[III] Aftermath Part 3: In the Hands of Order and Chaos

1.5K 112 36
                                    

Hi guys! Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa at comments niyo noong last part! Third part na po ito ng Aftermath short arc. Diyan nga pala sa baba nagdidiscuss sila ng Egyptian Mythology. If you want, you can research the story pero hindi na naman kailangan kasi di naman siya relevant, but this branch of mythology is so damn good and kinda weird, but it's worth checking out kung gusto niyo ng ibang mythology stuff din or hilig niyo ang mga ganoon hahahahahaha... Video sa taas pang music background as usual. Thanks ulit at hope you enjoy!

EPILOGUE III
Aftermath Part 3: In the Hands of Order and Chaos

Dear Kuya Budong,

Kumusta na kayo? Pasensya na sa hinaba-haba ng panahon ngayon lang ako nagakaroon ng pagkakataon na makasulat sa inyo. Baka nakarating na sa kaalaman niyo na hindi ako nakarating sa Arts Academy of Gaia Gettysburg sa London, at alam kong nag-aalala kayo. Sorry ulit kung hindi ako nakasulat agad. Marami lang po kasi talagang nangyari.

Nandito ako ngayon sa Atlantis. Sa maniwala ka't sa hindi, totoo ang lugar na ito. 'Yung dating laging kinikwento sa atin ni Lolo. Bahala ka kung ayaw mong maniwala pero magpapadala na lang siguro ako ng picture kung nasaan ako ngayon. Pero wala mang kasaling picture 'yon baka kinuha rin ng customs kasi masyado silang mahigpit dito eh.

Maayos ako dito. Masaya nga eh. Marami akong mga nakilala at mga naging kaibigan. Tsaka nag-aaral rin ako ng maayos 'wag kayong mag-alala. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito, pero hihintayin ko na lang ang araw na iyon. Kasi sa totoo lang gusto ko pang manatili dito, kasi di ko inaasahan, na sa kakaibang mundong ito na wala akong kakilala at walang nakakakilala sa akin, marami akong makikilala na tatanggap sa akin at kakaibiganin ako ng totoo...

"Kaya 'yon ang nangyari. Nang mamatay ang bathalang si Osiris dahil sa pagtatraydor ni Set, hinanap ni Isis ang nagkapira-piraso niyang katawan," pagpapaliwanag ni Azrielle sa harapan nila.

Kasalukuyan itong nagkaklase sa harap nila. Pinapaliwanag nito ang isang sikat na kwento mula sa Egyptian Mythology. Gamit ang psychus nito ay gumagawa ito ng realistic effects sa blackboards--mga lumulutang na pigura ng Egyptian gods and goddesses sa harap nila, na parang totoo. Ito muna ang pumalit kay Professor Ravisolli na mag-explain ng subject matter dahil sa nagpapagaling pa ito. Nakikinig naman ang mga kaklase nila sa takot kay Azrielle--maliban, as usual, kay Kai na nakatingin sa bintana at kay Osiris na tulog.

Napabuntong-hininga naman si Verdandi at parehong siniko ang dalawa. Inis naman siyang tiningnan ng mga ito pero sa halip ay kinuha lang ni Kai ang isang kamay niya at ginuhitan ng kung anu-ano habang kinuha rin ni Osiris ang kabilang kamay niya at ginawang unan. Agad niyang binawi ang mga kamay saka piningot ang tenga nila pareho.

Saka naman iyon napansin iyon ni Azrielle. Tumikhim ito.

"Pero sa paghahanap ni Isis sa piraso ng katawan ng kanyang asawa, may isang bagay siyang hindi mahanap-hanap," sabi naman ni Azrielle na sinamaan sila ng tingin. Nagtangka namang magpaliwanag si Verdandi sa pamamagitan ng sign language ngunit ibinaling ng babae ang tingin nito sa iba, kaya napabuga siya ng hangin. "Alam niyo ba kung ano 'yon?"

"Ulo?" sabi naman ni Dardy.

Umiling si Azrielle. "Hindi. Ibang sagot?"

"Puso?" suhestyon naman ni Hapi.

"Ah hindi," sabi ni Azrielle. Ngumisi ito nang makahulugan. "Pero tingin ko hindi niyo nga basta-basta mahuhulaan iyon."

Isa-isa namang sumagot ang mga kaklase niya. Lahat nagparticipate at may kanya-kanyang sinagot. Subalit walang nakatama sa kanila.

Hanggang sa ang sunod na sasagot ay ang linya nina Verdandi. Ginising naman niya si Osiris at tinapik si Kai. "Sumagot kayo," sabi niya dito.

"Bakit kami?" sagot naman pabalik ni Kai. Ngunit nang makita nitong nakatitig si Azrielle sa kanila at ang buong klase nila ay napilitan itong tumayo. Tinulak naman ito ni Verdandi. Pati si Osiris ay nakitulak din. Inis silang tiningnan ni Kai. Umiling lang ito at bumuga ng hangin. "Eh di ano pa ba. 'Yung maselang parte ng katawan niya."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin