[68] Hail to the King of Atlantis

3.1K 114 83
                                    

Hi guys! Happy New Year! Nag-update na ulit ako after so long. Sana may naghihintay pa. Pasensya na talaga busy lang nitong mga nakaraan. Sana andyan pa kayo. Flashback chapter ito, pero babalik din ulit si Verdandi, salamat!

EPISODE 68
Hail to the King of Atlantis

Several years ago...

"SUSHI! Bumaba ka riyan!"

Rinig na rinig ng batang babae ang maiingay na bulungan ng mga ka-schoolmates niya sa ibaba. Nakatayo ang isang payat na batang babae, may mahabang buhok, at full bangs na hindi pantay ang pagkakagupit. Morena ang kulay ng balat ng batang 'yon, at may katigasan ang kulay pilak na mga mata. Halata naman sa mukha ng mga ito ang antisipasyon sa gagawin niya. Hmp, aniya sa sarili, wala naman siyang pakialam kung anong isipin ng mga ito. O sabihin ng mga ito. Desidido na siya sa gagawin niya at walang makakapigil sa kanya.

"Sushi! Ano ba! Isusumbong ka namin kay Professor Cherrynoksy, lagot ka talaga!" bulyaw ng isa pang bata sa baba.

Mataas ang sikat ng araw. Napakaaliwalas ng kalangitan. Banayad din ang hampas ng alon sa dalampasigan na nasa ilang dipa lang mula sa toregng kinatatayuan niya. Katabi kasi ng toreng 'yon ay ang maliit na bangin. Sa baba ng banging 'yon ay ang karagatan ng Icaric. Sa harap naman niya, mga dalawampung metro ang layo, ay isang lumang lighthouse. At sa pagitan ng toreng kinatatayuan niya at ng lighthouse na 'yon ay isang creek na may kalalilaman din.

At sa gitna ng tore at ng lighthouse, sa ibabaw ng creek, ay isang mahabang kable.

"Chuchi," singit naman ng isa pang bata. Kahit di niya ito tingnan ay alam niyang ang huling tumawag sa kanya ay ang nakakaasar na matabang bata na may makapal at kulot na pulang buhok na minsan paiba-iba ang ugali. Pero madalas, lampang iyakin ang batang iyon. Sa boses pa lang nito alam niya na naiiyak na ito.

Ano namang iniiyak-iyak niya? aniya sa sarili na naiinis dito. Pero mas lalo siyang naiinis sa sarili dahil nababagabag siya at siya na naman ang dahilan kung bakit ito iiyak. Eh hindi naman ito ang papaluin ni Cherrynoksy at papaluhurin sa asin eh. Tanga talaga.

"Sushi, ano ba! Aakyat ako diyan mismo, at hihilahin kita pababa!

Gusto niyang gayahin ang sinabi ng bata ng malakas para asarin ito. Eh asa namang makakakyat 'yan dito. Tinapunan niya ng masamang tingin ang batang nagsabi niyon. Nagkasalubong ang tingin nila nang nangangalit na batang pandak at parang sa pating ang istilo ng buhok nito. Umismid siya na para bang sinasabi dito, eh asa namang magagawa  mo 'yun? Sa liit mong 'yan di ka nga nakakaakyat ng bleachers eh.

"HOY!"

Mas lalo lang itong napikon, at pakunwaring pinuntahan ang entrada ng sirang tore. Tiningnan nito ang kabuuan ng tore. Walang hagdan. Walang tali, o kahit baging. Kaya kailangan talagang akyatin gamit ang mga kamay at paa. Masyado pang matarik ang tore, at kapag natatapakan ay madaling nabibiak ang antigong bato na bumubuo dito.

Napapalatak ang pandak na bata at napaatras. Saka tumingala sa kanya. Mas lalong lumapad ang ngiti niya, na nagpipigil na talaga matawa ng malakas sa itsura nito ngayon.

Mainis ka, bantot, aniya sa isip.

"Bumaba ka nga dito!" anito pa rin sa kanya. "Kung hindi lang kami pagagalitan ni Professor Alderheid eh, di ka na talaga namin pupuntahan eh."

Napantig naman ang tainga ng batang babae. Nawala ang ngiti niya at napaismid. 'Yon naman talaga eh.

Tiningnan niya ito ng masama. Itinaas niya ang parehong kamao at pinag-umpog 'yon ng dalawang beses. Napanganga ang pandak na batang lalaki na mas lalong namula sa inis. Sa mga taga-Minora City, at mukhang para talaga sa lahat ng vascillux, 'yon ang katumbas ng pagtaas ng gitnang daliri niya. Ewan niya ba, mas nauso sa mga vascillux na ito ang klase ng insultong 'yon.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ