[94] The Titan Lord Resurrected At Last

1.8K 97 49
                                    

Hi guys! Pasensya na kung na-delay ang update, medyo sinadya ko rin talaga kasi bukod sa medyo busy ako may mga bagay din kasi akong kailangan iconsider since patapos na. Last chapter na next update! Sana abangan niyo pa rin. Pagkatapos niyon epilogue na. Maraming salamat sa mga bagong readers, sa mga old readers na hanggang ngayon andyan pa rin at sa mga commenters! Nakakatuwa kayo. Medyo heavy ang mga final chapters natin pati ako nagdrama nito hahahahahaha... Video sa taas pang music background pwede niyo i-play. Thanks ulit at hope you enjoy!

EPISODE 94
The Titan Lord Resurrected At Last

Napapikit naman si Dardy na handa nang tanggapin ang katapusan niya. Hinintay niya ang pagbaon ng matatalim na kuko ng halimaw sa kalamnan niya. Subalit lumipas na lang ang ilang minuto ay walang nangyari.

Wala rin siyang naririnig. Pero may naamoy siyang mabaho--sobrang baho na halos ikinahimatay niya.

"Ack--ang baho--" sabi niya at otomatikong tinakpan ang ilong. Naghahahalo-halo ang klase ng amoy. Sa sobrang sama nito ay di na niya halos malarawan kung ano 'yon! Para bang amoy utot na apoy paa na para ding amoy ng bibig ni Hapi kung nakalimutan nitong magtoothbrush sa loob ng ilang araw! Naluluha ay umatras siya at gumapang sa gilid, handa nang masuka.

Narinig naman niya ang pag-atungal ng halimaw at inapuhap ang espada na nabitawan niya kanina. Subalit kakaiba ang pag-atungal nito. Hindi nangangalit--kundi parang naiiyak.

Saka naman niya narinig ang mga yabag nito na papaalis.

Di nga?! di makapaniwalang sabi niya na napatingin sa direksyon ng papaalis na Minotaur. Aalis ito? Aalis talaga ito? Seryoso?! Oh shit. Oh shit! Nakaligtas ako nang dahil sa utot! Tae!

Ngunit may narinig na naman siya na ibang mga yabag. Maliliit, subalit papunta ito sa kinaroroonan niya.

Itinaas niya ang espada at itinuon doon. Napatili naman ang nilalang na papalapit saka takot na napaatras. Naaninagan naman ni Dardy gamit ang ningas na nagmumula sa gamit niya kung ano ito.

Ang batang cyclops kanina.

Tiningnan naman siya nito at pinilig ang ulo. Mukha namang wala itong gagawing masama sa kanya kaya ibinaba niya nang konti ang espada para hindi ito natakot. Ngumiti naman ito at nagtangkang lumapit sa kanya--pero muli niyang itinaas ang espada nang muling umalingasaw ang baho.

"Ikaw!" asar na bulong niya dito. "Ikaw ang mabaho! Ang baho-baho mo!"

Para namang nasaktan ito sa sinabi niya at agad na nabuo ang butil-butil na luha sa malaki at nag-iisang mata nito.

"Joke lang--aaagh--" aniya at sumuka na talaga. Humikbi naman ito at sa kabila ng itsurang halimaw nito ay nacute-an siya dito kahit papaano. "Kahit na mabaho ka, nagpapasalamat pa rin ako sa pagligtas mo sa akin."

Tumigil naman ito sa pag-iyak at ngumit sa sinabi niya.

"Pero ang baho mo talaga," sabi ulit niya. "Bakit ba ang baho mo? Ah, tama wala palang shower dito--pero di bale paliliguan na lang kita."

Imbes na masaktan ito ay napasinghap ito at tumalon-talon sa tuwa. Saka naman na-realize ni Dardy anong sinabi niya.

"Ang ibig kong sabihin--maghahanap tayo ng tubig dito at doon kita papaliguan bilang bayad sa pagligtas mo," sabi naman niya. Tumigil ito sa pagtalon at umungol na parang nalungkot. Pero tumayo pa rin siya at tinalikuran ito. "Hindi--hindi--hindi naman kita pwede ilabas, alam mo 'yun?"

Nagsimula itong umiyak ulit.

"Hindi nga pwede--" sabi niya pero hindi niya nagawang ipagpatuloy dahil parang kinukurot ang dibdib niya.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now