[35] Abducted

4.9K 231 71
                                    

Hello guys...! Pasensya na sa tagal ng updates, marami lang talagang nangyari at marami pa din po akong ginagawa hehe... Pasensya na ulit. Nababasa ko po lahat ng messages niyo at salamat sa paghihintay ng UDs. Salamat din sa mga nagbabasa pa hanggang sa ngayon. May nilagay po akong something sa next or baka na-upload sa previous part, sana po mabasa niyo hehe... And wait, ang chapter na ito ay Rated SPG--pero hindi sa paraang iniisip niyo haha... Voted and comments are highly appreciated pa rin po, kahit di ako madalas nakakapagreply dahil nawawala po siya sa notifs. Video diyan sa taas, I'm an Albatraoz, pang soundtrack lang, haha... Thanks ulit at enjoy!

EPISODE 35
Abducted

Kahit ayaw naman niya talaga ay walang magawa si Verdandi kundi kunin ang naiwang banner at puntahan ang dorm room ng mga lalaki. Sana nga lang ay di siya makita at masita doon ng kahit sinong taga-Student Congress o si Professor Steravnosky. Kailangan na nilang madalian ang last minute preparations dahil mamayang hapon din at magsisimula na ang program para sa seven-day festival ng Academy.



Nang makarating siya sa dorm nila Hapi, at napansin niyang hindi pala iyon naka-lock. Sa pagmamadali ng mga ito ang dami na nitong nakalimutang gawin. Kumatok pa rin siya ng marahan kahit inaasahan na niyang walang tao doon.



Tahimik siyang pumasok sa loob. Ang una niyang nadatnan ay ang magulong kama ng mga ito, ang mga nagkalat na materyales sa sahig pati na ang plantsang nakasaksak pa sa outlet at umuusok na. Napailing siya. Mga lalaki talaga.



Iginala niya ang paningin niya sa kwarto para hanapin ang banner na tinutukoy ng mga ito. Nang may makita siyang nakasampay sa isang kama na mahabang telang may maganda at nakakaaliw na disenyo ay lalapitan na sana niya ito--nang biglang may biglang tumayo mula sa likod ng isang kama.



Una'y natigilan lang si Verdandi nang makita ang pamilyar na puting buhok at impassive na expression ni Osiris Grimmcaster. Ngunit nang rumehistro sa kanya ang itsura nito--hubo't-hubad, walang damit at nakatingin din sa kanya na nagulat na din sa wakas ay tinakasan siya ng kulay sa mukha. At nang di niya inaasahang mapadako ang tingin sa espadang nakalawit doon ay--



Namula siya. Napaatras. At sisigaw na sana nang bigla siyang hinila ni Osiris sa braso.



Bago pa siya tuluyang makapanlaban at makalayo ay mahigpit siyang hinawakan nito sa dalawang pulsuhan at tinakpan ang bibig. Sa isang iglap ay nasa likod na niya ito at yakap-yakap siya!



Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang bumulong ito. "'Wag kang sisigaw."



Bigla siyang nagpanic nang marinig iyon. A-ano daw? naguguluhan at kinakabahan niyang tanong sa sarili. Ramdam niya ang mainit at hubad nitong katawan sa likod niya. Anong--anong ibig niyang sabihing 'wag akong sisigaw? Hindi! Hindeee!



Nanlaban siyang muli at pinilit na tumakas mula sa pagkakayapos nito. Sinubukan niyang tumakas at iwaksi ang mga kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kanya. Parang bakal sa tigas ang braso nitong nakapulupot sa katawan niya at hindi siya makagalaw.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang