[84] The Heaviest Pact

1.9K 131 78
                                    

Hi guys! Pasensya na kung ngayon lang nakapag-update. Medyo naging busy lang nitong nakaraang linggo tsaka inayos ko ng konti ang takbo ng kwento kaya hindi ko na muna inilabas itong chapter. Pero eto na! Salamat sa mga naghihintay at nagbabasa pa rin, pati na sa mga comments at messages niyo. Video nga pala pang music background para sa fight scene diyan sa baba. Kung may mga tanong kayo lagay niyo lang diyan. Revelations will start next chapter. Fasten your seatbelts hahahahahahaha... Thanks ulit and hope you enjoy!

EPISODE 84
The Heaviest Pact

Nagpatuloy sa pagtakbo sa loob ng maze sina Verdandi. Hindi pa rin mawala sa isip niya si Dardy na naiwan at nakikipaglaban ng mag-isa sa isang maalamat na halimaw. Iniling niya ang ulo dahil alam niyang hindi siya pwedeng mawalan ng resolve sa mga oras na 'yon.

"Magiging okay lang siya," ani Azrielle. "Kilala mo 'yon. Sa oras na ma-assess niya na kahangalan ang sugurin ang isang kalaban nang hindi niya pa naiisip ang kahinaan nito, tatakbo 'yon at mag-iisip anong susunod na gagawin."

Tumango lang siya. Alam niyang siya ang kinakausap nito. Napatingin naman siya sa paligid at natuwa nang may nakikita na silang liwanag sa dulo ng passage na tinatakbuhan nila.

Nang makarating sila sa dulo ay nakita nilang isa 'yong malaki-laking silid. Sa gitna naman niyon ay isang malaking sulo na mayroong lumulutang na apoy sa ibabaw nito. At ang lahat ng sides ng kwartong 'yon ay puno ng pintong nakasara.

"Saan--tayo--dadaaan?" tanong ni Verdandi.

Natahimik naman sila sandali at inilibot ang tingin sa paligid.

Dahan-dahan namang lumapit si Verdandi sa sulo na nasa gitna ng kwarto, habang ang isa naman niyang kamay ay mahigpit na nakakapit sa mace.

Nang makalapit ay napansin niyang may kapiraso ng parchment ang nasa ilalim ng apoy. Ngunit hindi ito nasusunog. Itinaas naman niya ang kamay at susundutin sana ang apoy.

"Verdandi!" tawag ni Azrielle. "Hindi pa natin alam kung patibong 'yan."

Sandali naman niya itong nilingon. Ngunit parang may boses sa loob niya na nagsasabi na safe hawakan ang apoy. Ngunit tingin niya ay parang masyado yatang nakakatukso ang sinasabi nito.

Kinuha naman niya ang mace at itinapat 'yon sa apoy, at sa kung anong dahilan ay umatungal ang apoy, nagkaroon ito ng mukha na sumisigaw sa kanya, hanggang sa lumiit ito nang lumiit at tuluyan nang naglaho.

Tumakbo naman ang iba pa sa kinaroroonan niya.

"Anong nangyari doon?" tanong ni Azrielle. "Buti hindi ka nasaktan. Natalo mo ba 'yong apoy na mukha yatang guardian spirit?"

"H-hindi ko alam," ani Verdandi. "Itinapat ko lang naman 'tong mace at--mukha yatang natunaw ang isa sa mga bato na nakainlaid dito at pumatay doon sa apoy. Pasensya na, nasira ko ata."

"Hindi mo nasira. 'Yan ata ang function niyan," ani Rummstein. "Bakit ka may ganitong armas?"

"Binigay lang 'yan sa akin ni Azri," ani Verdandi. "Ano bang meron diyan?"

"Itong mace mo ay isang klase ng holy weapon. Itong mga jewels na nakainlaid dito--ang iba dito ay tinatawag na Seraphim's Tears. Rare gemstones ito na sa isang lugar lang matatagpuan," paliwanag ni Rummstein na sinuri ang mace niya. "Pero mabuti na rin meron ka nito. Actually may ganiyan din ang pine cone staff ko pati na ang dating weapon ni Syrius. Kaya nitong pumuksa ng kahit anong klaseng nilalang. Kaya lang sa oras na matunaw 'yung bato, hindi mo na ulit magagamit 'yon. Buti na lang 'tong sa'yo may iilan pang natitira. Gamitin mo kung kinakailangan na talaga."

Ngumiti naman ito sa kanya at isinauli sa kanya ang mace. Tinago naman niya ulit 'yon.

Nakita niya ulit ang kapiraso ng parchment na hindi man lang napaano sa apoy na nagbabantay dito. Kinuha niya 'yon. Saka sinubukang basahin.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now