[20] Hapi The Snappy

5.5K 252 143
                                    

Sana hindi niyo ako patayin sa chapter na ito. Panahon na siguro para magbukasan na ng sikreto. Doon sa chapters  8 at 16 may mga iniwan akong clues. Enjoy! Sana talaga di niyo ako patayin dito.

EPISODE 20
Hapi The Snappy

"The psychus is like a box full of chocolates: you never know what you'll gonna get."

- Azrielle, while eating a gum(p) in the forest

Agad ding malalaman ni Verdandi na na hindi lang mga classmates at subjects nila ang magiging problema niya, kung hindi ang mga pasikot-sikot sa napakalaking Academy. So far, binubuo ng tatlong kastilyo ang Academy ng Tertiary Division, at hindi pa kasali doon ang dorms at admission office. Sa gitna ng tatlong kastilyo ay isang sementadong grounds na nagsisilbing courtyard, at doon madalas tumatambay ang mga estudyante. Nahihirapan siyang mamemorya ang bawat lugar na dinadaanan nila.

Tapos si Steravnosky pa ang teacher nila sa Math.

Natawag siya isang beses ni Steravnosky para magsolve ng equation sa board. At kahit nagdasal at ginawa na niya ang lahat para lang makasagot (sinubukan naman siyang tulungan ni Hapi pero napagalitan lang ito) ay wala talagang pumasok sa utak niya.

"Hindi ko alam kung paano itinuturo ang matematika sa mundo ng mga morgor, Fiametta," anito sa kanya na ikinabigla pa niya ng konti. "Ngunit ngayong dito ka na nag-aaral sa Atlantis Academy ay kailangan mong humabol sa standard dito. Baka ipagdasal mo na lang na sana hindi nadiskubre ang taglay mong psychus at a very late age."

Napalunok naman siya. Wala naman talaga akong psychus, aniya sa isip, at hindi naman talaga ako dapat nandito! Pero winaksi niya na lang iyon sa isip niya dahil baka pati pag-iisip niya ay marinig ni Steravnosky.

Pag-upo niya ay ininsulto pa siya ni Kai: "Hanggang highschool siguro arithmetic pa rin ba ang tinuturo sa eskwelahan ng mga Morgor? Tsk, pabigat talaga ang mga mahihinang Vascillux na basta na lang dinala dito sa Atlantis."

Sa pagkaasar niya ay nasagot niya ito. "Lumaki ka nga dito, pero ni hindi mo nga din nasolve ang equation. Blangko nga din 'yang papel mo, eh."

Napalakas ata ang pagkasabi niya dahil sinita siya ni Steravnosky, "Fiametta, talking! Five points deducted from today's quiz!"

Matalim niyang tiningnan si Kai. Binelatan lang siya nito. Mas lalo tuloy siyang na-highblood.

Pagkatapos ng klase ay hindi lang si Verdandi ang inis na inis, kundi pati din si Azrielle. Ito kasi ang palaging pinapasagot ni Steravnosky sa board. Ang rason pa nito, "I've heard top honors ka ng batch niyo sa Secondary Division. And yet you answer so slow."

"Love takes time," Nang binulong iyon ni Azrielle, ay binawasan din ito ng limang quiz points ni Steravnosky.

Kinabukasan, ay maaga silang nagising. Hindi na pumayag sila ni Azrielle na doon ulit sina Sean makiligo sa kwarto nila. Nagpumilit pa si Hapi ng konti, dahil takot pa rin ito kay Osiris, pero sabi pa ni Azrielle:

"'La akong pakialam kung sa River Styx kayo maligo kung ayaw niyong maligo sa sarili niyong kasilyas. Talo niyo pa ang mga babae sa tagal niyong magbanyong tatlo!"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora