[3] The Escape

7.2K 383 244
                                    

Hindi madaling sumuko si Verdandi. Ilang beses naman niyang sinubukang kausapin ang Nanay niya tungkol sa scholarship. Wala naman kasi talagang problema sa Tatay niya eh: kung papayag ang Nanay niya, at masisiguro nitong magiging maayos lang siya doon, ay papayag din ito.

Kaya nga lang, ngayon ay parang ito pa ang ugat ng problema ni Verdandi.

Tinatayming naman ni Verdandi na tanungin ang Nanay niya kapag good mood ito eh. Good mood = kung nananalo ito sa sugal. Or may gala ito. Kaya lang kahit na good mood ito ay mukhang irrevocable pa rin ang will nito. Grumaduate na lang sila ni Yona at lahat-lahat, pero di pa rin niya ito makausap ng matino.

Nang huli niya itong kinausap tungkol dito ay nasampal na naman siya nito at muntikan pa daw itong atakihin sa puso. At kinaumagahan? Itsinismis na naman nito sa buong baranggay nila ang katigasan ng ulo niya. Ang sabi naman ng mga kapitbahay? Wala na naman daw siyang kwentang anak, walang modo at dapat lang palayasin.

Pero kung lalayas siya, saan naman siya pupunta? Di naman siya makakapasok sa Arts Academy of Gaia Gettysburg as a scholar kung walang pormal na consent mula sa mga magulang niya. Kailangan lang niya ang pirma ng mga ito sa contract at consent slip. And this was something her mother would never give.

At sa kasamaang palad pa? Ilang linggo pagkatapos ng graduation nila, pormal silang binisita ng taga-Academy para kumpirmahin ang full scholarship niya sa AAGG International Scholarship Program. Siyempre sa simula pinapasok naman ang mga ito (kabilang na si Mr. Henry Fleur-Lancaster at ang principal nilang si Mr. Ariel Jay Arida) ng nanay niya at kinausap. Kaya lang sa huli ay di pa rin pumayag ang nanay niya.

"Ah, sa tingin ko naman hindi na kailangan ng aming si Verdandi ang iskalar-iskalarship na 'yan." Sabi naman ng Nanay niyang may matabang na ngisi. "Magtatrabaho na muna ho 'yan sa Kapitana namin at siya na po ang magpapaaral diyan. Pero di na yan magkokolehiyo, dagdag gastos pa eh. Para balang araw din ay makapag-abrod din sya at matulungan niya kami sa hirap."

Ramdam naman niya ang simpatya sa kaniya nila, lalo na si Mr. Arida, at ginamit pa nito ang lahat ng persuasive powers nito para lang makumbinsi ang Nanay niya. He gave all the sweet talks he could give, only to be berated by her mother. Na, sa AAGG ay magiging mas maganda ang kinabukasan ng anak nila. Na, sa AAGG ay malaki ang tsansa na makakuha siya ng mas magandang trabaho sa hinaharap. Na, wala naman silang gagastahin dahil sagot naman ng AAGG ang lahat. It's a win-win situation, ika pa nito. Kaya lang:

"Ano ho ba kayo, Ser Prinsepal?" Patiling sabi nito. Nakangiti ito, pero mas tamang sabihing nakatiim-bagang na sa pagpipigil. "Mawalang-galang na po pero wag niyo pong kwestyunin ang pagpapalaki ko sa anak ko. Dahil bilang magulang niya mas alam ko ho higit kanino kung anong makakabuti sa anak ko."

Sa sinabing iyon ng Nanay niya ay wala na talagang nagawa sila Mr. Fleur-Lancaster at Mr. Arida kundi mamaalam na lang. Lumung-lumo si Verdandi na nakatingin sa kanila habang papalabas sila ng bahay at gate nila. Hinatid naman sila ng Tatay niya sa labas--at sa huling pagkakataon ay hiniling niya sa langit na sana, sana itakas siya ng mga ito mula sa bahay nila.

Pero wala eh. Umalis din sila.

Sa sama naman ng loob ni Verdandi ay halos magkulong siya aa loob ng kwarto pagkatapos ng nangyari. Nakita niya pa ang matagumpay na pagngiti ng Nanay niya na wala man silang nagawa kundi sumunod sa layaw nito. Nagkulong siya sa loob, hanngang sa namalayan na lang niyang kinandado na pala ng Nanay niya ang pinto ng kuwarto niya. Ilang linggo din siyang nakakulog lang sa bahay at hinahatid-hatiran lang ng pagkain ni Kent. Minsan, sinasamahan din siya ng kapatid sa loob ng kwarto nila. At napapagalitan pa nga ito ng Nanay nila dahil do'n.

Kahit kelan talaga, ang nanay niya.

Buti naman at dumating ang araw na nakalabas din sya sa kwarto nya. Pero simula noon ay di na nila pinag-usapan ang tungkol sa scholarship nyang pinalipad lang ng nanay nya sa hangin.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now