[29] Awakening

5K 263 58
                                    

Hello! Maraming salamat ulit sa mga nagbabasa pa nito hanggang sa ngayon...hehe. Masaya ako pero at the same time kinabahan sa mga comments last chapter. Sana nabigyan ko ng justice ang fight scene ni Verdandi laban kina Lamia haha... Votes and comments are highly appreciated pa rin po hehe...! Pasensya na rin kung medyo mahaba talaga. Sa taas nga pala, Ladies and Gentlemen, ang (un)OFFICAL themesong ng AAGG: CENTURIES by FALL OUT BOY, na ni-reserve ko talaga para sa chapter na ito. Let's cheer for iur gladiator, Verdandi! Thanks ulit at enjoy!

EPISODE 29
Awakening

Binati sina Verdandi at Lamia nang hiyawan at sigawan sa paligid ng arena. Sa pagtapak niya sa loob ng sementadong arena ay napatingala siya sa langit. Kahit mag-aalas tres na ng hapon ay kakaunti pa rin ang ulap na umaaligid sa araw, at ang masakit pa rin sa balat ang init na nagmumula rito. Mahigpit na hinawakan ni Verdandi ang mahabang object na nabunot niyang nakatago sa likuran niya.

"Hinihiling mo ba na sana umulan na lang para di matuloy ang laban?" ani Lamia Fray bigla. "Bakit, Verdandi, nanginginig ka, ah? Takot ka ba na ako ang makakalaban mo?"

Napatingin siya dito, at sumilay sa aristokrata nitong mukha ang isang nakakainsultong ngisi.

"Hindi," matigas niyang sabi at pinilit na pakalmahin ang nininerbyos na sarili. "First time ko pa lang, oo. Pero h-hindi ako natatakot sa'yo."

Tumawa naman si Lamia ng mahinhin. Plastik talaga, ani Verdandi na pilit tinago ang inis dito.

"Joker ka din pala, Verdandi. No wonder nagkasundo kayo nina Prince Starkomir at Sir Dayome. Kahit isa ka lang lowborn at lumaki sa mundo ng mga Morgor," ani Lamia na pinungay pa ang mga mata at pinalambot pa ang boses. Tumindi pa ang hiyawan at sigawan sa paligid kaya napatingin dito si Lamia. Ngumiti ito at kinawayan ang mga tao.

Tumindi naman ang sigawan ng, "La-dy Fray! La-dy Fray! Lady Fray!"

Verdandi just rolled her eyes.

Nang muling tumingin si Lamia sa kanya ay nagsalita ito. "Ayoko mang magmukhang pasikat, pero hindi ko naman sila mapigilan kung mag-cheer sila para sa akin. Ayokong maging masama ang tingin nila sa akin." Biglang tumigas ang malambing na boses nito. "Pero alam mo, hindi silang lahat sumusuporta sa'kin. 'Yung iba, nakatingin sa'yo. Alam mo ba kung bakit?"

Hindi siya tuminag at mahigpit lang na hinawakan ang kanyang object. Alam niyang iniinis lang siya ni Lamia, at nililinlang sa mga salita nito. May hinala siyang aatake ito anumang oras na hindi niya inaasahan, at kailangan niyang maging alerto. Nakikita niya kung gaano kahigpit ang pagkakahawak nito sa sinturon na weapon nito, at alam niyang nanggigil na si Lamia na ipalo 'yon sa kanya.

Pero naisip din ni Verdandi na hindi magandang galitin ng sobra si Lamia. She decided she needs to be safe first, before thinking of a way to defeat her opponent.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now