[66] The Secret of the Coin

3.1K 143 90
                                    

EPISODE 66
The Secret of the Coin

"A-azri?"

Napalinga-linga si Verdandi sa kanyang kinatutuyan. Wala na si Azrielle. Ni anino nito ay di niya mahagilap kung saan. Wala rin ito sa bleachers. Nakasara pa rin ang pinto ng training hall.

"Nasaan ka?" sigaw niya. "Azri! Anong nangyari sa'yo?"

"Verdandi, nandito ako."

Kahit gusto niyang makita ito ay nabigla pa rin siya nang marinig ang boses nito. Umikot siya ng umikot para hanapin ito. Ngunit di talaga niya ito mahanap kahit saan.

"Saan?" sigaw niya. Pakiramdam niya ang lapit lang nito ngunit kahit anong paikot-ikot ang gawin niya, wala pa ring ibang tao sa paligid. "Di kita makita."

"Nasa loob mo ako, Verdandi."

Noong una ay di pa maproseso ni Verdandi ang impormasyon. Nanlabi siya at napaisip. Saka napasinghap ng malakas.

"N-nasa loob kita? Saang parte?" aniya.

"Hindi ko alam. Mukhang kwarto itong nilalakaran ko, pero nakikita ko ang labas. Nakikita ko kung anong tinitignan mo," anito.

"K-kung ganoon, parang nasa isipan kita?" tanong niya.

"Hindi ko alam pero--Verdandi," marahang sabi nito. "Nandyan ba sa labas ang damit ko?"

Luminga-linga naman siya at tiningnan ang puting sahig. "W-wala. Ba't mo natanong?"

"Wala akong damit dito."

"Lahat?"

"Lahat."

Natawa naman si Verdandi sa sinabi nito. Ngunit di niya nakita ang pagkunot ng noo ni Azrielle at ang pagbusangot ng mukha nito. "Hindi nakakatawa, Verdandi."

Pinigilan naman niyang matawa pang lalo. Naiimagine na niya ang itsura ni Azrielle na nakatayo sa isang lugar na walang saplot mula ulo hanggang paa. At niyayakap nito ang sarili.

"May nararamdaman ka bang kakaiba?" usisa ni Azrielle sa kanya maya-maya. "Subukan mong magpalabas ng kahit na ano."

Inilabas naman ni Verdandi ang mga kamay. Sinara at binuka niya iyon saka ikinuyom. Nagtagis ang bagang niya at pinilit na may ipalabas roon.

Napabuga naman siya ng hangin.

"Wala naman, Azri eh. Mauutot na lang ako dito, pero wala pa ring lumalabas," ani Verdandi.

"Ah tama. Paano mo pala mapalalabas kung hindi mo alam kung paano maging isang Athenei?" ani Azrielle. "Okay. Ganito ang gawin mo. Sabihin mo: Armoria Strategos."

"A-armoria Strategos," ulit naman niya. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala pa ring nangyayari.

"Isipin mo na magpapalit ka ng armor," ani Azrielle. Napakunot-noo naman si Verdandi at gusto sanang itanong kung anong armor ang iisipin niya ngunit muling nagsalita si Azrielle. "Focus, Verdandi. Ituon mo sa isang bagay ang atensyon mo."

Kahit di siya nito nakikita ay tumango siya. Inatras niya ang isang paa at ikinuyom ang dalawang kamao. Saka ipinikit ang mga mata.

"Armoria Strategos."

Kasasabi pa lang niya nang biglang may bumalot na ilaw sa kanya. Humangin ng kaunti na parang may munting ipo-ipo sa paligid niya. Tiningnan niya ang sarili at nagbago ang kasuotan niya: nagkaroon siya ng silver bracelet at armor. Bumalot naman sa ulunan niya ang isang maganda at golden na helmet. Isang ginintuang shield naman ang lumitaw sa kanyang kaliwang kamay. At isa namang spear na may pulang hawakan sa kanan.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora