[18] First Day of Mayhem!

5.6K 231 154
                                    

Brutal na kung brutal but I was laughing so hard while writing this scene. :-D Sana hindi lang ako ang matawa dito, lol. Pasensya na kung masyasong mahaba. Enjoy! 💣💣💣

CHAPTER 18
First Day of Mayhem!

Sa sandaling panahon, ay inakala ni Verdandi kagagawan ni Azrielle ang pagsabog. Ngunit nang makita niyang nagulat din ito ay naisip niyang baka nagkamali lang siya.

But she would know immediately how very right she was.

May ibang estudyanteng napatili pa at may mga gurong napatayo. Lahat sila ay napatingin sa pinanggalingan ng pagsabog: mula sa kakahuyang dinaanan nila ni Emi kanina.

"Anong nangyari? Anong sumabog?" Tanungan ng mga tao sa paligid.

Ngunit bago pa man sila tuluyang mangamba sa takot, ay tatlong anino ang lumabas na tumatakbo mula sa kakahuyan. Nagsisigawan at nagmumura ang tatlong ito, pero dahil madilim ay di pa niya masigurado sino. Ngunit nang maliwanagan na ang tatlong bagong dating ay nakumpirma niya nga ang hinala niya.

Hindi alam ni Verdandi kung matatawa o maaawa siya sa kalunos-lunos na kalagayan nina Sebastien, Marcus at Kai. Punit-punit ang kanina'y magagarang damit ng mga ito at ang sana'y pangmayaman nitong mga balat ay may kaunting mga galos. Tumayo din ang mga buhok ng mga ito sa lahat ng sulok na parang nakuryentehan, at ang sana'y kagagwapong mga mukha ay parang pinahiran ng sandamakmak na uling.

Narinig niyang nagbubungisngisan na ang iba. Lalo na sina Sean at Dardy na naluluha na sa pagpipigil ng buhakhak.

"ANONG NAKAKATAWA?!" Bulyaw ni Kai na ikinatahimik ng lahat.

Umuusok na ang ilong nito sa galit at pinasadahan ng tingin ang lahat ng doon. Sa gulat nila ay kasingbilis ng kidlat nito at ng mga kaibigan nitong tinungo ang table ng mga first years--at nilapitan si Hapi.

Otomatiko namang napatayo sila Sean, Dardy at Emi kaya di nakalapit ng tuluyan ang galit na galit na si Kaizer.

"King-Croix! Romagna! Stingrein!" Sita ni Professor Steravnosky at ng isa pang babaeng propesor. Patakbo din ng mga itong tinungo ang kinaroroonan nila dahil kinwelyuhan na ni Kai si Sean at tinabig naman ni Marcus si Dardy. Nilabas naman ni Emi ang pana niya at hinarangan si Sebastien.

"Anong kaguluhan na naman ito?!" Bulyaw ni Steravnosky. Lumapit na din ang iba pang propesor kabilang na si Ravisolli.

"Ito--!" Dinuro ni Kai ang mukha ni Sean. At akmang dadagmalan si Hapi. "At ang--ang lampang Inglesor na 'yan--! Sila--sila ang may kagagawan nito!"

Di naman makakilos si Verdandi sa kaba. Habang si Azrielle, ay prenteng nakaupo lang sa upuan, ngunit nakakunot ang noo nito na para bang nagugulat. At ang inosenteng si Hapi, ay naguguluhan pa rin kung bakit na lang siya sinusugod.

"Ito!" Sabi nan ng bruskong si Marcus. Sa medyo maskulado nitong pangangatawan, nakakatawa itong tingnan sa sunog na damit. "Sila! Sila may ginawa sila! Pinasabog nila kami!"

"Pinasabog? Eh di dapat dust particles na lang kayo ngayon," sabi naman ni Sean.

"Starkomir!" Sita ni Steravnosky. Bumaling ito sa kampo nina Kai at inawat ito mula sa pananakal kay Sean. "Sabihin niyo ng maayos: ano ang nangyari kung bakit nagkaganyan kayo?"

"Iyan," sumbong ni Kai na dinuro muli si Hapi. "'Yang lampang Inglesor na 'yan--pinuntahan niya kami sa kakahuyan at pinagsasalitaan ng kung ano-ano! Ininsulto niya kami kaya nilapitan namin siya para--para--"

Bugbugin sana siya, dugtong ni Verdandi sa isip niya.

"Para kausapin siya kung bakit niya pinagsasabi 'yon, Professor!" sabi ni Kai. Sinungaling. "Pero imbes na tumigil siya, nagpasabog pa siya! At kinontrol niya ang mga fairies para guluhin kami! Kaya nagkaganito kami, Professor! Kasalanan ng taong 'yan!"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now