[81] The Academy's Last Frontier of Hope

1.9K 111 40
                                    

Hi guys! Maraming salamat sa pagbabasa at sa mga comments niyo last episode, pati na rin sa mga messages niyo hahahahahahaha... Dahil anniversary week ng Atlantis Academy ngayon, expect updates every other day. Sana abangan niyo hanggang sa dulo! Natutuwa talaga akong basahin ang mga theories niyo,especially kay Verdandi, pati na rin kay Kai at mga comments niyo din about kina Osiris. Video sa taas pang soundtrack sa chapter na ito. Thanks ulit and hope you enjoy!

EPISODE 81
The Academy's Last Frontier of Hope

Kahit labag sa kalooban ni Verdandi dahil nag-aalala siya na baka mapaano ang mga ito, ay pinayagan na lang niya sina Caramel at ang baby dragon niya na lumabas. Kailangan na nilang ilipat ang dimensional bag papunta sa isang mas ligtas na lugar. Kaya lang hindi pwedeng lumabas ang kahit sino sa kanila kaya sa dalawang ito na lang nila ipinagkatiwala ang trabahong 'yon.

Panay ang sulyap ni Verdandi sa clairvoyance prism. Nakikita nila doon sina Caramel ang baby dragon niya. Kagat-kagat ang strap ng bag ay matyagang hinihila ng dalawa ang bag papunta sa lugar na tinuro ni Azrielle.

May isang maliit na kumpol ng mga shrubs at trees kung saan pwede nilang matago ang bag. Hindi 'yon basta-basta makikita ng mga zombie guards o spirit serpents, lalo pa't wala namang kakaiba sa lugar na 'yon.

Medyo may kalayuan ang lugar kaya mula kanina ay hindi pa rin nakakaabot si Caramel at ang baby dragon niya doon. Kita nga niyang panay ata ang pagtatalo ng mga ito. Gusto yatang lumipad ng baby dragon niya para mapadali ang trabaho nila pero iniinsist ni Caramel na hilahin at itulak lang nila ang bag.

"Manang-mana sa mga amo nila."

Napalingon naman si Verdandi sa nagsasalita. Lumapit si Professor Ravisolli sa kinauupuan niyang sofa. May dala-dala itong tasa ng tsaa.

Kasalukuyan silang nasa sala ng silid ng dimensional bag. Nakapalibot sila sa central table. Sa isang tabi nag-uusap sina Azrielle at Professor Ruvia habang tinitingnan ang mga gamit nila roon na nakalatag. Hinatid nila kanina si Professor Steravnosky sa kwarto para makapagpahinga at makapagpagaling na rin. Ginamot nina Verdandi at Azrielle ang lahat ng bagong dating pati ang propesor. Si Lamia naman ay nasa sulok ng kitchen at inis na kinakalikot ang kuko nito. Nasa isang bahagi din ng silid sina Rummstein, Dardy, at Osiris na nag-uusap-usap din, at pare-parehong may bandages ang mga ito sa braso at kamay.

Nang lumapit si Ravisolli sa kinaroroonan ni Verdandi ay napasulyap si Osiris sa kanilang dalawa. Pero nang tingnan naman niya ito ay iniwas lang nito ang tingin. Kaya naman di na lang siya nagsalita.

"Ah--ganyan talaga sila. Pero magkasundong-magkasundo sila kahit minsan nagtatalo sila at nag-aagawan ng pagkain," ani Verdandi naman kay Ravisolli. Ngumiti lang ulit ito. Wala pa ring kupas ang kagwapuhan nito.

"Kaya nga sabi ko, manang-mana sa inyo ni Azrielle ang mga alaga niyo," sagot naman nito. Mas lalo naman itong lumapit sa prism kaya halos magkadikit na sila. "Tingin mo malapit na silang makarating? Malapit na ring dumilim eh."

Saglit naman siyang nailang dahil kahit papaano ay minsan naman niya itong naging crush. "Ha? Ah--oo, tingin ko. Tsaka 'yan na yata ang shrubs na pagdadalhan nila ng bag," ani Verdandi naman.

Tumango lang ito saka sumandal sa sofa kaya naman nakadama siya ng ginhawa. Sa isang tabi ay naririnig naman niyang tumatawa si Professor Ruvia. May sinabi yatang nakakatawa si Dardy sa umpukan nila.

Ayan girlfriend niya, aniya sa isip. Kaya magtigil ka. Teacher mo pa rin siya at syempre wala ka nang feelings sa kanya, ano ka ba.

Napansin naman niyang nakatingin sa kanya si Ravisolli dahil iniiling-iling niya ang ulo at ngumingiti ng mag-isa. Tinawanan naman niya ito, saka nilayo ang mukha na nahihiya. Hindi lang kasi niya lubos maisip na dati nga pala siyang may malaking gusto dito.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon