[48] The Devil of Minora City

4.2K 173 41
                                    

EPISODE 48
The Devil of Minora City

Sandali namang hindi makagalaw si Verdandi sa kinaroroonan niya. Hindi siya makapaniwala na muntikan na siyang mapuruhan sa ginawa ni Azrielle ngayon-ngayon lang. Napalingon siya sa kanyang likuran at kitang-kita niya pa ang usok mula sa pagsabog na nangyari kanina.

Kung naabutan siya ng barahang tinapon nito at sa kanya sumabog iyon, ay baka kung ano nang nangyari sa kanya ngayon.

Muli niyang tiningnan si Azrielle na prente at mukhang bored na nakaupo sa bleachers. Hindi ito nakatingin sa kanya at bagkus ay nilalaro nito ang mga barahang nasa kamay nito. Napalunok siya at sinubukang ngumiti.

"Muntikan na ako dun, Azri ah," aniya naman na kinakabahan ng pa ng konti sa pagsasalita niya. "Alam mo namang hindi ako sanay sa mga ito, kaya pwede dahan-dahanin muna natin?"

"Dahan-dahanin?" ulit ni Azrielle sa walang ka-emo-emosyong boses. Sa tono at pananalita nito ngayon sa kanya ay parang di niya ito kilala. Mula sa barahang hinahawakan nito, ay lumipat ang malamig nitong tingin sa kanya. "Wala ka pa ngang ginagawa diyan eh. Normal lang ito sa mga training na ginagawa sa Academy, Fiametta."

Fiametta... Napantig ang tainga ni Verdandi nang banggitin nito ang apelyido niya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na hindi siya nito tinawag sa una niyang pangalan. Somehow, it felt strange, distant and unfamilar--and she was quite hurt with it.

"We're not friends in the arena, Fiametta," anito sa kanya. Napakunot-noo naman si Verdandi sa sinabi nito. "Ngayon, tumayo ka na diyan at simulan na natin ang training mo. Kung hindi ka makakapasa sa training ko, wala akong pagpipilian kung hindi i-report ito kay Professor Ruvia."

Tumayo naman siya ng dahan-dahan at naisip na siguro nga kalimutan niya na muna kung sino siya at ano sila ni Azrielle sa labas ng training room. Kung sino man si Azrielle noon, ay ibang-iba ito sa nakikita niya ngayon. Parang hindi na nga niya ito kilala.

Mula sa kinauupuang bleachers ay tumayo din si Azrielle at tumalon ito papunta sa ibaba ng arena. Hawak-hawak pa rin nito ang mga baraha na nasa mga palad nito. Alam ni Verdandi na isa sa mga special ability ni Azrielle ang magpasabog ng mga bagay o gawing pasabog ang kahit ano, kaya napalunok siya at ihanda ang sarili sa pagbato nito sa kanya ng mga barahang sumasabog. Ngunit walang nangyari.

"A-ano bang kailangan kong gawin?" nauutal na tanong niya dito. Tiningnan lang siya ni Azrielle ngunit di ito agad nagsalita.

"Siguro dapat ko munang sabihin ang mga batas ko sa training, Fiametta. Una sa lahat, ayoko ng mga late. Ikalawa, ayoko sa mga reklamador. 'Yung tipong wala ka pa namang ginagawa, marami ng sinasabi. Ikatlo, at higit sa lahat, ayoko sa mga hindi marunong sumusunod sa mga panuto ko," anito sa malamig na tono. Ngumiti ito na walang bahid ng aliw. "Kaya mo ba?"

Tumango siya. Ano pa bang magagawa niya?

"Kahit isa kang morgor, Fiametta, hindi ibig sabihin noon kailangan mo ng magpahuli sa mga estudyante dito. Kung anong ginagawa nila para makapasa sila sa Academy na ito, 'yon din ang gagawin mo dito," anito sa kanya. "Kailangan mong humabol o kung hindi, maiiwan ka."

Muling tumango si Verdandi. Naglakad papalapit si Azrielle sa kanya. Tinatagan naman ni Verdandi ang pagkakatindig.

"For starters, I want to know if you're fit to be trained by me. Kung dapat nga ba talaga kitang i-train, para naman hindi masayang ang oras natin," ani Azrielle sa kanya.  Si Azrielle ba talaga ang kaharap ko? tanong niya sa sarili na tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Napalunok si Verdandi. "Kung makakapasa ka sa pagsubok ko, sasanayin kita sa abot ng makakaya ko. Sa loob ng ilang buwan. Ituturo ko sa'yo lahat ng nalalaman ko kung paano kontrolin ang klse ng kapangyarihan na meron ka. Kung hindi naman, hahayaan na kita at sasabihin ko kay Professor Ruvia na hindi ka pumasa sa'kin. It will be up to her if she fails you in her subject, or might give you a chance. Pero sa pagkakaalam ko sa klase ng pagtuturo ni Professor Ruvia, hindi siya mangungusinti ng mga mahihina. So I'll give you a chance. If you pass my test, then I'll give you a passing mark kahit halimbawa magiging mabagal ang progress mo sa mga susunod na araw under my training. One shot. A single test to pass to be trained by me. Fair enough?"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Место, где живут истории. Откройте их для себя