[7] Bermuda Triangle!

7.6K 341 107
                                    

EPISODE 7
Bermuda Triangle!


"A-arayyy--"

Nagsidaingan naman ang dalawa habang sapo-sapo ng mga 'to ang ulo nilang binatukan ng malakas ni Azrielle. Hindi naman alam ni Verdandi kung saan nito napulot ang isang bakal na pamaypay na bigla na lang lumitaw iyon sa kamay nito.

At ang lalaki ng mga bukol nila. Juicecolored.

"Mga gunggong," Sermon ni Azrielle. Nasa loob na sila ng compartment, at nasa mini sala na may malaking bintana sa gilid. Nakaupo lang sila ni Hapi sa isang gilid at nanonood lang (pero natatawa talaga sila), samantalang sina Sean at Dardy ay nasa sofa. Si Azrielle nakatayo, at nayayamot talaga yata ito.

"Alam niyo, wala naman kasi talaga kaming pakelam kung ano na namang kalokohan ang ginawa niyo dun sa upper deck. Pero siguro, sa susunod lang matuto kayong mag-ingat para di kami madamay!" Anito. Tinuro nito ang labas. "Nakita niyo ba yung mesa?"

"Nakikita." Sagot naman ng mga 'to.

"Alam niyo ba na may mga laman 'yan kanina? Ngayon, may laman pa ba?"

Tumingin naman silang lahat sa labas. Tapos sumagot naman ang dalawa ng: "Wala na."

"YON! Kasi nung siniksik niyo yung mga bakulaw niyong katawan sa ilalim ng mesa, NATAPON lahat ng mga pagkain namin! At di pa kami nangangalahati sa kinakain namin!" Patuloy pa rin sa panenermon si Azrielle. Medyo na-shock pa si Verdandi nang malamang--pagkain pala ang ikinaasar ni Azrielle at hindi ang pagpaprank na naman ng dalawa sa taas. "Ngayon, anong balak niyong gawin?"

"Azrielle naman, chill lang." Sabi naman ni Sean, yung may orangish na buhok. "Bibili na lang ulit tayo ng pagkain. Hindi pa rin naman kami kumakain ni Dardy eh--"

"Maliban na lang sa mga treats napulot namin sa kusina ng VIP pantry." Dugtong naman Dardy, na may brownish na buhok. May earring ito sa kaliwang tenga. Whereas si Sean ay may earring sa kanang tenga. "Mag-oorder na lang kami, see?"

"May pera na pala kayo, huh?"

"Azrielle, naghanap naman kami ng pagkakakitaan noong bakasyon para may pagkakitaan kami. Di na ako binibigyan ng allowance ni my Dear Lord Father, so Dardy and I need to find a way ourselves." Si Sean. "See? Mayaman kami ngayon!"

"At nasaan ang pera niyo--nasa bag at maleta niyo?"

"Uh--ang iba. Pero siyempre, may iniwan naman kami sa mga bulsa namin. We're boy scouts, you know." Si Dardy. "May pinagtaguan naman kami ng mga bag namin at babalikan lang namin 'yon mamaya. Kaya Azrielle, you chill your hat. Mag-oorder na lang kami ng pagkain, okay?"

***

Agad namang umalis sina Sean at Dardy para umorder ng pagkain at kunin na rin ang mga gamit nila sa lugar na pinag-iwanan nila. Nangako din naman ang mga ito na babalik.


At maya-maya din nama'y may nag-doorbell na. Binuksan iyon ni Hapi at pumasok ulit yung butler kanina. Bumati ito sa kanila at niligpit ang mga plato at baso na ginamit nila kanina--pati na ang mga nasayang na pagkain na niligpit nila kanina. Tapos ay nilatag na nito ang pagkain nila sa mesa. Sa mga oras na 'yon, sa loob ng compartment na lang sila kakain. Baka may disgrasya na namang mangyayari pag sa labas sila kakain.

Yumuko ang butler at lumabas na ulit.
Dumating na din sila Sean at Dardy at nag-unahan pang pumasok sa compartment. Nagtawanan pa ang mga ito na dumiretso sa loob ng kwarto at namili na din ng kani-kanilang mga kama.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now