[27] Athenei

4.3K 218 13
                                    

EPISODE 27
Athenei

Madaling isipin, pero mahirap gawin. Ito ang agad ding tumatak sa isip ni Verdandi nang mapagtanto ang kaisa-isang paraan para matalo ang kalaban niya. Pero paano niya nga ba magagawang maisahan ang kalaban niyang may special ability kung, halimbawa, payong lang din ang gamit niya?

"'Wag na 'wag mong iisipin na mas mahina ang mga Morgors kaysa sa mga Vascillux," ani Azrielle pa. Tumango naman siya kahit di nakatingin dito. "'Nga pala, ogress's milk shake, Verdandi, gusto mo? Pawis na pawis ka na ah."

Tinanggap naman niya ang tall glass na inabot nito. May waitress palang mula sa kitchens na naglalako ng libreng milk shake para sa mga estudyante. Mabilis naman niyang hinigop ang ma-krema't masarap na milk shake niya, at di na lang tinanong anong ibig sabihin ng "ogre's milk".

Bumalik naman si Dardy sa upuan nila at nagpatuloy ang labanan. Sunod-sunod na ipanares naman ang mga estudyante sa kanilang mga ka-match. Isa-isa ding tinawag ang mga kaklase niya.

Nang si Sean na ang lumaban ay nakatunggali nito ang kaklase nilang si Ghost Girl. Doon nila napagtantong halos magkapareho pala ang abilities ng dalawa. Ang kaibahan nga lang ay may kakayahan palang magsummon ng mga kaluluwa at ispirito ang kalaban nito, habang si Sean naman ay purong illusionist talaga.

Nagtapos naman ang laban na iyon na nanginginig sa takot ang kalahati ng mga estudyante, kabilang na si Verdandi. Pati sila ay naaapektuhan sa katakot-takot na labanan ng dalawang ito. Tabla naman ang naging resulta.

Nagpatuloy ang mga duels, hanggang sa nagsalita si Sen na kinatahimik ng lahat.

"Kaizer Kyrios King-Croix ng Class I-137, bumaba ka na dito," tawag naman ni Sen.

Tumayo si Kai. Lahat naman ng mga mata ay sinundan ito habang papababa ito ng stadium. Sa pakiwari ni Verdandi ay lahat nag-aabang at nag-aalala sa kung anong gagawin ng vascillux ni Zeus.

Walang imik na pumunta si Kai sa gitna ng stadium. Muling nagsalita si Sen sa klarong-klarong microphone.

"Tukad ng nakaugalian, ang mga Top Honors ay hindi sasali sa duels at sa halip ay magkakaroon sila ng kakaibang pagsusulit," ani Sen na ngumiti ng makahulugan. "Ngunit kagaya ng iba pa ay bubunot din sila ng object na kailangan nilang gamitin sa pakikipaglaban."

Sa gilid ni Kai ay naroon ang isang pulang box kung saan nakapaloob ang mga objects. Tinuro ng propesor ang tatlong nakasarang higanteng pinto sa likod nito.

"Sa loob ng mga pintong ito ay  may mga nakatagong iba-ibang uri ng kalaban. Kung ano mang pintong mapipili ay iyong bagay na iyon ang kakalabanin ng kalahok. Kailangan mong matalo ito sa loob ng tatlong minuto," ani Sen. "Handa ka na, Lord King-Croix? Pumili ka na ng pinto."

Mayabang namang ngumisi si Kai at pinakislap ang dalawang kamay. Bolta-boltahe ng kuryente ang lumabas mula rito. "Kahit alin diyan. Wala naman akong pakialam."

Tumango naman si Sen. "O sige. Pero bumunot ka na muna."

Bumunot naman si Kai mula sa kahon. Nang nilabas nito ang kamay na puno ng piercings, ay hawak nito ang isang mahabang patpat na gawa sa bakal.

"Oooh, good choice King-Croix," aliw na sabi ni Sen. Lumapit ito sa unang higanteng pinto. "Isang uri ng conductor. On a count of three, bubuksan ko ito at magsisimula na ang oras mo. One, two--three!"

Binuksan nga ni Sen ang pinto. Noong una ay madilim pa sa loob at walang gumagalaw. Ngunit maya-maya pa'y mula roon ay may lumabas na isang higanteng nilalang. Isa lalaking twelve-foot ang taas, may mabuhok at maduming katawan at may plato sa laking mata sa gitna ng ulo nito.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon