[33.1] The Cursed Play Part 1

5.1K 226 6
                                    

EPISODE 33.1
The Cursed Play

Mabilis na kumalat ang balita ng pagkakadiskubre ng katawan ni Enrico Romagna sa buong Academy. Kasabay naman ng pagsabog ng balitang iyon ay ang paglaganap ng matinding takot sa lahat ng mga estudyante. May ibang nag-panic pa at sunod-sunod na nagpadala ang mga takot na estudyante ng mga sulat sa kanilang mga magulang. Mas lalo pang tumindi ang takot nang, kinabukasan agad niyon ay nakita na din ang katawan ng isa pang lalaking third year na nawala noong Opening Ceremony. Doon ito natagpuan sa Bordering Woods, malapit sa Forbidden Tower.

May mga mag-aaral na gustong umuwi. May mga magulang din--lalo na iyong mga mula sa nakakaangat na pamilya--ang muntikan nang patigilin ang kanilang mga anak sa pag-aaral pansamantala. Lahat sila natakot sa posibilidad na baka may sapitin din nila ang sinapit ng dalawang kawawang estudyante.

Humantong din sa punto na maging ang mga magulang ng mga mahaharlika nilang schoolmates ay dumating na rin para humingi ng ekspalanasyon sa mga nangyayari sa Academy. Kabilang na ang amang-hari ni Kaizer King-Croix. Sandali lang ito sa eskwelahan at di nila ito nakita, ngunit narinig ni Verdandi na dumiretso daw ito sa opisina ni Alderheid. Ilang araw din matapos niyon ay nakita ni Verdandi ang isang nakakalbong lalaki na sumama kay Osiris Grimmcaster papunta sa administration's building. Akala nga niya ay lolo o ama ito ni Grimmcaster, pero nang yumukod ito sa binata bilang paggalang ay napagtanto din naman niyang imposible ang naiisip niya.

Pinakamahalaga marahil sa kanila si Lord Thebaid Romagna at Lady Jocastine Romagna, ang tiyuhin at ina ni Enrico Romagna, respectively.

Akala ni Verdandi noong una ay baka siya ang masisi sa nangyari, lalo pa't siya ang unang nakakita kay Enrico. Nilapitan nga siya ng ina nitong namugto na ang luha sa kakaiyak. Paulit-ulit siya nitong tinanong kung may napansin ba daw siyang kakaiba noong hapong iyon. Kung may alam ba daw siya sa nangyari sa anak.

Naawa man si Verdandi dito ay wala naman siyang magawa. Buti na lang ay nagawa itong mapaliwanagan ng kapatid na si Lord Thebaid, at humingi pa sa kanya ng dispensa ang maharlikang lalaki. Na ikinagulat naman niya dahil di niya inasahang mabait naman pala ang ama ni Marcus at Bridgit.

Ngunit kung gaano kabuti ang ama nila, ay mukhang hindi naman ganoon ang tingin nina Marcus at Bridgit. Nahuhuli niya pa rin ang masasama at nang-aakusang tingin ni Bridgit sa kanya. Na para bang pinaghihinalaan siya nito, dahil lang sa siya ang nakatagpo ng katawan ni Enrico.

Buti na lang at naagapan ng mga professors ang pangyayari.

Mas lalo namang humigpit ang seguridad sa Academy. Walang estudyanteng pwedeng maglakad sa corridors o sa iba pang premises ng mag-isa. Dapat may kasama silang isa pa palagi. Marami namang haka-haka ang kumalat sa mga estudyante tungkol sa kung ano kaya ang nangyari sa dalawa.

Ngunit ang pinakanaging usap-usapan ng mga tao ay ang nakasulat doon sa parchment na iniwan sa uniporme ni Enrico.

"Dese Gretā Du," bulong ni Verdandi sa sarili habang nasa dorms sila. Nang masabi niya 'yon ay natahimik ang iba pa niyang mga kasama. "Ano ba talagang ibig sabihin niyon? Ano 'yun?"

Halos walang umimik. Ramdam naman ni Verdandinang tensyon sa ere at naisip niyang sa namanpala di na lang niya natanong 'yon.

Ngunit mula sa kinakagat nitong chocolate bar, nagsalita si Azrielle. "Masama ang ibig sabihin niyon."

"Curse word, ganoon? Mura?"

"Oo. Actually, may mga panahon noon na b-in-an ang swear word na 'yan dahil matindi talaga ang epekto noon," tahimik na sabi ni Azrielle. "Ang literal na meaning niyon ay 'regrets be upon you, or minsan death and misfortune be upon you'."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now