[61] The Archivium

2.5K 119 121
                                    

EPISODE 61
The Archivium

Pinihit pang lalo ni Verdandi ang manibela. Maya-maya pa'y nakita na ni Verdandi ang pamilyar na gate na may mukha ni Janus. Mukhang natutulog ito. Sa labas naman at sa loob ng gate ng Academy ay nakapwesto ang mga gwardyang nagbabantay. Walang ni isa sa kanila ang nakapansin ng pagdaan ng isang sasakyan sa kanilang ibabaw. Ang tangi lang nilang napansin ay ang panandaliang paglakas ng hangin, at wala na.

"Sundan natin ang kalsadang 'yan," ani Rummstein naman kay Verdandi. May inilabas itong papel mula sa loob ng coat nito. "Papunta to sa highway, at kapag nakarating na tayo doon, madali na lang ang pagpunta sa Minora City.

"Roger," sabi naman ni Verdandi. Iniliko niya ang minamanehong flying tricycle para masundan nila ang kalsada.

"Bilisan mo, Verdandi. M-mawawala na ang bisa ng spell na nilagay ko," ani Osiris naman sa likod nila.

Tumango naman siya at hinanap ang button na mas magpapabilis ng kanilang takbo. Nakita naman niya ang buttong may nakasulat na BOOSTER at pinindot 'yon. Bigla namang bumilis ng tatlong beses ang paglipad ng tricycle. Nagulat naman si Verdandi. Napahawak naman ng mahigpit si Hapi sa kahit anong mahawakan nito, pati na sina Rummstein at Osiris.

"Masyado kang mabilis, Verdandi!" sigaw naman ni Rummstein. Nawala na rin ang pagiging invisible nila sa ere.

"Ewan ko! Aaaaahhh!" Napatili siya nang makita kung anong nasa harapan nila. Isang malaking puno ang humaharang sa dinadaanan nila! Taranta naman niyang hinanap ang lever na sinasabi ni Hapi na siyang mas magpapataas ng lipad nila. Hinila niya 'yon.

Tumaas naman ang lipad nila ngunit di naman inakala ni Verdandi na hindi rin 'yon titigil sa pagtaas. Muli naman niyang hinila pababa ang lever kaya bumaba rin ang paglipad nila. Halos lumapag na sila sa mismong kalsada. Taranta naman niyang binitawan ang lever. Mas lalong tumindi ang kaba at pagsigaw niya nang umalog ang sasakyan kaya sinita na lang siya ni Osiris.

"Ang ingay mo! Mapapansin tayo ng mga tao!" anito.

Inis naman niyang binalingan ito. "Ikaw kaya ang magdrive dito, huh?"

"Verdandi, sa harap mo!"

Napalingon naman ulit si Verdandi sa harapan. Nagulat siya nang makita ang paparating na truck. Bumubusina ito sa kanila. Agad naman niyang iniwas ang sasakyan nila sa pamamagitan ng pagliko ng manibela. Laking tuwa naman niya nang magawa nilang iwasan ang truck.

"Tingnan mo nangyari diyan sa kakasigaw mo," sita ulit ni Osiris sa kanya.

"Alam mo, ikaw, ang dami mong sinasabi! Hindi ako sanay magdrive ng lumilipad na bagay, hello!" sagot naman niya.

"Mamaya na kayo magtalo, pwede ba!" ani Rummstein naman. "Kumalma kayo, o pipilitin ko kayong kumalma."

Hinila naman ni Verdandi pataas ang lever, ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na umaakyat ang sasakyan. Nananatili lang itong nakalipad isang talampakan ang layo mula sa lupa.

"Hapi, anong nangyayari dito?" ani Verdandi. Kahit anong pagpihit niya sa lever ay hindi na ito gumagana.

"First time pa kasing gamitin ang Wind Riser 137, kaya may mga kulang-kulang pa talaga," ani Hapi sa mababang boses. "Pasensya na talaga."

Hindi na nasagot ni Verdandi si Hapi dahil may paparating uling kotse. Para maiwasan ito ay iniliko na naman niya ang kanilang tricycle.

"Pwede ba nating ilapag na lang ang tricycle at patakbuhin 'to sa kalsada?" tanong naman niya.

"Pwede naman. Pindutin mo lang 'yung red button," ani Hapi naman.

"O-okay," sagot naman niya at pinindot nga ang red button. Maya-maya pa'y mas lalo silang bumaba sa kalsada hanggang sa sumayad na sila sa lupa. Umatras naman ang dalawang malaking pakpak ng tricycle hanggang sa tuluyan na itong natago sa loob at nagmistula na lang itong normal na sasakyang panlupa. Pinihit naman ni Verdandi ang manibela at mas binilisan ang pagpapatakbo nila.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now