[71] A Broken Soul and an Armored Heart

2.8K 124 44
                                    

EPISODE 71
A Broken Soul and an Armored Heart

Sa loob lang ng ilang buwan ay para na nilang mga nakatatandang kapatid sina Syrius. Nakita ng mga bata sa katauhan nito ang isang kapatid pinagkait sa kanila. At nakikita lahat 'yon ni Azrielle.

Nakatayo sila ngayon sa labas ng malaking hall habang naghihintay na magsimula ang programa. Sa araw kasi na 'yon idadaos ang seremonya ng pagtatapos nila sa taong 'yon. Nandoon sila nanatili sa isang gazebo sa gilid ng hall, at inaayusan sila ni Lissa.

"Tingin ka dito, Hapi," ani Lissa. Umayos naman sa pagtayo si Hapi at tumingin kay Lissa. Inayos naman ng babae ang necktie at robe ni Hapi at sinuklayan ang buhok nito. "Ayan. Ngumiti ka naman, ang gwapo-gwapo mo ngayon o."

Nahihiya namang ngumiti si Hapi sa babae. Tsk, ani Azrielle sa isip na nangingiming paikutin ang mga mata. Hindi naman sa ayaw niya dito--ang totoo, mabait nga ito sa kanila. At sa katunayan, sobrang bait nga nito at naiinis na siya. Hindi niya nga alam bakit ito pa ang nagtitiis na dumalo sa pagtatapos nila kahit di naman sila kaanu-ano ng mga ito. Tsaka, sanay naman silang magkakaibigan na walang dumadalo sa kanilang pagtatapos taon-taon. Abala ang lola ni Hapi na Reyna ng Vallarya na patakbuhin ang kaharian nito pagkatapos ng ilang taon nitong paghihirap sa ilalim ng pamumuno ng dating hari nitong baliw. Habang ang ama naman ni Sean na Hari ng Ithacus ay mukha naman talagang walang pakialam sa anak simula pa, at iniaasa sa mga taga-silbi nito ang pag-aalaga kay Sean, bagay na tinatanggihan ng bata kasi di rin naman daw niya kailangan. Habang ang mama ni Dardy--sa dami nilang magkakapatid at sa hirap na rin ng buhay nila, halos di na nito maasikaso ang anak kahit gustuhin man nito.

Sila naman ni Sebastien, wala naman silang magulang o kapamilyang dadalo para sa kanila, kaya sanay na sila. Ewan ba niya kung bakit nagpupumilit pa ang mga ito na tulungan sila.

Lalo na talaga ang Syrius na 'yon, ani Azrielle sa isip, nakakaasar talaga.

"Sean, 'wag mo ng wawalain ang panyo mo ha," bilin ni Lissa sa kaibigan niya. Ngumiti lang si Sean. Habang si Azrielle naman ay nanatili lang na nakatayo sa isang tabi at nakahalukipkip. "'Wag kang ngingiti-ngiti lang diyan! Gusto mo bang makita ka ng ibang bata na ganyan ang ayos mo lagi?"

"Sanay na sila. Tsaka ginagamit ko na ring panakot 'to no," anito na tatawa-tawa.

"Sige ka, hindi ka popogi kapag hindi mo pupunasan 'yang ilong mo," ani Lissa at pinunasan ang tumulong sipon sa ilong nito. Saka tinupi nito 'yon at itago sa bulsa ni Sean. "'Wag kamay ang gagamitin pampunas ha. Nilagyan kita ng panyo diyan sa loob ng bulsa mo, gamitin mo 'yan. Dardy!"

Lumapit naman si Dardy kay Lissa.

"May knock-knock ako," sabi ni Dardy. Napailing naman si Lissa. Sinuklayan nito ang buhok ng bata na kakagupit lang. Actually, lahat ng mga batang lalaki ay nagpagupit kahapon--sa libre na rin ni Syrius at Rummstein. Kaya kumpara noong mga nakaraang buwan, mas mukhang tao na ang mga kaibigan nila ngayon.

Nakatingin pa rin si Azrielle sa mga kaibigan niya. Ang linis-linis na nga tingnan ng mga ito. Di nga siya makapaniwala na napilit ito nina Syrius na magpagupit, maligo, at maglinis ng sarili, kung ang school disciplinarian at mga teachers nila ay hindi nga sila napatino.

"Sushi, tinatawag ka ni Ate Lissa," bulong sa kanya ni Hapi. Napansin naman niyang nakatingin pala sa kanya si Lissa na nakangiti. Binigyan naman niya si Hapi ng masamang tingin. "Sige na, pumunta ka na dun."

"Ayoko," tanggi niya. Inilayo niya ang tingin.

"Azri, halika na," sabi ni Lissa. Ngunit dahil hindi siya tuminag ay ito na mismo ang lumapit.

"A-ano ba--!" angal niya at pilit na winawaksi ang kamay nito. Di naman niya magawang itulak ito ng malakas sa takot na masaktan ito. Hindi rin naman niya gustong makapanakit ng iba. Sinuklayan nito ang buhok niya para talian. "Sabi ng ayoko eh! Bitawan mo nga ako--'wag mong gagayawin ang buhok ko!"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now