, Starkomir. Nalingat lang ako sandali ay dinukot mo na siya," matalim na wika nito.

"Emi!" Masigla ngunit kinakabahang wika ni Sean na nakataas ang dalawang kamay. "Long time no see. Akala ko--uhm, nagbago ka na. Hindi pa rin pala. Tigasin ka pa rin."

Pinasadahan nito ang maikling suot ni Emi. Namula naman ang babae ngunit di tiyak si Verdandi kung dahil ba ito sa hiya o pagkaasar.

"Akala mo lang 'yon, brother. Tingnan mo anong ginawa niya sa gwapo kong mukha!" Reklamo ng isang boses sa likod nila. "Sinuntok niya ako!"

"Dardy!" Tawag naman niya. Nakasuot ito ng sleeveless coat at naka-unbutton pa ang unang dalawang butones nito

"Hi, Dandi-chan. Tingnan mo anong ginawa sa akin ni Lola Emilyana." Ani Dardy na sapo pa ang dumudugong ilong.

"Wala kang galang! Nararapat lamang iyan sa'yo," Bumaling naman sa kanya si Emi. "Niyakap niya ako mula sa likuran sa pag-aakalang isa ako sa mga babaeng kaya niyang utuin!"

"H-hoy! Anong--? Hinawakan lang kaya kita sa balikat dahil di ka naman lumilingon kahit anong tawag ko na sa'yo! Tapos bigla mo na lang akong in-uppercut!" Reklamo ni Dardy. "Sakit!"

Nagtawanan na lang sila ni Sean sa sinapit ni Dardy. Dinemanda naman ni Dardy na magsorry si Emi pero tumanggi lang ito at bumunot pa ng ikalawang palaso.

"Teka nga pala, sina Azrielle at Hapi?" Tanong niya maya-maya.

"Tinatanong mo pa talaga nasaan 'yung matakaw na babaeng 'yon?" Sabi pa ni Sean. "Nasa table na, nag-hihintay. Ayaw daw niyang makipag-agawan mamaya pag nilabas na ang pagkain."

Nang tumingin naman sila sa table ng mga first year ay nakita niyang nakaupo na doon si Azrielle. Nang makita sila nito ay kumaway ito at parang may sinasabi.

"Ang sabi niya, mag-enjoy lang daw tayo dito. Siya na daw ang magrereserve ng pagkain at upuan para sa atin," ani Dardy na napapailing. "Di ko talaga makuha hanggang ngayon kung saan tinatago ni Azrielle ang mga pagkaing kinakain niya. Sa liit niyang 'yan daig niya pa si Goku sa takaw."

Nagtawanan na lang sila, pati si Emi. Mula sa table ay sumenyas uli si Azrielle at itinaas nito ang kamao kay Dardy. Narinig kaya nito ang sinabi ni Dardy?

"Eh si Hapi?" Tanong niya ulit. Natahimik naman silang lahat.

"Nasaan nga ba si Hapi?" Tanong ni Sean.

"Anak ka ng etats Sean, kayo kaya magkasama kanina!" ani Dardy.

"Baka kung ano nang nangyari doon!" Kasasabi lang ni Emi sa mga salitang iyon nang biglang may kumaripas nang takbo papunta sa kanila. Nabangga pa si Verdandi ng tao at pareho silang natumba sa lupa. Tiningnan naman ni Verdansi kung sino ang nakabangga sa kaniya at nakita niya ang takot na mukha ni Hapi.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon