[13] Welcome To Minora City

6.7K 284 56
                                    

Guys! Medyo magiging descriptive ako sa chapter na ito dahil gusto kong i-detalye sa inyo ang itsura ng Atlantis Minor City. For two reasons: gusto kong isama kayo (char) at ipakita sa inyo 'yung world ng Atlantis in the best way that I can. Hopefully magawa ko ito ng maayos. And two, I will be simultaneously dropping clues for the succeeding events. Thanks ulit sa pagbasa pa hanggang sa ngayon!

Sa itaas ay isang napakagandang komposisyon mula sa YouTuber na si Peter Crowley. Sa tingin ko lang naman babagay ito sa chapter na ito. *grins*

CHAPTER 13
Welcome To Minora City

Nanlaki ang mga mata ni Verdandi sa labis na pagkamangha sa tanawing sumalubong sa kanya.

"Whoa..." bulong niya sa sarili.

Sa harap ng barko kung saan silang lima naroroon ay nakikita na niya na papalapit na sila sa isang napakalaking isla, at hindi na nga abot ng mga mata ni Verdandi ang hangganan nito. Kahit saang dako siya mapatingin ay nakikita niya ang asul-berdeng silweta ng maburol na lupa sa malayo, habang sa likuran nito ay ang asul na asul na kalangitan at mala-bulak na mga ulap. Parang isang napakagandang larawan na nilikha ng isang henyong pintor.

Mukhang nasisilayan lang niya ang isang bahagi ng malawak na lupaing ito. Habang papalapit sila rito ay nakikinita na rin niya ang mga maliliit na barko at bangkang naglalayag sa malinaw at kalmadong karagatan--papunta, paalis at padaan sa isla. Dito rin ay mas dumami ang mga kakaibang sea creatures. At mga lumilipad na hayop na ngayon lang niya nakita.

"Ang ganda," bulong niya.

Ngunit ang talagang nakapagnakaw ng kanyang hininga, ay nang sa wakas ay ilang daang metro na lang ang layo nila mula sa pinakamalapit na bahagi ng lupa.

Sa magkabilang dulo ay bale kambal na tangway ng isla na animo'y dalawang kamay na yumayakap sa kanila bilang pagsalubong. Para itong labasan ng isang napakalapad na ilog, at may malaking katawan ng tubig na pinapagitnaan ng lupa.

Napagtanto naman ni Verdandi na baka ay papasok na sila sa isang gulpo, o isang look.

Nang dumadaan na sila sa gitna ng kipot na 'yon na nasa ilang daang metro din ang lapad, ay doon na nakita ni Verdandi ang matatayog na estrukturang nakatayo sa magkabilang gilid ng look.

Tumingala siya.

Dalawang napakataas na tore ang nakatayo na parang gwardya sa magkabilang bahagi ng lupa, at mukhang abot langit ang hangganan nito. Di na niya makita ang dulo ni dalawang tore sapagkat natatabunan na ito ng ulap at nasisilaw na rin siya sa sikat ng araw. Siyang pagtingin niya sa isang tore sa gilid ay siya ding pagdaan ng isang mala-dragong nilalang, at palibot itong lumipad sa isang estruktura.

"Ito ang Pillars of Hercules," eksplika ni Azrielle sa tabi niya. "Ang nagsisilbing gate ng Atlantis. Ang mismong entrada papasok ng port."

"Pillars of Hercules? Akala ko 'yan 'yung dating tawag sa Strait of Gibraltar na nasa dulo ng Mediterranean Sea?" aniya na medyo naguguluhan.

Ngunit nang ngumiti si Azrielle ay nagliwanag naman ang mukha niya. "Iba din 'yon."

"Pillars of Hercules, Atlantis. Narinig ko na 'yon dati ah!" aniya. "Ang--ang sabi ni Plato, matatagpuan mo daw ang Atlantis sa ibayo ng Pillars of Hercules. Alam ko 'yun kasi nasa literature na subject namin 'yon. Pero--pero--hindi ko alam na literal pala talagang nasa ibayo ng Pillars ang Atlantis."

Pero, ani Dandi sa isip, hindi ko rin alam na totoo rin pala ang Atlantis.

"Oo, at literal talaga. Tumingin ka ulit sa ilalim ng dagat," ani Azrielle. Iginiya siya nito sa pinakanguso ng barko at umupo sila doon.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now