[I] Aftermath Part 1: In the Hands of Order and Chaos

1.8K 115 67
                                    

Hi guys! Pasensya na at ngayon lang ulit ako nakapag-update, mahaba talaga ang epilogue na parang hindi epilogue dahil may mga kasunod pa ito na parts hahahahahaha... In-edit ko pa siya para masagot dito 'yung mga importanteng tanong na nilagay niyo sa last part. Salamat pala sa mga nagparticipate! Maraming salamat din sa paghihintay dito. Abangan po ninyo ang maya't-mayang updates ng natitirang parts ng epilogue anytime this week. Video sa taas pangbackground as usual. Iuupdate ko ang cover soon at ibalik ang mga una kong ginamit dito to celebrate the finale week. Thanks ulit at hope you enjoy!

EPILOGUE I
Aftermath Part 1: In the Hands of Order and Chaos

Unti-unti nang naramdaman ni Verdandi ang kanyang paligid. Pakiramdam niya, ay para bang natulog siya ng daan-daang taon at muling ipinanganak. Ang ganitong klaseng pakiramdam na gising at mayroon siyang kamalayan sa paligid ay isang bagay na parang kakaiba sa kanya.

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Ngunit malabo ang paligid niya. Kinurap-kurap niya ang mga mata para luminaw ang paningin saka niya napansin ang isang pigura ng lalaki na nakadungaw sa kanya.

"Verdandi?"

Muli siyang napakurap at naibaling sa nagsalita ang kanyang mga mata. Una ay nagulat pa siya dahil hindi niya ito kilala. Napaatras siya at kinusot ang mga mata para maklaro kung sino ito.

"S-sino ka?"

Ngumiti ang lalaki. May katandaan na ito at ang buhok nitong kulay tanso ay nahahaluan na ng maraming puti. May traces din ito ng balbas at bigote subalit kahit na may edad na ito ay matipuno pa rin ang pangagatawan nito, at kumikinang pa rin ang mga mata nito na parang isang bata.

Pero higit sa lahat masyadong pamilyar ang estrangherong ito kay Verdandi.

"Anong nangyari? Nasaan ako? 'Yung mga kasama ko--" panimula niya na napabangon ngunit nahilo agad siya.

Marahan naman siyang hinawakan ng lalaki sa magkabilang balikat at pinakalma.

"'Wag kang masyadong magaggalaw, baka mabigla ka," sabi naman ng lalaki. "Hayaan mo, papaliwanag rin nila sa'yo ang buong nangyari pagdating nila dito. Sa ngayon kumain ka muna."

Binigyan siya ng lalaki ng mansanas, tinapay at gatas. Habang pilit na kumakain ay iginala naman ni Verdandi ang mata sa paligid na nakakunot-noo pa rin. Nakapunta na siya rito noon kaya tingin niya ay nasa infirmary siya ng Academy.

Doon parang bumaha ang mga alaala ng nangyari. Kung paano siya nakakuha ng scholarship para sa isang eskwelahan sa Europa, kung paano siya napadpad sa Atlantis Academy, ang mga taong nakilala niya, ang mga kaibigan niya, mga nalaman niya tungkol dito, at higit sa lahat ang naging labanan nila doon sa kastilyo ni Kastamerr.

Otomatiko naman siyang napatayo ngunit pinigilan ulit siya ng lalaki.

"Wala ka pang masyadong lakas kaya 'wag mo munang pilitin ang sarili mo," sabi ulit nito sa kanya. Hinawakan nito ang mukha niya ngunit dahil kumalas siya ay umatras din ito at napayuko. "Pasensya na. Nakalimutan ko na malabo nga pala na makilala mo ako ngayon, baka iniisip mo na isa lang akong matandang manyak."

Tumawa ito ng kaunti at nang marinig ni Verdandi ang halakhak nito ay parang napantig ang tenga niya.

Hindi maaari...

Napakurap si Verdandi at sinilip muli ang mukha nito. Nagkatitigan ulit sila ng lalaki. Ngumiti ito ng matamis sa kanya--ang pilyong-pilyong ngiti na alam na alam niya.

"Sean?"

"Kumusta ka na?" anito. "Salamat naman at nagising ka na rin sa wakas. Ang tagal mong natulog, Verdandi."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon