[11] Professor Alderheid's Decision

5.6K 286 54
                                    

EPISODE 11
Professor Alderheid's Decision

"Magandang gabi, Professor Alderheid," ani Stervanosky na nakasimangot. "Hindi ko akalain na nandito ka pala sa barko. Hindi kita nahanap."

Nasa kwarto pa rin sila ni Steravnosky--actually, isang kwartong mukhang opisina. Ewan, VIP room ata eto. Nakatingin lang si Verdandi sa bagong dating at maya't-maya silang nagkakatinginan nina Sean at Dardy. Hindi naman maitago ni Sean ang ngiti nito. Samantalang si Dardy, acting pa rin na parang inosente.

Sa sinabi ni Steravnosky ay napatawa naman ang tinatawag nilang si Alderheid.

"Ah, bumisita lang ako sa isang kaibigan na nasa malayo kaya ako umalis ng Atlantis. Itinaon ko lang na ngayon bumalik at sumabay na lang din dito." Tiningnan naman ni Alderheid sina Kai, Sebastien at Marcus. "At mukhang hindi lang ako ang kagagaling sa bakasyon. Kumusta mga bata?"

Si Sebastien naman ang sumagot para sa kanila. "Ayos naman, Professor. Galing lang po kami sa tiyuhin ko na nasa Mediterranean kasi pinabakasyon po kami do'n ni Ama. Sabi pa nga po ni Tiyong na hello po daw sa inyo, haha."

Magiliw namang tumango si Alderheid. "Ah, si Leonidas. Naalala ko pa ang tiyuhin mo. Sana ay nasa maayos siyang kalagayan."

Sasagot pa sana si Sebastien nang tumikhim si Stervanosky. "Sorry for interrupting your little chat, pero maaari ko po bang malaman kung anong importanteng dahilan ng pagparito ninyo, Professor?"

"Ah, patawarin mo sana ako Ivanov at nadala lamang sa kadaldalan," anito sa kalmadong boses. "Kanina ay nakasalubong ko si Azrielle at mula sa kanya ay nakarating sa'kin na nagkaproblema raw sina Harry Phillip at Verdandi sa kanilang mga seal pins. Alam mo namang hindi sila makakapasok ng Academy kung wala iyon. Tama ba?"

Sila naman ni Hapi ang tiningnan nito. May kakaiba sa kulay abong mata nitong nakangiti.

"O-opo." Sabi naman nila ni Hapi.

"Kanina ay sinabi na rin Alyanna Starkomir sa akin ang tungkol sa problema, ngunit kailangan kong makita sila ng personal." ani Professor Alderheid.

"Magandang gabi nga pala, Professor Steravnosky," ani Azrielle naman na kanina pa tahimik.

"Too late for the greeting, Morrigan." Stervanosky snapped. "Kanina ka pa nandito. Umupo ka."

"Awp, sabi ko na nga eh," bulong naman ni Azrielle na napakamot sa ulo, ngunit umupo din. "Pasensya naman. Sige po."

"Nabalitaan ko na rin ang nangyari sa Great Hall mula sa mga opisyales ng barko. Kaya andito kami ngayon para tulungan ang dalawang batang ito," ani Professor Alderheid. "Sana hindi kami nakakagulo sa'yo?"

"Hindi naman, katatapos ko lang din sila bigyan ng karampatang parusa," ani Steravnosky. Pero kita din naman sa itsura nito ang pagkainis. "You know that we cannot just let this go slightly, lalo na't ang mga
sangkot at naturingan pa namang mga top students noong secondary school. They need to pose as good examples to other students, right Professor?"

"Of course, Professor." ani Alderheid.

"Sige, makakauwi na kayo. Pero sa oras na hindi kayo sumipot sa itinakdang detention ninyo, dadagdagan ko ang kaparusahan ninyo." sabi ni Steravnosky.

Nagtayuan naman silang lahat, at inunat pa ni Sean ang kamay niya. Kinalagan naman ito ang posas ni Osiris at ang lubid na nakatali kay Kai.

"Sige, magandang gabi ulit Professor Alderheid. Salamat sa pag-intindi," Pahabol nito. "And students. Wag kayong magkakamaling gumawa na naman ng kalokohan. Remember my eyes are on you."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon