[1] The Beginning of the Legend

18.2K 611 650
                                    

Magsisimula ang kwento natin nang magising si Verdandi sa kanyang upuan. Nang makita niyang nagtakbuhan papasok ang kaniyang mga kaklase ay wala siyang kamalay-malay na iyon na pala ang simula ng malaking pagbabago sa buhay niya.

At pag sinabi kong malaki, malaki talaga.

Kaya lang siyempre nang mga panahong iyon, iba ang nasa isip ng ating bida.

Hay, naiiling na sabi ni Verdandi sa sarili. Kahit nasa huling taon na sila ng highschool ay para pa din itong mga bata. Naghikab siya at inayos ang pagkakaupo. Mukhang alam na niya kung bakit di magkandaugaga ang mga kaklase niya sa pag-aayos ng mga sarili nila.

"Nandiyan na si Ma'am! Nandiyan na sila Ma'am!" Paulit-ulit pang anunsyo ng isa. Siyempre, sino pa ba? Verdandi just rolled her eyes and sighed. Talagang may mga tao talagang mahilig mag-announce ng obvious.

Naghikab siya. Tae talaga at inaantok pa siya.

"Dandi, nagreview ka ba?" Alalang tanong ng isa sa mga kaibigan niya at seatmate na si Yona. "'Di ba maglo-long test si Ma'am ngayon?"

Napakamot din siya sa ulo na nanlalaki ang mga mata. "Hala. Magku-quiz pala siya?" Ba't nakalimutan ko? Kastigo niya sa sarili. Nabusy sin kasi siya sa pagtulong sa program org nila noong nakaraang foundation day kaya nawalis sa isip nya yun. Tsaka sa dami ba naman ng gawain niya sa bahay, minsan nakakaligtaan na niyang mag-aral.

Nabahala tuloy sya. Terror pa naman ang teacher nila sa subject na 'to. At malupit magpa-exam. "Eh ikaw nagreview ka ba?"

"Kaya nga kita tinanong diba, para naman makakita ako ng pag-asa?" Nanlulumo namang sabi nito. "Dandiii! Bakit di ka nag-review? Ikaw lang ang inaasahan ko eh!"

Napapitlag naman siya. "Wow, Yona! Ano mo ba ako? Memory card? Pare-pareho lang tayong malalagot nito ngayon. Bakit mo ba kasi ako hindi pinalalahanan na may test pala?"

Ito naman ang nagtaas ng kilay. "Wow, Dandi! Ano mo ba ako? Kalendaryo? Dandiii! Ano nang gagawin natin ngayon! Sa loob ng dalawang linggo na wala tayong academic class, stock knowledge na lang ang aasahan ko. For sure tatanungin na naman tayo no'n ng mga eklashunivush na mga pangalan! Naalala mo ba kung sino yung hari ng Thebes at yung prophet dun?"

"Ewan ko din." Halos walang gana niyang sagot. Tinatamad talaga siya. 

Then an idea hit her head. "Ganito na lang. Sabihin mo sa mga kaklase natin na wag ipaalala kay Ma'am na may quiz tayo. At pag naalala na niya, huli na kasi time na. Mapipilitan siyang ipostpone ang quiz natin."

Nanlaki naman ang mata ni Yona na napatingin sa kanya. "Sige!" Tili nito. "Pero diba bad magsinungaling?"

"Unless kung nagtanong siya at pinagpilitan nating hindi. Nasa kanya lang yun kung maalala niya." Nakangisi niyang sabi. "Di din naman niya klinaro talaga kung magku-quiz ba sya ngayon. Ang sabi lang niya--wait, wala pala syang sinabi! Study lang daw. Ah basta, Yona. Gusto mo bang magquiz tayo ngayon ng de oras, ha, class mayor?"

Umiling ito. "Nagkasalubong kami kanina sa hallway, at sabi niya baka magpapatest daw sya. Ano namang isasagot ko? Wala din."

"O sige na. Gawin mo na." Utos niya dito. Utos talaga, kasi itong si Yona sana ang Class Mayor nila pero everytime may problema ito sa kaniya ito lumalapit. Ewan niya ba dito.

Tsaka madalas naman nilang ginagawang magkaklase to eh. Kelangan lang nila ng reminder ulit.

"Guys!" Pumalakpak si Yona sa harapan nila. "Listen up!"

Nanahimik at nakinig din naman ang mga kaklase nila. Pati yung nga sipagin at honor-student-wannabes nilang mga classmate ay napaangat ang tingin mula sa kumpol kumpol ng papel nilang nakalapag sa desk.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now